Report 042

109 4 0
                                    

Artiona Novaliege.

De Niro was sitting in my bead while his hands are covered with blood. Wala akong iniwang importante sa kwartong 'to pero hindi ko inakalang s'ya ang unang makakakita ng mga files na pinadala ng agency. I looked at him and he's just smiling at me. We're now two different sould. I know, inside, gusto n'ya akong patayin.

"It's not for you to see.", kaswal kong sambit at dahan-dahang isinara ang pintuan. Tumaas naman ang isa n'yang kilay. "Looks like you already knew my job.", dagdag ko pa at kumuha ng baril saka deretso 'yong ibinaril sa direksyon n'ya. Agad naman n'ya 'yon naiwasan na ikinasinghal ko.

[BANG!]

Bawi n'ya at saka sinubukang lumapit. Muli kong kinasa ang baril at sunod-sunod s'yang pinutukan. This room is a soundproof kaya naman kung may mamatay sa aming dalawa ay walang makakaalam.

[BANG! BANG!]

Muli n'yang baril at nagtago naman ako sa kabilang kwarto at ginamit ang pader bilang panangga. Nang makakuha ng momento ay bumawi naman ako at binaril ang mga salaming nalalapitan n'ya at mga ilaw dahilan para magkalat ang mga bubog sa sahig.

"IS THIS FUN, NIGHTSHADE?", mariin n'yang siagaw na umikot sa buong kwarto.

Naghabol naman ako ng hininga at saka kinasa ang baril. Kumukuha naman ako ng pwesto habang nakayukong naglalakad at hinahanap kung nasaan ang anino n'ya.

"Tsk! IS IT! SPECIALLY IF I KILLED YOU!", sigaw ko at binalik ang mga balang pinapapunta n'ya sa direksyon ko.

Nararamdaman ko rin ang mga yapak n'ya at ang habulan namin sa dilim. Malaki ang kwartong iniikutan namin at karamihan ng gamit sa hotel na 'to ay gawa sa mga babasagin. Nagsimula ang mga kalat na nagpalito sa amin. Minsan pang may ibinabato s'ya para lituhin ang tingin ko. Binaril ko naman ang mga ilaw na nadadaanan ko para mas lalong makapagtago sa dilim.

"I KNOW YOU'RE JUST WASTING MY TIME, DE NIRO!", sigaw ko at muling ipinutok ang baril. Nagtago naman akong muli at saka inihanda ang ilan kong bala.

Sinusubukan ko ring kontakin ang agency gamit ang mga devices na mayroon pa ako. Bago ko pa man makapitan ang hikaw ay agad akong napatayo at tumalon sa kabilang parte ng sala gamit ang couch nang maramdaman ko ang presensya n'ya sa gilid. "Bitch...", bulong ko.

Agad naman akong umiwas ng umatake s'ya at inihanda ang pwersa ng paa ko para sipain ang tagiliran n'ya. Naharangan naman n'ya 'yon at sinubukang abutin ang mga braso ko na agad ko rin namang naiiwasan at nakakapaglapag ng ilang kamao sa kanya at sa muka.

Sinusubukan n'ya ring patulugin ako sa pag-target sa leeg ko at ulo. Mabilis ang bawat galaw namin na may kanya-kanyang bawi sa isa't isa.

"Shit!", singhal n;ya nang makakuha ako ng salamin at inihampas 'yon sa kanya. Ginamit n'ya ang dalawang braso para harangan ang bawat maliliit na bubog. Nang makuha ang oportunidad ay kumuha naman ako ng stand at inihampas 'yon sa kanya dahilan para matumba s'ya.

Bago ko pa man makuha ang wine glass para ibato ay nabuhat na n'ya ang maliit na couch at saka ibinato 'yon sa'kin. Ginamit ko naman ang buo kong lakas para 'yon hindi tumama sa'kin kaya hindi ko agad naharangan ang kurtinang ipinulupot sa'kin ni De Niro pero umiuwas rin s'ya nang iwasiwas ko ang bubog na kapit. Nang maalis ang kurtina ay agad akong napayuko nang makitang babariliin n'ya ako kaya agad akong gumapang para iwasan ang sunod-sunod na pagputok n'ya.

Sumandal naman ako sa pader nang kwartong pinasukan ko at inalis ang iilang bubog na bumaon sa balat ko.

Nag-isip rin ako ng bagay na pwede kong ibato sa kanya o kaya ya kung saan ko s'ya mako-corner. Nakakita naman ako ng tali sa tabi at ang mga detergent. Looks like this is the Laundry. Perfect timing. Kinuha ko ang iilang bote roon at mabilis 'yong binuksan. Pagsipa naman ni De Niro ng pinto ay ibinuhos ko ''yon sa kanya dahilan para mapaatras s'ya.

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon