Report 025 [FLASHBACK]

112 2 0
                                    

Artiona Novaliege.

6 YEARS AGO..

Magdadalawang taon na simula nang makapasok ako sa trabaho kung saan ang gagawin lang ang gusto ng costumer. Noong una, ayaw kong sumama sa babaeng nag-alok sa’kin na si Nirva. We met inside a convenience store and she asked me some stuffs even though hindi naman ako isang staff doon. I don’t know what’s her deal but I still helped her, after that, she asked me if I want some easy job and I immediately said yes.

At eto na nga, nakapasok ako sa agency kung saan nagdedeliver lang ako ng mga boxes at may iilan na ipinapaayos sa’kin. Nasa labas ako ngayon ng office ni Nirva at hinihintay ang sahod ko. Maliit lang ang opisina n’ya at kahit na ang agency. Halos lima lang silang may table at dalawang maliit na kwarto para sa President at sa manager.

“Mhm..”, kaswal na sabi ni Nirva at inabot sa’kin ang brown envelope na nakangiti ko namang kinuha. Maluwag naman akong nakahinga nang sa wakas ay may pangbibigay na ako sa kapatid ko. Nasa highschool na kasi s’ya at gusto n’ya ng bagong uniform, hindi naman ako makapangako kaya nalulungkot ‘yung isa.

“Salamat..”, sambit ko at tumango naman s’ya. Hinintay ko naman s’yang umalis pero nanatili s’ya sa harap ko at mukang may gusto pang sabihin.

Huminga ng malalim si Nirva bago nagsalita. “Sumunod ka sa’kin. May sasabihin ako.”, seryoso n’yang sabi at saka pumasok sa opisinan’ya. Sumunod naman ako at tumayo sa tapat ng lamesa n’ya. Umupo s’ya sa office chair n’yang napakaluma bago tiningala ako. “Matagal ka nang nagtatrabaho dito, ayaw mo bang tumaas pa?”, deretso n’yang tanong na ipinagtaka ko.

Nag-isip naman ako saglit bago s’ya tinanong. “May.. ginawa ba akong masama?”, inosente kong tanong at nanatili lan s’yang nakatingin. “Muka nga..”, bulong ko at umiwas ng tinin.

“Gusto mo bang tumaas ang sahod?”, tanong n’ya na nagpatingin agad sa’kin. Tumango naman ako ng ilang beses dahil ang totoo ay desperado na ako. “Hanggang saan?”, naghahamon n’yang tanong.

Tumaas naman ang dalawa kong kilay, Paanong hanggang saan?”

“Hanggang sa mananakit ka ng tao, magsisinungaling, magpapanggap, magnanakaw, poprotekta.. O tatalon sa bangin. Mga simpleng gawain.”, seryoso n’yang sambit na ikinaseryoso ko. Alam kong mapupunta ‘to sa hindi magandang usapan. May mga trabaho na akong nagawa noon na kailangan kong gawin ang iilan sa mga ‘yon para lang may makain kami kaya alam ko ang ibig n’yang sabihing mga gawain.

Hindi naman ako nagsalita agad at tumitig lang kung saan. “Basta hindi ako papatay..”, simple kong sagot na kataka-takang ikinangiti n’ya.

“I see.”, bulong n’ya at saka mabilis na gumalaw at kumuha ng baril at saka itinutok sa’kin. Tumigil naman ang paghinga ko pero nanatili akong nakatayo at nalabanan ang kilabot na naramdaman. Natutukan na ako ng baril noon at kahitna kutsilyo kaya naman pamilyar sa’kin ang pakiramdam pero hindi ko pa rin maiwasang hindi magulat kapa sa’kin na nakatapat. “Looks like you’re exposed to crimes. Nakapagnakaw ka na, tumulong sa pandudukot, at muntikan nang maging leader ng maliit na sindikato. Pero bakit ka tumanggi? Dahil kay Creo. Hindi ba?”, tanong n’ya na ikinagulat ng buong pagkatao ko.

Alam kong malinis ako gumalaw, wala akong normal na pangalan at alam ko kung kailan magbabago ng galaw pero hindi ko inasahan na ang isa sa pinakasikreto ko ay mabubunyag ng babaeng ‘to. Mukang sa tagal kong nagpapanggap na mabait at simpleng namumuhay na babae lang ay may mga galaw  s’yang napansin o kaya nama’y una palang, gusto na n’ya talaga akong kunin.

Sumama naman ang timpla ko at tininan s’ya ng seryoso. “Sino ka?”, kaswal kong tanong at tinignan lang n’ya ako ng may ngisi.

“Well, a recruiter?”, she answered in a question. Tinaasan ko naman s’ya ng kilay. “An agent recruiter.”, saad n’ya na agad ko namang nakuha.

“Do you want me to be your agent?”, I asked at mas lalong lumiwanag ang ngiti n’ya. “How’s the salary?”, deretso kong tanong. Inilagay naman n’ya ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa at pinagsama ‘yon.

“Mhm..”, aktong nag-iisip. “Lowest is 50,000. Sa isang araw.”, sagot n’ya na ikinatigil ng paghinga ko.

Gaano ba kasama ang ginagawa ng mga ‘to at napakalaki ng sahod nila?

Posible ba ‘yon?”, taka kong tanong.

“Posible. Hindi naman maliit lang na trabaho ang inaalok ko.”, simple n’yang sagot.

Pinag-isipan ko naman ang susunod na sasabihin dahil pwede ‘tong patibong o hinuhuli lang n’ya ako sa sarili kong bibig.

“Gaano kaposible? Bukod sa doktor ‘e, walang kikita no’n sa isang araw lang.”, nakakunot ang noong sambit ko.

Tumango-tango naman s’ya. “Mhm.. sabihin na nating ang trabaho ay delikado pero nakadepende kung gaano ‘yon kasama. Halimbawa, may gustong  ipapatay na mamatay tao ang isang namatayan, iuutos n’yang patayin ang pumatay sa halimbawa ay kapatid n’ya, edi kailangan n’ya ng malaking pera.”, paliwanag n’ya na hindi ko agad nakuha.

“Ibig sabihin ay ang trabaho n’yo ‘e gamitin ang kasamaan sa kasamaan?”, paglilinaw ko.

Tumango s’ya. “Mhm.. Simple lang di’ba?”, hindi naman ako agad sumagot. “Nakadepende pa rin naman sa agent kung anong misyon ang gusto n’ya at hindi, ibig sabihin, pwede kang magtrabaho ng marangal o kaya nama’y buwis buhay. Mas delikado, mas mahal. Mas marangal, mas makikilala. Kung magaling ka, pwede mong makuha ang yaman at karangalan.”, para s’yang maestra. Nakakaakit ang mga salita at para akong hinihila.

“Kailan ako pwedeng magsimula?”, tanong ko at nakatanggap naman ako ng pinakamaganda n’yang ngiti.

KINABUKASAN, dinala n’ya ako sa lugar na kailan man hindi ko inaasahan. Ang staff room na sila lang ang nakakapasok ay nakakagulat na may isa pang pinto kung saan may hagdanan pababa. Tama nga ang kutob ko na may mga pagkakataong may nararamdaman akong galaw sa ilalim pero kailan man ay hindi ko ‘yun kinwestyon dahil iniisip ko nalang ay galing ‘yon sa mga sasakyang dumadaan sa labas.

Nang makatapak ako sa napakalinis na sahig at halos makita na ang repleksyon ko ay agad naman akong humanga sa loob ng agency na ‘to. Everything looks so cool. Brown and white ang halos disenyo ng pader at mga design na nakasabit roon. Para lang ‘tong café na may halong office theme at kahit na may aksidente atang makapasok ay ‘di aakalain na ang mga trabaho nila ay isa sa mga sikretong hindi sigurado kung totoo.

“Good Morning.”, bati ni Nirva sa mga ngumingiti sa kanya. Sumunod naman ako nang naglakad s’ya habang nag-oobserba. Mahirap na at kahit sumama ako sa kanya ‘e baka traydorin n’ya pa rin ako. “Want some breakfast?”, she asked and then tumingin ako kung saan s’ya nakatingin. Halos mapanganga naman ako sa laki ng cafeteria na nadaanan namin.

“Nope.”, maiksi kong sagot at umaktong normal kahit na sa loob loob ko ay gusto kong tumitig sa kwartong ‘yon.

Naglakad muli s’ya na agad ko namang sinundan at napunta kami sa kwartong may mga nakapilang mga naka-civilian na katulad ko. Halo-halo ang mga naroon at may iilang kaedad ko, may iilan na man na matatanda na.

“Alright. Sit down there.”, utos ni Nirva at sinunod ko naman. Nakatayo pa rin si Nirva sa harap namin at mukang may hinihintay na dumating.

Pinanood ko naman ang bawat galaw ng mga narito at sa hula ko ay katulad ko rin silang na-recruit.

“There you are, little guy.”, napatingin naman ang karamihan nang magsalita si Nirva sa harap at sinalubong ang napakagandang lalaki na may malawak na ngiti. “Everyone, this is Crimson. The one who will teach you the basics of this work.”

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon