Artiona Novaliege.
He's beyond my expectations.
Meeting De Niro for the first time let me learned na wala s'yang alam tungkol sa'kin, and based on his reaction, he didn't expect it to be someone who's likely younger than him. I don't know why he came back suddenly after ng meeting namin. Is he mocking me? Nalaman kaya n'ya na bawal namin s'yang galawin that's why he chose to be back?
"Ma'am, okay na po ba 'to?", tanong ng isa kong estudyante na nagpagising sa nawawala kong atensyon. Exam nga pala nila and I'm facilitating them since their adviser is on leave. "Tapos na po kasi ako.", dagdag pa n'ya nang hindi ako sumagot. I looked at him and smiled — as I should.
"Yes. Sige na. Pwede ka na mag-lunch.", kaswal kong tanong at kinuha ang papel n'ya. Tinupi ko ito at inilagay sa ilalim. Napabuntong hininga ako. 'Now that he is here, what should I keep and let go?', tanong ko sa sarili at tumingin sa baba.
I will change my location and sell all my stuffs. Kahit 'yung kotse ko, cellphone, and even clothes, I need to get rid of it as soon as I can. I'll change my cards and names. We have someone in government naman kaya madali lang 'yon. If De Niro is a monster as everyone is saying, then this school will not be safe if I'm here. Pero hindi rin naman ako pwede makipag negotiate.
"Ma'am.", napatingin naman ako sa estudyanteng tumawag sa'kin. Nagulat naman ako at nakabuo na sila ng pila at base sa mga muka nila ay kanina pa nila ako hinihintay. Nang tumingin naman ako sa kanila ay mukang natakot sila sa walang reaksyon kong muka. Nag-isip namna ako ng butas para malusutan ang miscommunication na 'to.
Tinaasan ko sila ng kilay at umupo ng maayos. "Tapos na kayo?", masungit kong tanong at kinuha ang papel ng nauuna. "Ang bibilis ah. Mukang gusto nang sumilay.", pang-aasar ko kunware ngunit hindi pa rin ngumingiti. Natawa naman ang iba kaya naman ngumiti na ako habang tinatanggap ang papel nila.
"Thank you, ma'am.", bati ng iba bago lumabas. Tumatango lang ako at tumatawa sa mga biro nila sa'kin man o sa isa't isa.
Nang maiayos ang papel nila ay tinignan ko kung sino pa ang mga nagsasagot at marami-rami pa sila. I decided na pumunta sa labas at tumingin nalang sa paligid. Hindi naman na ako nagulat nang makita ang Principal namin napapunta sa room kung nasaan ako. Tumitigil s'ya ng ilang sigundo sa mga room at nginingitian ang mga teacher doon. Minsan ay inaangat ang palad para patigilin sila na batiin s'ya. Kung titignan ay aakalaing matagal na s'ya sa larangang 'to.
"Good Morning, Ms. Salvador.", nakangiti kong bati sa kanya. Ngumiti rin s'ya sa'kin at tumindig para ipakita ang kanyang posison. Tumabi s'ya sa'kin at tumingin din sa labas kung saan maraming bata ang mga nagtatakbuhan at kumakain sa mga upuan.
Umubo naman s'ya ng peke at naglikot ang tingin. "Kumusta?", kaswal n'yang tanong ngunit mahihimigan na hindi tungkol sa pagiging guro ko ang tinatanong n'ya.
Nag-isip muna ako ng sasabihin bago s'ya sinagot. "I met him.", sagot ko. Alam ko namang tinanong n'ya 'yon dahil alam n'yang nagkita na kami ni De Niro. I just don't know what more should I say. Tinignan naman n'ya ako at nakuha ko naman ang sinasabi n'yang 'I know'. "Remarkable.", sagot ko na talagang gusto n'yang marinig.
Tumango naman s'ya at ngumiti. Sapat na 'yon para mag-ingat rin s'ya. Alam n'yang kapag nanggaling sa akin ay hindi na kailangan ng malawakang paliwanag para maintindihang hindi nga simple lang na Mafia si Ezyele Romeo. Tinapik n'ya lang ang balikat ko at umalis na. Hindi kami pwedeng magtagal ng pag-uusap dahil bukod sa maraming tao ang pwedeng magtaka, hindi rin kami sigurado kung lahat sila ay normal na tao lang.

BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...