Artiona Novaliege.
Halos isang oras na akong umiikot para obserbahan ang kwartong ‘to at maghanap ng iilang pwedeng takbuhan. Bukod sa dinaanan namin ni De Niro ay wala na akong makitang ibang pwede naming labasan. Mukang ang tanong ni De Niro kanina ay para pag-isipan ko ang gagawin dahil ang pagpipilian nalang ngayon ay ang sumugal.
Habang pinapanood ko ang laban ay napansin kong ang masyado 'yong kakaiba. Hindi normal na baraha o kung anong laruan kundi tao, tao ang kanilang pinagpupustahan at tinatayaan. Napagdesisyunan ko munang manood ng ilang minuto bago napag-aralan ang lahat.
“Pwede ba pumusta at lumaban ng sabay?”, tanong ko sa katabi kong sumisigaw at mapaghahalataang laman ng lugar na ‘to. Pinapanood namin lahat ang diskarte ng dalawang naglalaban sa gitna. Para silang mga manok na gagawin ang bawat galaw masaktan lang ang kabilang panig.
Agad naman s’yang tumingin at tumawa ng malakas. “Mukang bago ka miss ah. Kiss muna bago ko sabihin.”, nakakadiri n’yang tanong habang pinagmasdan ang buong katawan ko.
Sanay na ako sa mga ganoong tingin pero hindi ibig sabihin ay mananahimik ako. Kadalasan, dinudukutan ko sila ng mata o kaya naman ay bubulagin pero matagal na nang nagawa ko ‘yon dahil ayoko nang dinudumihan ang kamay.
Kung makikipagtalo naman ako ay mas tatagal ang usapan. “Sagutin mo muna ako.”, malandi kong sabi at medyo lumapit sa kanya na mukang ikinagulat n’ya.
Lumunok muna s’ya bago nagsalita. “Pwedeng pwede.. Pwede kang lumaban tapos pupusta ka sa sarili mo.”, paliwanag n’ya at astang kakapitan ako nang mabilis akong umalis roon at mabilis na sumiksik sa mga tao.
Hindi naman kalayuan ang pwesto ko sa espasyo kung saan naglalaban at pumupusta ang mga ‘to. Nang matapos ang laban at umangat ang puntos ng panalo ng pusta ay muling nagtawag ang banker.
Ang labanan sa larong ‘to ay kahit sino ang pwedeng lumaban at sa dalawang taong nasa gitna ng rectangular stage pwedeng bumoto. Habang nananalo ang ka ay tataas ang pwesto mo depende sa puntos at bawat taya ay depende sa tinaya ng lahat. Kung ikaw ang may pinaka mataas ang puntos hanggang sa wala nang lalaban, lahat ng nakataya ay sayo at makikilala ka ng lahat bilang top player. Mawawala ka naman sa pwesto kapag wala ka nang kayang itaya kaya kaunti lang ang talagang tumatagal sa laro.
Itinaas ko naman ang kamay ko nang matapos ang laban ng dalawa. Karamihan ng mata ay nakatingin sa’kin at maya-maya’y marami ang umangal.
“BOOOOO!!”
“’WAG ‘YAN ISANG LARO LANG! BORING!”
“AKIN KA NALANG KAYA!”
Sigawan ng karamihan na hindi ko naman pinansin at umakyat na sa stage. Wala sa misyon ko ang pasukin ang ganito kalaking gulo pero wala na akong ibang paraan kundi ang iligtas ang mga batang ‘yon ng mano-mano.
Natatawa naman akong tinignan ng banker at saka tumango. “Sino ang lalaban?”, tanong n’ya at marami ang tumaas ang kamay. Isa na roon ang lalaking kanina pa nananalo.
Malaki ang katawan n’ya at mas matangkad kay De Niro. Mas malaki rin ang kanyang postura at mukang batak na batak sa labanan dahil sa katawan. Marami rin ang may kilala sa kanya at sa pagkakaalam ko, iilan pa lang ang talo n’ya sa tagal n’yang naglalaro rito. Nang tumapak s’ya sa stage ay sumang-ayon ang lahat at tumaas ang pusta na ibinigay sa kanya.
“Sigurado ka ba, miss? Baka ikamatay mo ‘to, sayang ka.”, nagpapaalala n’yang tanong na ikinatawa ng iba. ‘Di ko naman s’ya binigyan ng ibang reaksyon at binigyan s’ya ng isang tango. Nagkibit balikat lang s’ya bago muling nagsalita. “Ohhhhh.. sa side ni Toro ay may halos labing-siyam na milyon? At tumataas pa! Ang puntos na makukuha sa larong ‘to ay sabihin na nating… 100 points. Kung manalo ang isa sa mga nariritong players, malaki ang pwede nilang iangat sa ranking.”, paliwanag n’ya na rinig sa buong stadium.
Itinaas ko naman ang kamay ko na ikinatingin n’ya. “Tataya ako sa sarili ko. Magkano ba ang kailangan dito?”, mayabang kong sabi sa kanyan na mukang mas gusto n’yang ikatawa.
“Sa loob ng gambling stage, limang milyon. Sa labas ay kahit magkano.”
Tumango naman ako. “Mhm..”, gusto kong tumaya ng isang daang milyon kaso baka hindi sila maniwala. “Then, 5 million for me.”, mahinahon kong sabi na ikinatango n’ya.
Sa screen kasama ang muka ko ay nadagdagan ‘yon ng limang milyon at nakalagay na ako rin ang sumugal na ikinatawa ng karamihan. Nag-unat naman ako at inalis ang mga pwedeng sagabal sa laban na ‘to. Tinali ko na rin ang buhok at sinugurado ang lahat ng nasa katawan ko.
Napatingin naman ako sa screen ng manahimik ang lahat habang gulat na nakatingin roon.
“100 million bet. Alas. For the woman.”, mahina at gulat na saad nung banker sa microphone. Agad namang hinanap ng mata ko si De Niro. Naroon s’ya nakaupo katapat kung saan ako nakaharap. Pirmi n’ya akong pinapanood at walang pakialam sa mga matang nagtatanong sa kanya.
Hindi naman na nagtagal bago nagsimula ang laban at nang marinig ay signal ng banker ay agad nang sumugod si Toro. I dodged and watch his movements. Like what expected, hindi s’ya maalam sa combat skills. Binabato lang n’ya ang bawat sapak at pilit akong inaabot para mahawakan at kung saan ibato. Tumatalon talon lang ako sa paligid at umiiwas sa mga bato n’ya.
“Tsk! Puro ka iwas.”, inis n’yang sabi at tumigil sa gitna.
“Puro ka naman sapak at kung ano ano, ‘di mo naman ako mahuli.”, pabalik kong pang-aasar. Mukang nainis naman s’ya at mabilis akong sinugod. Agad naman akong tumalon sa balikat n’ya at ginamit ang buong lakas para hawakan ang leeg n’ya at hilain ‘yon patalikod. Hindi n’ya naman inasahan ang galaw kong ‘yon kaya mabilis s’yang natumba. Bago pa man s’ya bumagsak ay inikot ko na ang ulo n’ya na agad n’yang ikinawalan ng malay.
Huminga naman ako ng malalim bago tumayo roon ay panoorin s’yang hindi makagalaw. I just twisted his neck kaya naman buhay pa s’ya, hindi lang s’ya makakagalaw ng ilang araw depende pa kung magpapagamot s’ya.
Mabilis talaga mapatumba ang kalaban kapag sa ulo tinira.
Nanahimik ang buong paligid at mukang hindi makapaniwala sa mga nangyari. Normal na reaksyon mula sa mga tao lalo na at minaliit nila ako. Sa dami ng misyon kong nagawa ay normal na ang ganitong sitwasyon kung saan ang karamihan ay mas pabor sa mas malaki at kilala, pero hindi normal na may pumapalpak matapos kong manalo sa isang simpleng laban.
“What a good game...”, nakangising sambit ni De Niro at nananatiling mag-isang pumapalakpak.

BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...