Artiona Novaliege.
It’s been 2 days since that man De Niro told me about his marriage and the agency is in chaos because of that— thinking to stop it. Wala naman akong balak kunin ang misyong ‘yun dahil masyadong matagal ang preperasyon para sa pagsira ng kasal n’ya. If he doesn’t want to be married to someone then stopped it himself. And if De Niro really wanted to marry that woman then that means he is really determined and no one can stop him.
“In position.”, I reported to my co-agent na kasama ko ngayon para obserbahan ang Mayor. He is in their meeting room at mukang may problema dahil hindi sila magkaugaga. “What did he say?”, I asked in my earpiece nang makita kong may kausap ang Mayor sa phone n’ya.
“May kailangan s’yang puntahan.”, maikling sagot ng kausap kong agent. Inayos ko naman ang mga gamit ko bago sumakay sa motor ko at sinundan ang kotse ng Mayor.
Tumigil naman ako medyo malayo sa hinintuan ng kotse. Nakakapagtakang pupunta ang Mayor sa hotel na wala sa schedule n’ya ngayong araw. Iniwan ko naman ang motor ko sa tagong lugar at saka pumasok sa hotel at umaktong costumer. Bago pumasok ay nagsuot ako ng wig na maikli ang buhok at salamin na sapat lang para makita ko sila ng maayos. I also wear some kind of coat at nag-iba ng kulay ng lipstick.
Pagpasok ko ay tumambad sa’kin ang nagkakagulong staffs at hilerang mga nakatuxedong mga lalaki na may dala-dalang tray ng pagkain. Looks like something important is happening na pinunta ni Mayor. Since it’s a private room, rented by someone, the only choice I have is to wait for the Mayor to come out.
“Lagyan n’yo ng tracker ang kotse ng Mayor. Mukang nagbago ang plano n’ya ngayong araw.”, utos ko sa co-agent ko matapos kong mapansin na halos isang oras rin ang tinagal ng Mayor sa loob.
Nang mapansin kong nagbababaan na ang mga staff dala-dala ang mga walang lamang gamit ay lumabas na ako para hintayin roon ang target. After some time, lumabas na rin s’ya kasama ang ibang mga negosyante. Nagsalubong naman ang kilay ko ng makita ang CEO ng Food Corporation na si Biau.
“What should we do now?”, tanong ng nasa kabilang linya sa kanang tainga ko. Hindi naman agad ako sumagot at nag-isip ng plano.
“We’ll stick to Mayor. Leave that CEO alone. We’ll take care of him later.”, mahinahon kong sagot. Mukang ang meeting nila ay biglaan din dahil ang mga suot nila ay iba-iba. May mukang galing sa golf, party, wedding, and kahit naka-informal attire.
They looked delighted but I am curious why.
Nakatayo lang silang lahat sa entrance ng hotel at masayang nagbabatian. Looks like they are waiting for someone and tama nga ako dahil after a few minutes ay may kotseng huminto sa harap nila at sabay-sabay silang nag-bow roon.
The car is too familiar kaya naman tutok lang akong nakatingin. Gulat naman akong napatitig sa kanila nang makita ko ang muka ng lalaking bumaba. I never expected to see him here since the last time we talked, ang sabi n’ya ay wala s’yang koneksyon sa Mayor na gusto n’yang ipapatay.
“Congressman Manuel..”, bulong ko at napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung ano ang plano n’yang gawin pero sa loob ng isang buwan na sinusundan ko ang Mayor ay wala s’yang ibang utos kundi ang sundan ‘to. “What the hell is he doing here?”
Napunta ako sa misyong ‘to dahil din sa utos n’ya. Dahil malinis ang record at kilala s’ya ng tao ay pumayag ang agency na gawin s’yang priority and he only wanted to tail Mayor Alivarez. Of course, the agency investigated why but we did not find anything suspicious. Wala rin silang koneksyon o kahit na anong interaction sa pag-iimbestiga ng mga agent. Anong plano n’ya at hindi n’ya sinabi ang balak n’yang gawin?
“Nightshade, the Italian Mafia is here.”, nagpapanic na saad ng co-agent ko na ikinalayo ng paningin ko at agad na hinanap si De Niro. Nagulat naman ako nang makitang lumabas s’ya sa building at nakangiting sinalubong ang mga negosyanteng tumaas ang mga ngiti ng makita si De Niro.
Napasandal naman ako sa pader malapit sa likod ko dahil sa hindi maipaliwanag na inis na namumuo. Looks like the marriage is fake or he is just messing with me.
Bumuntong-hininga naman ako bago binalikan ang mga kasamahan ko. “Focus on the Mayor. They are here for something.”, I said calmly, hoping that is really the case.
May kutob aong hindi maganda dahil una, nandito si De Niro. Pangalawa, the congressman is also here. Lastly, bakit sila nagkita-kita kung saan maraming makakasaksi. They are also exposed in media.Using my military telescope, I watched De Niro’s every move. He’s just looking at them calmly pero makikita kung gaano s’ya hindi kainteresado. Muntikan rin akong matawa sa munting buntong-hininga n’ya na parang ayaw n’yang tumuloy kung saan man ang pinaplano nila.
“Let’s.. go.. shopping..”, mahina at mabagal kong sabi habang binabasa ang mga sinasabi n’ya sa labi. Kumunot naman ang noo ko at inisip kung may hidden message ba ‘yon. “Shopping? What’s with you, De Niro?”, I asked to myself at inutusan ang co-agents ko sundan kung saan pupunta ang mga negosyante.
Pagsakay ko sa motor ay nagdalawang isip pa ako kung tutuloy ko pa ang misyong ‘to. If tailing them is the goal of this mission then the rookies could do this better tha me since I still need to plan something. De Niro is also aware that I am tailing them so he won’t let any information to leak.
“Nightshade, nasa mall sila. Mukang magsha-shopping nga.”, ‘di makapaniwalang balita sa’kin ng co-agent ko.
“Take some picture and just tail them. I need to do something.”, utos ko sa kanya at nagpasyang umuwi. My co-agent is still communicating with me at lahat ng galaw nila ay monitored.
Pag-uwi ko ay agad kong binuksan ang laptop ko at nagresearch sa kung anong nangyayari sa underworld and sa economics. I have my own ways and connections para malaman ang current happenings and trend na hinahabol ng businessmen and mga politician. And looks like something is really happening na nagpapagulo sa utak ng lahat. Napatingin naman ako sa phone ko nang mag-ring ‘yon. It’s Nirva.
“It’s rare for you to call me. What’s this for?”, kaswal kong tanong at saka sumadal sa upuan ko. Nakaramdam naman ako ng sakit sa leeg kaya inikot ko ang ulo at sadyang nahagip ng tingin ang pusang tulog na tulog sa higaan ko.
“Well, I have no choice since De Niro hacked our system.”, walang pasensya n’yang sabi at parang gusto nang sumigaw. Hindi naman ako nag-react roon at hinayaan lang s’yang sabihin ang gustp. “Meet us at 7 PM. The higher ups wanted to talk to you.”
“High alert?”
“Yes. The drug has been identified. It’s the world’s most disgusting thing. Anyways, it’s a special mission.”, Nirva said with conviction. Gusto ko man s’yang asarin at maliitin ang misyon, hindi konaman magawa dahil sa pangyayari ngayong araw.
Hindi na ako nagsalita pa sa kanya at soniguradong makakapunta ako. I stayed for hours sa bahay ko at pinakinggan ang lahat ngrecordings meron ang bugs na inilagay ko sa kotse ng Mayor at kahit sa office n’ya. Everthing is normal as usual at ‘yun ang pinakanakakapagtaka. Nag-isip pa ako ng pwedeng mga posibilidad at ang huli kong hula ay dahil sa kasal ni De Niro sa anak ng Prime Minister.
The leaders gathered and imposibleng walang nangyayare.
“Nightshade..”, napatayo naman ako ng marinig ang boses ng co-agent ko. Hindi.. Hindi ‘yon boses ng co-agent ko. That’s the sound of the devil. “Or.. Novaliege.. Can also be Art..”, malambing at nilalaro n’yang pagsabi ng pangalan ko.
Napasinghal nalang ako at umupo muli. “De Niro..”, I calmly called him at narinig ko ang mahina n’yang pasinghal na ngisi. “How’s my people?”
“Tied.”, walang buhay n’yang sabi pero bigla ring nabago ang tono sa nang-aakit at mapaglarong mga salita. “They are in the Ferris Wheel. Enjoying the view. Why not ride it with me?”
BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...