Report 014

113 2 0
                                    

Artiona Novaliege.

Waiting for a song to finish feels like forever while this man is watching. He dared me to dance in front of him after everyone got out. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para sundin ang gusto n’ya pero pakiramdam ko ay may mawawala kaming tiwala sa isa’t isa kapag hindi ako sumunod sa usapan naming dalawa. Nakaupo s’ya sa baba ng stage kung nasaan ako at seryosong pinapanood ang bawat galaw ko. It’s a sweet and slow dance kaya naman sinasabayan ko ‘yon ng mababagal at malalanding galaw.

Nasa dalawang minuto na ang kanta at sa bawat sigundong lumilipas ay napapansin ko din ang tumataas na tensyon sa aming dalawa. Ramdam ko ang lamig ng buong kwarto dahil na rin siguro sa suot ko pero hindi ko maintindihan na kahit na ganoon, init ng tingin ni De Niro ang bumabalot sa buo kong pagkatao.

“Looks like you’re really looking forward for this.”, I said then smiled playfully. Tumaas naman ang dalawang kilay n’ya at nagtatanong na tumingin sa’kin habang sinusundan ang mga mata ko.

He smirked. “Halata ba masyado?”, nang-aasar n’yang tanong at mahinang tumawa. “I am just imagining it earlier... I just took the chance.”, sambit n’ya at tinutukoy ang laro naming dalawa.

Nagtuloy naman ako sa pagsayaw at tinititigan lang s’ya. Sa trabaho kong ‘to, normal nalang na gawin ang mga ganitong trabaho pero hindi ko kailanman naisip na gagawin ko ‘to sa misyong alam ng kalaban ang buong pagkatao ko. Kung may makakakita o makakaalam ng sitwasyong ‘to ay hindi ko alam ang sasabihin sa kanila.

Tuloy-tuloy pa rin ang mabagal at nakakaakit na tunog na bumabalot sa buong kwarto na sinasabayan naman ng tingin ni De Niro. Hindi ko maiwasang hindi kabahan.

“Is there a chance you want to change your job?”, he said while smirking. I looked at his hands and imagine how he holds a gun or how many people did die from his hands.

“Have you ever killed anyone?”, I asked straightforwardly. It’s an obvious question, trying to ignore his remarks. He shrugged, looking sarcastic. “Like that would be possible?”, natatawa kong tanong.

Sinuklay naman n’ya ang buhok at tinitigan ang kamay n’yang ginamit at saka nakangusong tumingin sa’kin. “Ask another question. Like.. Hmm.. Ilang babae na ang nahawakan mo sa kamay na ‘yan?”, mapang-asar n’yang tanong.

Umikot naman ako at winasiwas ang buhok bago magabal na pinagalaw ang baywang bago s’ya tinawanan ng mahina. “Can I report that in the agency?”, I asked playfully at peke naman s’yang nag-isip.

“Oh, are you going to tell them you dance?”, gulat n’yang tanong at tumigil naman ako sa huling bagsak ng musika. Muka naman s’yang dismayado na hindi ko na pinansin.

“Nope, but I’ll tell them you want me.”, mapang-asar kong sagot at dahan-dahang bumaba sa hagdan papalapit sa kanya.

Nang makalapit ako sa kanya ay halos sabay ang bilis naming kumuha ng bala at saka itinutok ‘yon sa isa’t isa. Komportable s’yang nakaupo habang ako ay nakatingin sa kanya habang nakatayo sa harap n’ya. Binasa n’ya ang labi bago ngumiti at nagsalita. “I don’t want this..”, malambing n’yang tugo na tinaweanan ko.

Nginitian ko naman s’ya at astang lalapit nang tumayo s’ya. Umangat naman ang tingin ko at sinundan ang mata n’ya. Hanggang tainga n’ya lang ako kaya naman kailangan ko pang tumingala para lang mapantayan s’ya. Hindi naman ako gumalaw nang kapitan n’ya ang buhok ko at marahan ‘yong sinuklay.

“Fighting is a waste of time.. Art.”, bulong n’ya na ninamnam ko naman. Parang musika ang boses n’ya na nagpapahina sa tuhod ko. Hindi ko maintindihan ang epekto n’ya sa’kin pero masasabi kong sa pagkakataong ‘to ay ako ang delikado.

Nananatiling nakatutok sa isa’t isa ang mga armas namin. Nakikiramdam sa susunod na mangyayare. “Why not waste it on me?”, I whispered at hindi na ako nagulat nang kapitan n’ya ang leeg ko para hilain at halikan ako ng marahan.

Tinanggap ko naman ang sabik n’yang labi at ibinalik ang marahan n’yang pagdampi. Naramdaman ko naman ang lamig ng baril na itinutok n’ya sa pagitan dibdib ko at marahang ibinaba sa tiyan. Hinawakan ko naman ang dibdib n’ya at itinaas ang kamay papunta sa leeg n’ya para hawakan ‘yon at sabayan ang kanyang bawat galaw. Nananatili namang nakatutok ang baril ko sa tagiliran n’ya na naghihintay kung kailan ko pipindutin ang gatilyo.

Habang tumatagal ang halik ay nararamdaman ko ang paglalim no’n at pagtulak sa’kin ni De Niro. Dahan dahan kaming umatras at huminto sa isang gamble table. Napasandal naman ako roon dahil sa bigat ni De Niro pero naramdaman ko rin ang pagsuporta n’ya sa bigat ko gamit ang isang kamay na nasa leeg ko.

“Damn.. You’re making me crazy.”, bulong n’ya sa pagitan ng halik. Inilagay ko naman ang kamay ko sa likod ng ulo n’ya at marahan pinaglaruan ang buhok n’ya.

Mahina naman akong tumawa sa labi n’ya. “This makes me want to kill you more.”, bulong ko na ikinatawa rin n’ya. Nananatili ang tensyon, ang bawat tunog ng nag-aaway naming labi, at ang katahimikan ng paligid na binabalot lang ng ingay naming dalawa. Hindi ko maitatangging kahit ako ay nababaliw sa kanya.

Bumaba ang malamig n’yang baril sa hita ko at mariin ‘yong ipinirmi para ipakita ang gigil n’ya sa nangyayari. Bumaba ang halik n’ya sa pisnge at dahan dahan ‘yong hinalikan. Tumingin naman ako sa ibang direksyon para mas mabigyan s’ya ng daan papunta sa kung saan n’ya gustong pumunta.

“I want to touch you..”, bulong n’ya at paranbg nawawalan ng hininga. Ramdam ko rin ang mabilis na tibok ng puso at paghinga ko kaya naman ay napahigpit ang kapit ko sa buhok n’ya. “Hmm..”, mahina n’yang angil na ikinatayo ng mga balahibo ko.

Siguro’y isa na ‘to sa mga dahilan kung bakit marami ang nababaliw sa isang ‘to at maraming babae ang tatalon nalang para lang mahawakan ‘sya. Iba ang kapit at init ng katawan ni De Niro, ramdam ko ang pagkagusto at sabik n’ya pero hindi  mawawala sa’kin ang pagiging gising sa nakakabaliw na pagkakataong ‘to.

“Nasaan ang mga bata?”, mahina kong tanong at naramdaman ko ang pagtigil n’ya.

Agad kong ipinutok ang baril sa braso n’ya nang  ibinagsak n’ya ako sa lamesa at ikinulong ako sa braso n’ya habang hawak ang dalawa kong kamay na ngayo’y nasa ulo ko at ramdam ang bigat n’ya. Kalahati lang ng katawan ko ang nakahiga at s’ya naman ay nakatayo sa pagitan ng mga hita ko at nakapatong sa’kin. Para akong nahuling kriminal at s’ya ang kulungan, wala akong kawala.

Hindi man lang nagbago ang reaksyon n’ya habang dumadaloy pababa ang dugo mula sa kanyang braso. Inilapit naman n’ya ang muka sa’kin bago ngumiti.

“In this table..I didn’t know there is something better than cards.”



Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon