Chapter 001

298 4 0
                                    

Artiona Novaliege.

The day started with an email from my agency, saying that we have an urgent meeting this coming 6 am in the morning. And hindi pa ako natutulog because of observing some business man. I need to know his dirt as per my client said and I'm doing it for the sake of money and connection. He is a Congressman, after all. Habang nakaupo sa isang store ay kumakain ako ng tinapay and nagkakape like a normal woman. It's 4 AM and pinagmamasdan ko ang bawat pagsara at pagbukas ng ilaw ng isang mansion kung saan nakatira ang Mayor na 'yon.

"Naghihintay ka ba ng sasakyan na dadaan?", tanong ng tindera na ikinatingin ko sa kanya. I think she's not suspicious and just bored dahil bukod sa'min ay tahimik ang buong paligid.

Umiling naman ako at lumunok muna bago sumagot. "Hindi po. Inaantay ko lang po ang kapatid ko.", pagsisinungaling ko at saka tumingin muli sa bahay.

"Ahh.. Ang ganda nung bahay ni Mayor hane?", manghang tanong n'ya. Tumango-tango naman ako.

"Kaya nga po 'e. Matagal na po ba 'yan?", tanong ko na may halong intensyon. Kailangan kong maraming malaman tungkol sa isang 'to at ang pinakamatibay na mga ebidensya ay ang mga taong nakakakita. "Mukang luma na po ang bahay 'e.", dagdag ko pa para mas magsalita s'ya.

Nag-lean naman 'yung tinder sa may counter. "Matagal na 'yan. Nagulat nalang kami na may Mayor na d'yan. Iba nag may-ari n'yan noon 'e pero hindi namin nakikita.", sagot n'ya na ikinatango ko.

"Ano pong hindi n'yo nakikita?", tanong ko at muling kumagat at pinagmasdan ang bahay.

Huminga s'ya ng malalim at inayos ang iba n'yang paninda. "Alam namin na may nakita d'yan dati dahil may mga kasambahay at laging maliwanag ang bahay pero hindi namin alam kung sino ang may-ari pero alam namin na mayaman kasi sandamakmak na kotse at iba-iba ba naman ang dumadaan..", mahabang kwento n'ya na hindi ko na ikinagulat dahil sa pag-iimbestiga ko ay iba nga ang may-ari no'n.

"Wow!", kunwaring gulat ko para hindi mawala ang interes ni Nanay. "Noong wala pa po ba 'yan 'e nandito na kayo?", tanong ko upang manigurado kung kailan ba itinayo ang bahay na 'yan.

"Oo naman. Dito na ako ipinanganak, lumaki, at nag-asawa 'e. Ang dati ay bukid iyan kaso may bumili at tinayuan ng mansion na ganyan kalaki at halos takpan ang buong langit.", sagot n'ya at tinitigan ang bahay. "Kung sino man ang may-ari n'yan ay paniguradong kasing-yaman ng president.", biro n'ya na sinabayan ko na lamang dahil kung ako ang tatanungin, totoong dati itong pag-aari ng presidente na napunta din sa kamay ng isa pang may kapangyarihan na hindi ko alam kung sino.

Habang tinitignan ang bahay ay nagvibrate naman ang relo ko at umilaw ang mga numbers doon. It means there is an emergency sa agency and we need to gather as soon as possible.

Nagpaalam na ako sa tindera at umaktong may tinatawagan para hindi s'ya maghinala. Nakahoodie naman ako at jogging pants kaya hindi halatang may masama akonng balak. Well, wala naman talaga. I just gathered information legally. Natawa naman ako sa naisip ko at saka na nagjogging papunta sa bahay na nirentahan ko for the mean time.

Nang makarating doon ay binuksan ko agad ang pinto at agad din na ni-lock dahil mahirap na maging panatag. Before preparing para makapunta sa agency ay chineck ko muna ang CCTV Footages at dinilete lahat ng pwede kong ikapahamak. I hacked the CCTV of this area and put something wireless para mamonitor ko pa din. I really chose a house na malapit sa kapitolyo nila so I can break in every time.

After cleaning everything ay pinatay ko na ang laptop and use the other one. May programmed laptop na ang agency ko lang ang meron. It is a self-destruct laptop lalo na if iba ang nadetect nitong nagbubukas. I am the only one who can use it and even the people in my agency cannot open it. All its sensors are just about me.

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon