Report 018

109 3 0
                                    

Artiona Novaliege.

Since everyone is still distracted chattering, I decided to shoot all the lights na nakatutok sa amin ni De Niro. I don’t want them to see me like this and kung bababa man ako, I don’t want to. It’s true that I need strength, why not accept his offer?

He walked while carrying me in his arms. Komportable naman akong naroon at walang naiisip gawin kundi ang magpahinga.

“You fought for 7 hours straight just for children.”, malalim na sambit ni De Niro. Seryoso ang tono n’ya na ipinagtaka ko.

Hindi ko makita ang emosyon o ano ang ipinapakita ng muka n’ya dahil sa kadiliman. “Sila naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito.”, kaswal kong sagot.

“Hindi mo na alam na nasa teritoryo kita at sa pagkakataong ‘to ay pwede kitang patahimikin? Masyado mo nang nabubulabog ang mundo ko.”, malamig n’yang sabi sa’kin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Kung ngayon ko lang s’ya nakilala o kaya nama’y nakasama, paniguradong hindi ako mananatili lang. “If you didn’t start anything then maybe, we never met. You’re life would’ve been perfect as ever.”, seryoso kong balik sa kanya.

Nanahimik naman s’ya saglit at pumasok sa isang kwarto. Napakunot naman ang noo ko nang mapansing walang tao ro’n at nang buksan n’ya ang ilaw ay tumambad ang mala-hotel na kwarto. Kumpleto ang mga gamit at sa gitna no'n ay isang malaking kama.

“Akala ko ba sa mga bata? Bakit parang gagawa tayo ng bata?”, nagtataka kong tanong at sinalubong ko naman ang gulat n’yang mga matang nakatingin sa’kin. Maya-maya ay malakas s’yang tumawa. “Tsk.”, singhal ko at tumalon paalis sa kamay n’ya.

Sinara n’ya ang pinto at sumandal roon. “I want the sex but not the children.”, he said playfully at pinag-cross ang kamay.

"Really? But you look like a great father.", pang-aasar ko at naglakad papunta sa higaan. "You'll be a great father, for sure."

"Being a father is the least thing I'd want in life.", malalim n'yang sambit.

Tinitigan ko naman 'sya. "That's good. You shouldn't make another devil. Paniguradong sakit sa ulo nanaman ng mundo kapag may inilabas ka pang kasing sungay mo."

"Not really. My child will, for sure, grow with a normal life. I will make sure of it so stop accusing it on anything.", magkasalubong ang kilay n'yang saad.

Tinaasan ko naman s'ya ng kilay. "Alam mo ba 'yung kasabihan na.. Like father, like son, o kaya like father like, like daughter?", dagdag ko pa at tinaasan n'ya ako ng dalawang kilay at naglalaro ang ngiti sa labi.

"So, if you have children someday, they will also act and think like you. Magkakagulo ang mundo if ever.", balik n'ya na ikinangisi ko.

"Well, in any way, my child will be better than yours."

"How come? I am too great for my child to be compared."

"Yeah.. too great for the world's doom."

"Don't ever try to have children, will you? You will be the death of many."

"You too.. You don't deserve another devil."

"Like hell I'd want one."

Hearing him say it made me realized that this man will never settle. What kind of woman will make him beg or who’s the lucky one to capture this monster’s heart?

I stared at him at umupo sa kama. “Then, are they here?”, tanong ko tungkol sa mga bata.

Umiling naman s’ya at may binuksang drawer. Kinuha n’ya ang box na puti roon at lumapit sa’kin. “Let’s cure your wounds first.”, walang emosyon n’yang sabi at tumayo sa harapan ko.

Agad naman akong umalis sa pwesto ko at saka pumunta sa gilid ng higaan para iwasan s’ya. He just stared at me at nagtatakang tumingin.

“Like I’ll let you do that.”, seryoso at nagbabanta kong sabi. Akala ko ay magagalit s’ya o susuko pero ngumisi lang s’ya at mabilis akong hinabol.

Nanatili s’yang nakatayo sa paanan at hinaharangan akong makalabas. Kabisado n’ya ang bawat gamit at takbo sa kwartong ‘to kaya naman mas alam n’ya kung ano ang gagalawin at pwedeng apakan. Dahil na rin sa panghihina at pagod ng katawan ko ay hindi ko na nahila ang paa ko nang mahawakan n’ya ‘yon at hilain pagkatalon ko sa kama. Nakadapa tuloy akong nahuli n’ya at mabilis na itinali ang kamay. He also tied my feet with an extreme speed at hindi na ako nakapalag pa.

Dahan dahan n’ya akong iniharap sa kanya at marahang binuhat para isandal sa head board ng kamang ‘to at itinali din ako roon.

“Didn’t know you like this kind of stuff.”, pang-aasar ko at pinanood lang ang seryoso n’yang muka. Tinignan n’ya lang ako at binuksan ang box na kinuha.

“Stop talking, will you?”, masungit n’yang sabi at saka naglagay ng kung ano sa bulak bago ‘yon inilapit sa muka ko.

Agad naman akong umiwas at umirap sa kanya. “Hindi ko kailangan ng gamot. Pwede ba AH—“, daing ko nang diinan n’ya ang hiwa ko sa hita. Masyado ‘yong malalim kaya hindi ko mapigilan ang sakit.

“Tss.”, singhal n’ya at ginamot ang sugat na ‘yon. He tied it with white cloth at pagkatapos n’yang linisin ‘yon.

Hinayaan ko lang s’yang gamutin ang mga gusto n’yang gamutin dahil sa bawat angal ko ay dinidiinan n’ya ang paggagamot sa mga ‘yon. Mukang bumabawi s’ya sa ginawa ko kanina.

“We’re enemies, De Niro. Why are you doing this?”, seryoso kong tanong habang pinapanood s’yang lagyan ng band-aid ang pisngi ko.

He looked at my eyes. “So you can fall in love with me and then, I’ll break your heart para tigilan mo na ako.”, sambit n’ya at hindi ko alam kung biro ‘yon o totoo.

Natawa naman ako sa dahilan n’ya at maya maya’y napansing kong tinatanggal na n’ya ang mga tali sa kamay at paa ko.

“You know that is impossible.”, I said and tumango naman s’ya na parang ayaw maniwala.

After kong makawala ay napansin ko ang pagiging seryoso n’ya. Hindi s’ya nakatingin sa’kin kundi sa box na puro gamot. Itinabi n’ya ‘yon at nakakapagtakang hindi s’ya nagsasalita.

“The children is inside the red room. Get them and leave.”, malamig n’yang sabi habang nakaharap sa drawer. Hindi ko alam ang isasagot dahil parang ibang tao ang kausap ko sa pagkakataong ‘to.

Nanatili ako ng ilang sigundo sa kwartong ‘yon bago mabilis na umaliw at iniwan s’ya sa loob. Gusto ko man s’yang tanungin o kaya naman alamin ang nasa isip n’ya pero kailangan kong ipaalala sa sarili kong hindi ako nandito para sa kanya.













Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon