Artiona Novaliege.
“
You’re doing great!”, masayang papuri ni Crimson na ikinangiti ko.
Halos dalawang buwan na rin nang mapadpad ako sa agency at ganoong katagal na ring tinuturuan ako ni Crimson. He’s a good guy who really loves teaching until one got it perfectly. He’s also comforting at kahit magkamali ay hindi n’ya ipaparamdam ang pagkukulang mo.
Tinuturuan n’ya kami ngayon kung ano ang mga technique sa paghihiwa. Sinasabi n’ya kung gaano kalalim para makontrol namin ang patalim, kung gaano kabilis para mas epektibo, o kaya naman ay kung paano ang postura depende sa tibay ng hihiwain. May iba’t ibang materyal na nasa lamesa at depende sa kanya kung maayos ba ‘yon o hindi.
“Thanks.”, maliit na ngiti kong sambit at napataas ang balikat nang hawakan n’ya ang ulo ko.
“Parang ‘di mo na ‘ko kailangan..”, parang bata n’yang sambit sabay tawa ng mahina. Alam kong biro lang ‘yon nilang papuri.
Nginisian ko naman s’ya. “Quit ka na. Ako nang bahala sa kanila.”, biro ko pa na mas ikinalaki ng ngiti n’ya.
“No way.. I am enjoying teaching everyone… of you.”, malalim n’yang saad na mahina ko lang tinawanan at umalis na sa tabi n’ya.
Lumipas naman ang mga oras at tinuruan n’ya ang iba habang ako ay nasa tabi at umiinom ng tubig. Pinapanood ko lang ang bawat galaw n’ya at kung paano n’ya kausapin ang bawat isa. Para s’yang araw sa umaga, masarap sa pakiramdam at talagang mararamdaman mo ang bigay n’yang init. Masyado ring nakakasilaw s’ya ngumiti.
Nang matapos ang oras para sa sesyon na ‘yon ay napag-isipan ng karamihan na kumain muna. May iilang seryoso sa training at ayaw pang umalis sa training room, may iilan na man na mas pipiliing kumain katulad ko.
“Can I join you?”, napatingin agad ako kay Crimson nang sumulpot s’ya sa tabi ko at nakangiting tumingin sa’kin.
Tinitigan ko naman s’ya. “Ilang taon ka na?”, tanong ko na mukang ipinagtaka n’ya.Nag-isip muna s’ya bago nakangiting sumagot. “Nineteen.”
“So your older than me..”, bulong ko na mukang ikinagulat n’ya.
“Don’t tell me you’re Sixteen?”, ‘di makapaniwala n’yang tanong.
Gusto ko s’yang tawanan. “Actually, Fifteen..”, bulong ko na ikinanganga n’ya. Napatigil kami pareho sa paglalakad at agad akong tumawa nang malakas dahil sa muka n’yang never kong nakita.
“No way..”, bulong n’ya.
“I’m Eighteen.”, saad ko at duneretso na sa paglalakad. Agad naman s’yang sumunod habang nakahawak sa puso n’ya.
“Thank God.”, bulong n’ya na tinawanan ko lang ng patago.
Naisipan naming sabay kumain at magkwentuhan ng iilang mga bagay bagay. Napapansin kong natutuwa ako sa presensya n’ya at sa kung paano n’ya ako kausapin. Hindi ko rin minsan mapigilan hindi mapangiti kapag may mga nag-aaya sa kanya pero sa’kin s’ya sumasama.
Katulad nang kapag kailangan ako ni Nirva ay nakasunod s’ya, sasabihing kailangan kong bumalik agad at nandon s’ya para kunin agad ako. May mga pagkakataon din na s’ya ang una kong naiisip pagpupunta sa agency na ‘to.
“So, how’s the training? Will you stay?”, tanong n’ya at tumango naman ako. Nginitian naman n’ya ako bago sumuno. “Good.”, bulong n’ya na halos ikatalon ng puso ko.
Hindi ko alam kung gaano ko na katagal ‘yong nararamdaman pero sa dami ng nakausap at nakasama ko, sa kanya lang ako nakaramdam ng ganito. Masyado pa naman akong maingat sa mga ganito bagay pero mukang totoo ngang kapag interesado ka na, mahirap nang iwasan. Lalo na at araw-araw ko s’yang nakakasama at nakakausap. Sa kanya ko din nalaman na may mga bagay pa din pala akong dapat matutunan.
Lumipas ang linggo, buwan, at halos isang taon na nagte-training kami. Sa unang mga sumubok ay halos kulang na kami sa kalahati. May mga sumuko na at hindi kinaya ang sunod-sunod na training. Bukod kasi sa pahirap na ng pahirap, dumating na kami sa puntong sinabak kami sa gera para makita namin ang mga pangyayari sa totoong laban ng armas. Pinadala kami roon sa halos tatlong buwan.
Mabilis lang dumaan ang mga oras at bunalik na rin kami pero ramdam ang pagod ay bagong mga takot. Marami kaming unang beses na naranasan at may iilang muntikan nang mamatay. May halos mabaliw at sari-sari ang pagmamakaawa na hindi na ipinagtaka ng lahat nang halos maubos ang bagong pasok na mga agent.
Nandito na kami ngayon sa meeting room at pito nalang ang nanatili. Nasa dulong upuan si Nirva at tinititigan kaming lahat at hinihintay kung sino ang sunod na lalabas. Maya-maya ay pumasok si Crimson na seryoso ang mukang nakatingin sa amin.
“I didn’t expect this to happen..”, seryosong bulong n’ya at walang nagsalita. Maski si Nirva ay nanatiling tahimik.
Maya-maya ay may sinabi s’yang ikinatingin naming lahat. “Crimson will not be in-charge of all of you anymore.”Halata man ang gulat saming mga mata ay wala naman kaming magagawa.
“Your last mission will be executed alone. Survived it and then you’re qualified. Your life will dependent on this. Death or live, or choose to leave.”
BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...