Report 019

102 2 0
                                    

Artiona Novaliege.

A week later, I reported in the agency about what happened. Hindi ko sinabi ang interaksyon na nangyari sa amin ni De Niro kaya naman hindi agad ako makalabas sa kwarto kung saan ako dinala ni Nirva.

“So you didn’t infiltrate but invited there?”, litong tanong n’ya habang ako naman ay nakaupo lang sa dulo ng mahabang lamesa kung saan ang nakapatong lang ay tubig na hindi ko alam kung anong gamot ang inilagay n’ya. Usually, nilalagyan n’ya ‘yon ng vitamins or anything that I hate taking para mamaintain ang health ko.

Ngumuya naman muna ako sa kinakaing bubblegum bago sumagot sa kanya. “Mhm.”, kaswal kong tango at nanahimik naman s’ya saglit, naghihintay ng susunod kong sasabihin. "That was the card Master gave."

“Then?”, she asked when I didn’t say anything more.

“Sinabi ko na lahat. I entered the Casino with his permission, gambled, investigate, and won the children with that money I surrendered.”, nakakunot ang noo kong sabi. Nagsasawa na ako sa mga tanong n’ya pero hindi ko s’ya masisisi.

“Pumasok kang buhay at lumabas kang may bandages and mukang may gumamot sa’yo. ‘Yung mga bata ay nagre-respond ng maayos and looked like they lived.. generously. How’s that?”

Napaisip naman ako sa sinabi n’ya dahil kung iisipin, kahit sinong agent na pumasok sa lugar ni De Niro ay malabong lumabas ng kasing-ayos ng akin. The last time we tried to infiltrate this was our people almost died from torture. Alam ko rin na gustong marinig ni Nirva ang nangyari sa amin ni De Niro at ang koneksyong mayroon kami.

“Don’t tell me you and De Niro are having an affair?”, nanliliit n’yang mata at hinampas ng malakas ang lamesa, umaasang magbabago ang reasyong binibigay ko sa kanya. "Novaliege.. I heard the reports before. Our agents are either killed because they surrendered because of love or they quit because they fell in love. It's.. absurd!"

"They what? I thought you don't have any idea what this man is capable of?", nakakunot ang noo kong tanong.

Napaiwas naman s'ya ng tingin. "Sorry about that. Hindi ko masabi dahil nga pare-pareho ang dahilan nila kung titigil o aalis. Bukod sa mga impormasyong ibinigay namin ay wala nang masyadong reliable."

"Paano wala?", pagsisigurado ko.

"Sa reports nila, ang nakalagay ay mga papuri sa isang 'yon. There's also times na ginagamit nila ang agency just to be with him."

"What exactly are those words?", nawawalan ko ng pasensyang tanong.

Peke naman s'yang umubo bago ako sinagot. "Saying that Italian is intelligent, a great cook, and a monster in.. Ehem.. bed."

Nanatili naman akong nakatingin lang sa kanya at walang ibang pinapakitang reaksyon dahil mas tatagal kami rito kung makakaramdam s’ya ng kahit na ano.

“What do you want to hear from me?”, I asked with annoyance. Sinubukan kong ipakita sa kanyang pagod na akong makinig at wala naman akong dapat ipaliwanag pa.

Kumalma naman ang reaksyon ng muka n’ya at umayos ng tayo. Tumingin naman s’ya kung saan at saglit na nag-isip bago bumuntong hininga at senyasan akong lumabas na. Para naman akong nakalabas sa isang kahong walang kahit na anong butas at limitado lang ang hangin na nakukuha.

Paglabas ko ay dumeretso agad ako sa main desk kung saan kukunin ko ang susunod kong misyon. Pagdating ko roon ay agad na ngumiti sa’kin ang empleyadong naroon at ibinigay sa’kin ang limang makakapal na folder. Nagtataka ko naman s’yang tinignan at ngiti lang ang sinagot n’ya sa’kin. Napabuntong hininga nalang ako at nagpasalamat nang matanggap ‘yon. I looked at my watch at napansing past lunch time na, kaya pala nagugutom ako.

Pag-uwi ko ay agad kong binuksan ‘yung files at binasa ang lamanno’n. Nakalimutan ko na ang gutom dahil hindi ako ‘yung tipo na uunahin ang pagkain lalo na at may gagawin. Kailangan ko muna ‘tong matapos bago ako kumain ng matiwasay.

“Argh!”, singhal ko nang makarinig ako ng ingay sa kapit-bahay. Dahil katabi ng higaan ko ang pader ay rinig na rinig ko ang ingay ng kabila. Parang nagkakalabugan ‘yong plato at bumabagsak na mga gamit sa bahay.

Nagsalpak nalang ako ng earphone at nag-play nalang ng music. Hindi naman nagtagal ay nakaamoy naman ako ng masarap na lutuin na lalong nagpagutom sa’kin. Para ‘yong karneng nilagyan ng maraming pampalasa dahil sa nakakaakit na amoy. Gusto ko ‘yong hindi pansinin pero gutom ang isa sa mga traydor na mararamdaman ng isang tao. Malakas ko namang isinara ang laptop ko at umaasang maririnig ng kapit-bahay pero mukang malabo ‘yon.

Napagdesisyunan ko  nalang na lumabas at kumain sa hotel. Isa ‘yon sa pinakamataas na hotel at pinili kong kumain sa rooftop para naman katahimikan lang ang kasama ko at makita ko rin ang mga pangyayari sa syudad. Hindi ko pa man nasusubo ang pagkain ko ay bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Tinitigan ko muna ‘yon ng matagal at iniisip kung importante ba ‘to o may gusto nanaman silang malaman.

“What?”, inis kong tanong pagsagot. It was a call from the agency.

“Why so grumpy?”, nang-aasar na tanong ng isang lalaki. Hindi naman agad ako nagsalita at tinignan kung talagang sa agency galing ang tawag. I don’t know how this happened but I didn’t know that our agency is this.. irresponsible.

Lumunok muna ako at kalmadong nagbuntong-hininga. "What do you need?”, I asked and trying to sound so serious. I know that the agency is listening.

“Our deal.”, maikli n’yang sagot pero mararamdaman ang mapaglaro n’yang tono. Hindi ko naman agad naalala ang usapan namin kaya naman kailangan ko pang manahimik saglit at alalahanin ang napag-usapan namin. “In exchange of the children..”, nagsalita na ako bago pa s’ya magsalita ng kung ano.

"I won the children.", paglilinaw ko at tumango naman s'ya nang may tunog.

"Before that. I helped you.", parang nang-aasar pa n'yang sambit.

"You were threatened.", matigas kong sabi at lalo akong nawalan ng pasensya nang tinawanan n'ya ako.

"Alright.. then the favor. Let's call this our deal-favor.", sarcastic n'yang sambit na ikinairap ko sa ere.

“My next mission is to tail the Mayor, I won’t follow you in Canada, don’t worry.”, seryoso kong sagot at binasa ang papel na nasa harapan ko. Naroon ang lahat ng impormasyon tungkol kay Alivarez at ang mga susunod ‘yang gagawin.

Narinig ko ang mahinang singhal ni De Niro na ikinapintig ng tenga ko. Naiisip ko ang nakakaasar n’yang ngisi na mas ikinainit ng ulo ko. “That’s great.”, masaya n’yang sabi pero ramdam na ramdam ko ang pagiging sarkastiko n’ya. Hindi naman ako nagsalita. “Do you know the daughter of the Prime Minister?”, he asked na ikinasalubong ng kilay ko.

“Merlaine Han Nam.”, kaswal kong sagot. “What about her?”, hindi ko alam kung ano ang dating sa kanya ng tanong ko pero sa tonong ‘yon ay hindi ako interesado sa sasabihin n’ya kahit na marami nang tanong na nabubuo sa’kin. Wala s’yang koneksyon sa Prime Minister ng Korea sa pagkakatanda ko.

“We’re getting married.”, sambit n’ya at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sa tagal ko s’yang inoobserbahan ay parang lahat ng ginawa ko ay nabalewala. Hindi ko inasahan ang pangyayaring ‘to. “Come to our engagement party. I wanted to see you there.”, mahina at malambing n’yang sabi bago ‘yon binaba. 

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon