Report 056

108 5 0
                                    

Artiona Novaliege.

I woke up with heavy feeling of pain and regret. Nahirapan rin akong imulat ang mata dahil sa hilo na nararamdaman. Inikot ko ang mata at napansing iba ang kwartong kinahihigaan ko, masyado ring magaan ang paligid at bago ang amoy ng buong kwarto. Pilit kong ginalaw ang katawan at naalerto nang may pumasok sa kwarto. Masyado pa 'yong malabo kaya naman wala akong magawa kundi ang pumwesto.

"Nightshade..", I immediately recognized the voice. Pumikit ako ng ilang beses dahilan para unti-unting luminaw ang mata ko.

Gusto ko namang magsalita pero masyadong tuyo ang lalamunan ko at hindi man lang makalabas ng kahit na anong salita.

"Uminom ka muna.", sambit n'ya at inabutan ako ng bote. Bukas na 'yon kaya naman agad kong ininom at pinakiramdaman ang sarili. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako magsalita.

"Nasaan ako?", kaswal kong tanong. Maraming pwedeng mangyare pero depende sa pakiramdam ko, sa tingin ko ay ilang araw na akong nakahiga rito.

"In my house.", maikli n'yang sagot at nananatiling nakatayo sa harap ko.

Inalala ko naman ang huli kong ginawa. I was with Ezyele, fighting and took the bullet for him. Matapos no'n 'e dinala n'ya ako kung saan at ang huli kong pakiramdam ay inooperahan ako, bukod don, wala na.

Itinaas ko naman ang kamay at napansing malinis ang katawan ko at bagong palit rin ang mga bandage.

"How come I am here?", I asked and umiwas naman s'ya ng tingin. I looked around the room and I am sure, this is a man's room. "'Di 'to sa'yo, Master.", mariin kong sabi.

'Something is wrong..'

"Why did you take that mission?", he randomly asked. Napakunot ang noo ko. "Everything mess up."

"What do you mean?", wala akong naiintindihan sa mga reaksyon n'ya. "Ilang araw na akong nandito?"

"Six days.", sagot n'ya na mas ipinagtaka ko.

"That's impossible...", mahina kong bulong at pinilit na tumayo. Nakakapagtaka na napakabigat ng katawan ko. "Tsk! Looks like you DID something that makes me feel weak."

Hindi naman s'ya agad sumagot. I glared but I cannot help but to be guilty. Master is like a father to me, he never gave me anything that could put me in danger. He was a friend, my boss, and kind of an enemy. I know I am safe, but I don't know until when.

Napatingin naman kami pareho nang bumukas ang pinto at bumungad si Ezyele na may dalang bowl na may lamang tubig. Nang mapansin n'yang may malay ako ay ilang segundo pa s'yang tumitig mula sa pinto bago mabilis na lumapit.

"Are you okay?", nag-aalala n'yang tanong. He sat beside me and constraints his hand to reach me. He's hesitating.

Tumango ako.

Nananatili akong tulala sa kanya. Hindi dahil ngayon ko lang nakita ang muka n'ya, kundi dahil hindi ko akalaing s'ya ang matagal nang tinatago ni Master. Ramdam ko rin na pinapanood n'ya ang reaksyon ko pero mukang walang alam si Ezyele. He was so clueless that the one who wanted to kill him was his own father. His very own family.

"What do you want eat? May gusto ko ba? Tell me, Art..", mahinahon pa n'yang sambit. Umiwas naman ako ng tingin at humiga ulit.

Tumitig ako sa ceiling at inayos ang pagkakahiga. "Inaantok ako..", kaswal kong sabi.

Matapos ang ilang oras na idlip ay muli akong naalipungatan, sa pagkakataong 'to, wala na si Master at nananatili si Ezyele na nasa tabi ko at dahan-dahan akong pinupunasan.

Hide And Seek With Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon