Artiona Novaliege.
I was in a hurry after Master gave me the key. Wala akong balak na magpaalam sa lahat o kaya ay iwanan ang trabaho ko. I am not choosing him, I am just simply doing my job.
'Yeah.. doing my job.'
Binuhay ko na ang kotse at mabilis na umalis sa agency. Kusang bumukas ang gate kaya naman nakaalis ako ng walang problema. Looks like Master cover me and mukang ganoon n'ya ipakitang I am in the right path. O kaya ay pumayag lang s'ya dahil hindi naman n'ya ako mapipigilan.
"I may thank him with all my heart but still, I won't trust any of you.", sambit ko at pinark ang sasakyan kung saan. Hindi ko dadalhin 'to sa bahay ko dahil mahirap na at baka kung saan pa mapunta ang misyong ko.
I bought a bike and nagpalit rin ako ng damit. Kailangan kong kumilos ng malinis at walang iniiwang kahit na anong ebidensya. Misyon man ang gagawin ko pero alam kong para sa mata ng tao sa agency ay poprotekta ako ng kriminal. I am an agent for a reason. Kung may misyong ibibigay, gagawin ko. Kahit sino pa sila.
Ilang minuto rin at nakarating ako sa bahay. Sa payapang village na 'to ko lang nararamdaman ang katahimikan ng mundo. Maganda rin ang tanawin dahil maraming puno at mga halaman, problema lang ay masakit sa mata ang magkakatabing bahay. Pagpasok ko ay agad kong kinuha ang hard drive ng laptop ko at saka pinatay 'yon. Lahat ng devices na mayroon ako kahit sa condo ay naka-lock na. Habang nasa ibang bansa rin ay nagwithdraw na ako ng pero kaya naman wala na akong ibang kakailanganin.
"Let's see what you have here..", bulong ko at binuksan ang box na pinadala ni De Niro. It contains a lot of papers and thick logbook. Nakadikit riin roon ang iba't ibang contracts and kung sino ang mga involved. "Woah..", bulong ko at namamanghang binabasa ang mga nakasulat roon.
Kung ilalabas 'to sa publiko, paniguradong magkakagulo. Hindi ko rin maatim ang iilang kasunduan nila dahil may iilang negosyante na buhay ng pamilya ang kapalit, karamihan naman ay bahay at lupa, ang iba ay si De Niro mismo ang nagbibigay ng gusto n'yang makuha. Mas mataas ang nilalaro ay mas malaki ang kapalit. Sa Big Stage o sa ring kung saan malalaking tao ang pumupusta, buhay nila ang kapalit o kaya'y kasalanang ikakasira nila.
"Paano nagagawa ng mga taong 'to gamitin ang mga mahal nila para sa sandaling kasiyahan?", pikon kong tanong bago lumipat sa ibang mga papel.
Ang makapal na mga papel naman sa folder ay tungkol sa mga transactions at proposal sa kanya ng mga nasa ilalim. It's true that he has power since laging kailangan ng go signal n'ya o permission, marami rin roon na hindi n'ya pinirmahan pero natuloy pa rin. Katulad nalang ng National Bank robbery.
"50%? And he rejected it?", nakanganga kong tanong. Ang kalahati kasi ng mananakaw ay ibibigay sa kanya, it's more than a billion and he rejected it. For what? Why?
Natuloy pa rin naman ang planong 'yon nang hindi sila binibigyan ng tulong ni De Niro, it's just that bago sila magtagumpay ay dumating na kami and the police got it covered.
May nakita rin ako Flash Drive doon at dahil pinatay ko ang laptop ko, wala na akong maisip na pagsalpakan kundi ang cellphone ko. I just hope wala 'tong virus since I can't buy a new phone now. Masyadong malayo ang mall at mas mabilis akong makikita kapag sa malalaking establishment ako pumunta. Paglagay ko sa phone ay naghintay muna ako ng ilang segundo bago nakita ang mga laman no'n.
"Emerald? Tapos sasabihin n'ya na hindi s'ya anak ng Minister?", tanong ko sa sarili na parang baliw. Sa picture kasi na naroon ay magkatabi ang Minister at si Emerald kasama sa isang lamesa si De Niro at kumakain sila ng mapayapa. Nasa pinakatuktok 'yon ng building but since that Mafia is planning something, of course, capturing this kind of evidence is easy.

BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...