Artiona Novaliege.
“THE GROOM IS MISSING!”, rinig ko sa earpiece ko ang nag-papanic na boses ni Crimson. Nasa loob s’ya ng wedding venue. We’re in Italy, attending De Niro’s wedding. The grandest wedding in the decade.
[MISSION: SAVE EMERALD]
It will happen in Villa II Balbiano near Lake Como. It was a fairytale like place. The aesthetic and architecture is truly admirable. Para kang nasa libro sa ganda ng lugar, hindi aakalaing may makakaisip na gawin ang design na mga narito. The house is well-preserved and every plants are completing the beauty of the lake. Iba rin ang simoy ng hangin at para kang nag-iisa sa mundo at nilalasap lang ang kagandahan ng likha. Sinong mag-aakala na dito pala sa mala-pantasyang lugar ikakasal ang isang demonyong katulad ni De Niro.
“You smell better than the flowers outside..”, bulong ni De Niro habang dahan dahang inaaamoy ang leeg ko. Pinipigilan ko namang kumawala ang mga ingay na kanina pa gustong marinig ng mapupula n’yang tainga.
Nasa loob kami ng kotse n’ya sa labas ng Villa. Nakaputi s’yang suit at napakalinis tignan. Ngayon ko lang napansin ang buhok n’yang may pagkakulot at kung gaano ‘yon kalambot. His haze eyes are too captivating and his big hands are too perfect for my body.
Nakasakay ako sa kanya at ang parehong paa ay nasa magkabilang gilid habang ang kamay n’ya ay nasa likod at leeg ko. May paminsan-minsang bumababa ‘yon sa hita at mahigpit ‘yong pinipisil. Nakahawak naman ako sa leeg n’ya at balikat at dahan-dahan ‘yong hinahamplos. Tinignan ko naman s’ya sa mata, lumipat naman ang kamay n’yang nasa leeg ko sa likod ng tainga at parang kahit na anong oras ay hahalikan na ako.
Nginitian ko naman s’ya at nilapit ang muka saka bumulong. “I am here or the invitation.”, malambing kong bulong at muntikan nang matawa nang humigpit ang kapit n’ya. “Calm down, Mr. Groom. Baka magusot ang damit mo. Bagay pa naman sa’yo.”, mapang-asar kong sabi at sinundan n’ya ang kamay kong inayos ang polo n’ya.
“How about do something para ibigay ko sa’yo? It’s not easy to be invited, you know.”, bulong n’ya at umiikot muli ang kamay kung saang parte ng katawan ko. Umaasang may mahanap na ikasisimula ng namumuong tensyon sa aming dalawa.
Tinawanan ko naman s’ya at diniinan ang pagkakaupo sa pagitan ng hita n’ya. Napaangat naman ang ulo n’ya at pinigilan ang gustong kumawalang ingay. Hindi makapaniwala n’ya akong tinignan na tinawanan ko lang. Habang ginagawa ‘yon ay kinakapa ko kung nasaan ang invitation na mukang hindi n’ya napapansin.
“God, Nightshade. Iniisip ko, kung itatali ba kita dito, makakawala ka kaya?”, parang nawawalan ng hininga n’yang tanong na tinawanan ko.
I run my fingers through his hair at sandali ‘yong pinaglaruan. “Depends.. If I want to, I’ll gladly be tied..”, bulong ko at nang marandamang gagawin n’ya nga ay agad kong nilabas ang kutsilyo na nasa buhok ko at tinutok sa leeg n’ya. Hindi naman s’ya gumalaw at tinawanan lang ako ng mahina.
“I will not be going to do it. I’ll just open the tint.”, malambing n’yang sabi at may pinindot sa kotse n’ya at bumalik na sa pwesto at kinapitan ulit ang baywang ko. Hindi ko naman agad napigilan nang kapitan n’ya ang dalawa kong braso at mabilis ‘yong pinagsama sa likod ko.
Gulat akng napatingin sa kanya pero agad rin ‘yong napalitan ng ngisi. “You know I could still use my feet.”, natatawa kong sabi at nginitian lang n’ya ako at umayos ng upo dahilan para mas mapalapit kami.
“I know..”, bulong n’ya at mas lumapit. Nanatili naman ako sa pwesto ko. “I just wanted to see how interesting it is to see you being.. tied.”, malambing n’yang sabi na ikinatayo ng balahibo ko at bumilis ang paghinga. Ramdam na ramdam ko ang init ng paghinag n’ya at bagong hindi ko alam kung saan nanggagaling pero kung matagal ko ‘yun na maaamoy ay mababaliw ako.
Hindi pa man nagtatagal ay binitawan na rin n’ya ang kamay ko at saka ibinalik ‘yon sa likod ko. Sumandal naman ako sa magkahawak n’yang kamay at tinitigan s’ya habang nilalaro ang kutsilyo sa kamay. Napansin kong wala sa’kin ang tingin n’ya at sa dibdib ko kaya naman inipit ko pa ‘yun na mukang napansin n’ya at tinitigan ako nang may pagtatanong sa mata.
“I clearly told you.. I am here for the invitation and not to be your mistress.”, sambit ko at inabot ang labi n’ya at dahan-dahang ‘yon hinaplos. Ngumiti naman s’ya sa daliri ko at hinawakan ang braso ko at dahan-dahan ‘yong inamoy.
“Why we never met before?”, parang nahihilo n’yang sabi habang pinipisil ang baywang ko at pababa-taas ‘yong hinawakan.
Nginitian ko naman s’ya at dahan dahan inilapit ang muka sa kanya. Astang hahalikan ko na s’ya nang iiwas ko ‘yun at maalalang ikakasal ang isang ‘to. Ayokong maging kabit. Pabiro ko s’yang tinignan pero huli na nang makalayo ako at hinawakan na n’ya ang likod ng leeg ko at hinila ako papalapit para halikan ng malalim at ibuhos lahat ng sabik na nararamdaman.
Nabalot ang kotse n’ya ng mainit na simoy at ingay na ginagawa naming dalawa. Hindi ko naman na pinigilan ang halik n’ya at ibinalik rin ‘yon nang may sabik. Hindi ko alam kung parte pa rin ba ‘to ng laro pero masasabi kong mahirap kalaban ang lalaking ‘to. Naramdaman kong gumagapang ang kamay n’ya sa hita ko at nang ilalagay na n’ya sa ilalim ng damit ay agad ko ‘yung pinigil at hinila ang buhok n’ya para maghiwalay ang labi naming dalawa.
Pareho kaming naghahabol ng hininga at nakatingin ng malalim sa mata ng isa’t isa. Mahigpit ang kapit ko sa buhok n’ya at naramdaman n’ya siguro ang mahipit kong pagpipigil. “I still need this dress to attend your wedding, little guy.”, biro ko habang hinahabol pa rin ang paghinga. Mukang kumalma na rin s’ya dahil binigyan n’ya ako ng pasinghal na ngisi.
“Now, I am starting to hate this wedding..”, bulong n’ya na ikinatawa namin pareho.
Tinitigan ko naman s’ya ng ilang segundo bago ayusin ang buhok n’ya at haplusin ang balikat para lapatin ang suit n’yang nagusot dahil sa kaguluhang ginawa naming dalawa. Pinanood naman n’ya ako habang ginagawa ko ‘yon sa kanya nang may mapaglarong ngiti. Kinapitan ko naman ang labi n’ya na agad n’yang pinigilan.
Natawa naman ako sa reaksyon n’ya. “I am just going to remove my lipstick stain around your lips.”, sambit ko at agad namang lumuwag ang kapit n’ya. Maya-maya ay napatigil ako nang ayusin n’ya ng dahan-dahan ang buhok ko at napatitig lang sa kanya nang magsalita s’ya.
“Why are we enemies again?”

BINABASA MO ANG
Hide And Seek With Mr. Devil
RomanceArtiona Novaliege is an Agent, a great agent who only loves to follow her principles. She is well-respected, great sister, known to all worlds, and a woman who has power to control everything but one thing, she can't hide her past and can't never pr...