Paalala
Ito po ay kuwento lamang. Ano mang pagkakatulad sa tunay na pangalan ng tao, lugar, institusyon, organisasyon o kung ano pa man ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Pinaalalahanan ko rin kayong mag-ingat sa pagbabasa. Huwag magmadali. Namnamin ninyo ang bawat salitang nakapaloob dito dahil sa oras na may makaligtaan kayo kahit na isang pangungusap, maaari na kayong maguluhan at hindi n'yo na maiintindihan ang mga kaganapan.
Plagiarism is a not crime.
But COPYRIGHT INFRINGEMENT is.
Kapag napatunayan, maaaring makulong ng isa hanggang tatlong taon. May multa ring 50K-150K pesos. First offense pa lang yan. Isa rin itong kasalanang mortal para sa mga manunulat na katulad ko(kahit amateur lang ako).
ALL RIGHTS RESERVED
Sinimulang isulat: November 2022
Natapos: September 2023
Hindi ko pa ipo-post lahat. Kapag sinipag lang ako.
Isa pa pala
Libre mag-iwan ng comment. Nakikiusap ako na sana, iparamdam n'yo ang inyong presensya bilang mambabasa. Kahit 'Hi!' lang o simpleng timestamp. Hehe.
Iyon lang naman. Enjoy.
***
Pasilip
"Jacob...?" Hawak ang bibig, halos maubusan ng hangin si Cassy sa nasasaksihan.
Duguan at naghihingalo ang lalaking nakahiga sa kamang pang-ospital. May nakatarak na makislap na espada sa dibdib nitong natatakpan ng kumot, na ngayon ay pulang-pula na dahil sa dugo nito. Sa kabila ng paghihirap ng lalaki, nakatingin ito sa kaniya nang may buong pagmamahal.
Ginusto niyang makalapit ngunit hindi niya malaman kung bakit 'di niya magawa. Hindi siya makakilos. Mistula siyang napako sa kinatatayuan. Wala siyang ibang magawa kundi ang impit na umiyak dahil sa kaniyang nakikita.
"Jacob, hindi puwede!" usal ng kaniyang isipan.
Nababatid ng kaniyang kalooban na isa lamang itong bangungot, pero hindi niya alam kung paano ba siya magigising. Palingon-lingon siya sa halimaw na may kagagawan ng bagay na ito kay Jacob. Ang nilalang na may biyas ng mga kabayo, na sa kabila ng kasuklam-suklam na anyo, nagagawa pang ngumisi nang may pang-iinsulto.
Hindi siya natatakot sa pagkakataong ito. Wala siyang ibang maramdaman kundi matinding pagkamuhi. Gusto niyang ipalasap sa halimaw nang mas higit pa ang ginawa nito kay Jacob. Iyon ang nais niyang gawin, pero hindi niya iyon magawa, pagkat hindi niya mapagalaw ang sariling katawan. Mistula itong kumikilos nang mag-isa, na tila may ibang kumokontrol sa kaniya. 'Di na niya iyon gaanong inintindi dahil mas napangibabawan siya ng mas masidhing pakiramdam--ang matinding muhi at pagkagalit na kanina pa bumubulusok sa kaniyang kalamnan.
Nang tuluyang ipikit ni Jacob ang mga mata, nababatid ni Cassy na huli na ang lahat.
"Jacob!" Umalingawngaw na lamang sa buong silid ang nakabibihingi niyang pagsigaw.
BINABASA MO ANG
In Another Dream: The Other Side of the Parallel
ParanormalAng buong akala ko, tapos na ang kuwento na ito... pero, nagkamali ako... Hindi kasi inaasahan, muli na namang lumikot ang aking imahinasyon. Biglang may ipinasilip ang aking balintataw. Mistulang may ibinulong ang aking isipan. Isang malaking pala...