Dalawampu't Isang Panaginip

29 9 0
                                    


"Faye?" balik-tanong ni Cassy. "Bakit mo ako tinatawag na--"

Bahagya siyang napaatras nang may mapagtanto.

Ang lalaking ito, hindi ito si Jacob. At imposibleng maging si Jacob ito.

Sa kabila ng pagkakaroon nito ng parehong mukha, pangangatawan at hairstyle, alam niyang hindi ito si Jacob. Dahil iba ang paraan nito ng pagtitig sa kaniya. Punong-puno 'yon ng pagmamahal at pangungulila. Pero ang nakilala niyang Jacob, ni minsan ay hindi niya nakitang tumingin sa kaniya nang ganoon.

Isa pa, ang pangalang itinawag nito sa kaniya ay isang malaking kumpirmasyon, na hindi siya ang pakay nito at malamang, hindi siya kilala nito.

"Hindi ikaw si Faye..." Matapos titigan ang kabuuan niya, muli nang nawala ang sigla sa mga mata nito nang makasiguro ito--na tulad niya, malaki rin ang naging pag-aakala nito. "Sino ka at bakit kamukha mo siya?"

"Pinsan ko siya," pagsisingungaling ni Cassy na inilihis na ang mga mata.

"Pinsan? May iba pa siyang pinsan?" laking pagtataka ng lalaki pero agad ding naglaho ang interes nito at tumalikod na. "Mabuti pa, lumabas ka na. Banyo ito ng mga lalaki. Hindi magandang may ibang makakita sa 'yo rito."

Nakinig siya at nagsimula na ring humakbang habang palingon-lingon pa rin dito. Labis pa rin kasi ang pagtataka niya kung bakit ganoon ang ayos nito. Pero sa pagkakaalala niya, nasa ospital ito at nasa coma?

Ibang timeline na naman ba ito?

Kung ganoon, gising na pala ang lalaking iyon?

Paglabas ni Cassy sa pinto ng mens room, hindi niya maiwasang mapatingin doon.

Anong nangyari? Bakit... ganoon na ang hitsura niya?

Kahit napapaisip pa rin, napagdesisyunan niyang maglakad na pabalik sa library. Doon siya nanggaling, kaya posibleng doon din siya makabalik. Whatever. Nakakabalik naman ako kahit hindi ko gustuhin.

Habang humahakbang ay napapatingin siya sa paligid. Ngayon ay medyo naku-curious siya sa mundong ito. Nakakapagtaka kasi kung bakit nitong mga nakaraan, dito na siya madalas na mapadpad at naliligaw nang hindi siya nananaginip. Hindi siya tulog kanina, kaya sure siyang hindi ito panaginip.

Pero, ano kayang kakaiba sa lugar na ito?

Bukod sa iba't ibang relationship ng mga tao rito, ano kayang 'naiiba'? Same lang ba ng topography? Mayroon bang monarchy rito? Sa pagkakaalam niya, same lang ang weather conditions nila, pero hindi rin niya masiguro, kasi baka biglang may snow pala rito.

Pagkapasok niya sa malaking library ng admin building, agad siyang naglakad pabalik sa shelves na pinaggalingan niya kanina. Napansin lang niya, ang ibang mga estudyanteng narito, huminto na sa ginagawa at nakalingon na sa kaniya. Malinaw rin niyang naririnig ang bulungan ng mga ito.

"Si Faye ba iyon?"

"'Di ba, patay na iyon?" wika ng isa na nasa pinakamalapit sa kaniya.

Nagulantang naman siya sa narinig.

Ano? Totoong patay na si Faye?

"Look at her hair."

"Naka-enroll ba 'yan dito?"

"Sino ba 'yan? Kamag-anak niya?"

"Kakambal?"

Ipinagpatuloy na lang ni Cassy ang paglalakad sa kabila ng mainit na tingin ng ibang taong narito. Pagdating niya sa paranormal section, dumampot siya ng isa sa mga libro at nagkunwaring abala sa pagbabasa. Its the same book na nabasa niya rin kanina. Patingin-tingin pa rin siya sa paligid. The people is still looking at her, as if they're guarding her every move.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon