Dalawampu't Walong Panaginip

26 7 0
                                    


Agad gumapang ang pagkakilabot sa kalamnan ni Cassy dahil sa narinig.

"What do you mean...pinatay niya ang mama mo?"

Napailing lang si Lia. "Nakakatawa ka. Kailan mo ba ititigil 'yang pagkukunwari mo? Tsk!" Tumalikod na ito at mabilis na naglakad palayo.

Salubong ang kilay niya habang sinusundan ito ng tingin. Nagsinungaling na naman ba ito? Alam niyang hindi tamang basta-basta ito paniwalaan, pero wala naman sigurong dahilan ang babaeng 'yon para magsinungaling sa bagay na binanggit nito, lalo na tungkol sa taong wala na rito sa mundo.

"Cassy, bakit ka nandito?" tanong ni Adele na nagmula sa bandang likod niya.

Kasama nito si Lily, na tulad nito, nakatingin na rin sa babaeng papalayo.

"Bakit? Anong sinabi ng cheap na 'yon?" usisa ni Lily nang lumingon.

"Some strange things," tugon ni Cassy na mas lalong na-curious sa narinig kaya bumaling siya sa dalawa. "Alam n'yo ba kung buhay pa ang mom ni Lia?"

Napataas lang ang parehong balikat ni Lily, samantalang si Adele, saglit na natahimik habang nakatingin pa rin sa direksyon ng pinag-uusapan nila.

"That's weird. Bakit niya 'yon sasabihin sa 'yo?" wika ni Adele na lumingon na sa kaniya at ngayon tumitig na tila binabasa siya.

"Oh? What happened? Now, I'm curious?" Bigla namang napuno ng pananabik ang mata ni Lily.

"Come on. I'll tell you on the way." Nauna nang naglakad si Adele, pero agad humabol si Lily at isinukbit ang kamay sa braso nito.

Habang naglalakad sila sa kahabaan ng walkway sa ilalim ng canopy, inilahad ni Adele ang tungkol doon. Matagal na raw 'yon, siguro, pare-pareho pa silang mga highschool students. Hindi pa raw nito ka-close noon si Faye, pero iisang simbahan lang ang pinupuntahan nila dahil 'yon ang malapit sa community. Totoo raw na wala na ang ina ni Lia dahil na-hit and run ito, pero ang pinagbibintangan ng babae, walang iba kundi si Faye.

"But that's impossible, kasi nasa US that time si Faye," dagdag ni Adele. "And weeks after mailibing ang mom niya, binawi niya rin 'yong statement niya at nag-sorry siya sa buong church. Pero, marami pa siyang ibang kasinungalingang sinabi, like nang makapasok siya rito noong second year highschool, nagpanggap siyang she's from an elite family, when actually, kinuha lang siyang scholar ng family ni Marky."

"Ah? That's why she was branded as pathological liar?" wika ni Lily na napatango-tango.

"Kaya, Cassy, hindi ka dapat makinig sa babaeng 'yon kahit magpaawa pa siya," pagbabala pa ni Adele na marahang tinapik ang likod niya. "Kahit si Angelo, naloko ni Lia dahil sa pagpapanggap niya."

"Dont worry about me." Nagpilit siya ng ngiti pero hindi pa rin siya mapalagay. Para kasing may bahid ng katotohanan ang sinabi ni Lia. Bahagya siyang naguguluhan. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang paniwalaan.

Bigla naman siyang napaisip sa lugar na dinaraanan nila. Mukhang pabalik na ito sa admin building.

"Teka? Saan n'yo ba ako dadalhin?" usisa niya sa dalawa.

Parehong ngumiti ang mga ito sa kahina-hinalang paraan.

Nagkatinginan sina Adele at Lily, bago nagsalita ang huli.

"Sa gym. Nandoon na sina Mila."

"Anong ginagawa nila roon? Akala ko, wala na siya sa varsity?" laking pagtataka ni Cassy.

"Kukumustahin lang namin ang aming target," sabi ni Adele na isinukbit na rin ang kamay sa braso niya.

"Target?" Nangunot ang noo niya.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon