Bigla na lang dumagundong ang puso niya.
'Yong strange na book na napulot niya before, nasa harap niya pero bigla na lang itong nalaglag sa floor. Sa pagkakaalam niya ay nakapangalan iyon kay Jacob, pero nang kusang bumuklat ang mga pahina, napalitan na ito ng ibang pangalan.
Cassiopeia Sto. Domingo?
Sino iyon?
Halos magulantang naman siya sa sumunod niyang nakita.
Its herself walking sa university premises. Tulad niya, nakatanaw din ito sa buong paligid at mistulang naliligaw. Sure siya na siya iyon dahil iyon ang hairstyle niya bago siya ma-coma. 'Yong damit na suot nito, isa sa mga paborito niya na binili ng mom niya noon.
What is happening... why am I seeing myself?
Kaagad umagaw sa kaniyang pansin ang bus sa 'di kalayuan. Doon na rin kasi nakatingin ang babaeng kamukha. Base sa ekspresyon nito, puno rin ito ng pagkalito, tulad niya.
Unti-unti nang napupuno ang bus ng mga estudyanteng nakasuot ng varsity jacket na minsan niya ring isinuot. Mabilis na gumapang sa kaniyang kalamnan ang pagkakilabot nang maalala kung ano itong kasalukuyang nakikita, lalo't ilan sa mga taong sakay n'on, kilala niya at pamilyar sa kaniya.
Nang huminto ang babaeng kamukhang-kamukha, napansin niyang nakatuon na ang tingin nito sa dalawang taong nasa tapat ng pinto ng bus at may kung anong pinag-uusapan.
Agad dumapo ang kamay ni Cassy sa sariling bibig nang makilala na ang isa sa mga iyon ay si Mira. Dahan-dahan siyang humakbang para lumapit sa mga ito. Hindi na nga niya gaanong alintana ang ibang taong nakakasabay niya na mistulang 'di naman siya napapansin at lumulusot lang sa kaniya.
"Sige na, pumasok ka na. Huwag ka nang mahiya, kasama mo naman ako, eh," pahayag ni Mira sa babaeng may kulot na buhok at nakatungo.
Nang silipin niya para malaman kung sino ito, bigla na lang siyang napaatras.
Bakit ba siya nagugulat?
Lumingon siya sa babaeng may kapareho niyang style at hitsura na nanonood lang din katulad niya. Medyo nakakabigla na hindi lang isa, kundi dalawang kamukha ang makikita niya sa lugar na ito. Kung nasaan man siya. Pero kahit, kamukha nila ang isang may kulot na buhok, ibang-iba naman ang ayos nito, at base sa pagyuko nito, naiiba rin maging ang personalidad nito.
"Mauuna akong umakyat. Sumunod ka sa akin. Kapag hindi ka sumunod, magagalit ako sa 'yo." Ngumuso si Mira sa babaeng kausap nito.
Hindi pa rin siya maka-getover pero nalipat na ang tingin niya sa mga estudyanteng naroon sa loob at nakatanaw kina Mira. Halatang nagbubulungan ang mga ito at pinag-uusapan ang dalawa. Napansin niya nga rin ang ilan sa mga kaibigan nila na nakatingin din nang may panghuhusga.
Teka. Parang may kakaiba?
Bakit pasakay sa bus na ito si Mira?
Samantalang sa pagkakaalala niya, kasama niya itong nakasakay sa kotse niya. Kaya nga, hindi ito nakasama sa aksidenteng iyon.
Anong ibig sabihin nito?
Sumakay na ang mga ito, pero ang kulot na babae, habang papasok ay parang may gustong iwasan sa loob. Siguro, 'yong mapanghusgang tingin ng mga estudyante. Nang lingunin niya ang babaeng kamukhang-kamukha, hindi niya maintindihan kung bakit parang may kung ano itong nakikitang dapat katakutan sa loob.
Bigla na lang tumakbo pababa 'yong babaeng kulot at agad naman itong hinabol ni Mira.
"Bakit, Peya? May problema ba? Bakit para kang nakakita ng multo. May kung ano ka bang nakikita sa loob?" Lumingon si Mira sa loob ng bus, sa kasalukuyan pa ring tinitingnan ng kausap nito.
BINABASA MO ANG
In Another Dream: The Other Side of the Parallel
ParanormalAng buong akala ko, tapos na ang kuwento na ito... pero, nagkamali ako... Hindi kasi inaasahan, muli na namang lumikot ang aking imahinasyon. Biglang may ipinasilip ang aking balintataw. Mistulang may ibinulong ang aking isipan. Isang malaking pala...