***
Buong araw na hindi pinakawalan ng apat si Cassy. Everyone is nice and kinda clingy, maliban kay Mila na kahit nginingitian siya, ramdam niya ang bahagyang pagdistansiya. Hindi ito gaanong madaldal sa kaniya, 'di tulad ng tatlo na kinuwento na kahit ang mga bagay na wala siyang pakialam.
They take turns sa pagpapa-sit in sa class ng mga ito. Isa roon ay hawak ni Professor Aguirre na bukod sa pagiging professor ay isa rin palang cardiothoracic surgeon sa Diamond Empire Hospital. Isa raw ito sa pinakanirerespeto sa field na 'yon, kaya nga one of the most influential raw ito sa university. Parang ayaw niyang maniwala dahil ang tingin niya rito, ay isa lamang baliw na ina ni Faye.
Pero, actually, hindi pa 'yon ang nakakagulat. Mas nakakabiglang malaman ang kursong kinukuha ni Adele. Ang mapagpanggap na malditang paboritong paglaruan ang buhok niya, ay nasa ikatlong taon na pala sa Medicine. Ka-year level ito ni Gwen na Music ang kinukuha, habang sina Lily at Mila, kapareho ni Faye na second year sa sa magkakaibang kurso--Chemical Engineering, Architecture at Economics.
Ayon kay Lily, highschool pa lang ay magkaibigan na sina Mila at Faye. Naging close ang lima dahil pare-pareho silang member ng student council. Pare-pareho din ng hobbies ang mga ito--martial arts at volleyball. Naging varsity player sina Faye at Mila, pero dahil sa nangyari kay Faye, nawalan na ng gana si Mila. Mas lalo pa dahil sa inaakto ng kapatid nito.
Ilang beses niyang sinubukang tumakas sa mga ito para makausap ulit si She, pero hindi talaga siya nilubayan ng apat. Pinilit pa siyang i-tour sa buong university, kahit hindi kailangan, dahil kabisado niya ang mga lugar na dapat niyang puntahan.
Nang matapos ang klase ng mga ito, muli na naman siyang hinaltak ni Gwen patungo sa parking lot. Ihahatid daw siya ng tatlo.
"No need, sasabay na lang ako kay Prof--I mean, kay Auntie, or kay She," pagtanggi niya kahit nakabukas na ang pinto ng white 4-seater convertible sa harap niya.
"Ano bang sinasabi mo? Nasa ospital na si Professor Aguirre, and she told us to take care of you," pahayag ni Adele na pinagtulakan na siya papasok ng kotse.
Wala siyang mapagpilian kundi ang sumakay. Nang paharurutin ito ni Gwen, saka naman niya napansin na wala si Mila.
"Naku, hatid-sundo 'yon ng boyfriend niyang naka-Harley Davidson. Baka mauna pa iyon sa atin." Tatawa-tawa si Adele na hinampas pa ang braso niya.
Napatingin na siya sa daang tinatahak ng convertible palabas ng university.
"Ihahatid n'yo ba talaga ako?" usisa ni Cassy. "Kailangan lahat kayo?"
"Of course! 'Cause we're going to party, so brace yourself!" paghiyaw ni Lily na binuksan ang stereo kaya't dumagundong ang isang kilalang pop music. Iwinagayway na nito sa ere ang mga kamay.
Ganoon din si Adele na parang handang-handa na rin sa sinasabi nitong party.
Napuno ng tawanan at musika ang kotse. Nakabukas nga ang taas ng convertible kaya en-enjoy na lang ni Cassy ang moment na ito, kaysa magmukmok siya sa isang tabi. Itinaas niya rin ang mga kamay at dinama ang sumasalubong na hangin sa kanila. Its December and cold, just like her heart. Pero sino ba siya? Si Cassy Enriquez na kayang-kaya ring magkunwari na masaya. Sa kabila ng mga inaalala niya, sumabay na lang din siya sa pagsigaw at paghiyaw ng tatlong babaeng kasama.
Hindi rin nagtagal, napansin niyang ipinapasok na ni Gwen ang kotse sa driveway ng isang pamilyar na bahay.
"I thought magpa-party tayo?" laking pagtataka niya na nagsalubong ang kilay. Nandito kasi sila sa bahay nina Faye.
"Oo nga. Magpa-party tayo sa bahay n'yo. Just be thankful, inimbita ka namin," pagbibiro ni Adele na kumindat bago bumaba.
Pagbaba nila sa convertible, napansin na nila sa garage ang motor na kakikitaan ng angas. May kalakihan ito at mukhang puwedeng ipang-race somewhere. It looks like, totoo ang sinabi ni Adele na mauuna sa kanila sina Mila at Angelo. Inaya na siyang pumasok ng tatlo na parang sila pa ang nagmamay-ari at nakatira dito. Nangunguna pa ang mga ito paakyat sa hagdan na parang 'welcome na welcome' ang mga ito.
BINABASA MO ANG
In Another Dream: The Other Side of the Parallel
ParanormalAng buong akala ko, tapos na ang kuwento na ito... pero, nagkamali ako... Hindi kasi inaasahan, muli na namang lumikot ang aking imahinasyon. Biglang may ipinasilip ang aking balintataw. Mistulang may ibinulong ang aking isipan. Isang malaking pala...