Ikalabing-dalawang Panaginip

33 8 0
                                    


***

Napalingon si Cassy sa labas ng glass window. Napakayamapayapa ng sinag ng araw. Para itong nakikipaglaro ng taguan sa mga ulap. Kung puwede nga lang, tangayin na lang din siya ng hangin kasama ng mga ito.

Napabuntong-hininga siya.

She didn't want to be here in the first place. But she have no choice.

I just want this to be over.

Iyon ang sinabi niya sa kakambal matapos nitong makita ang pagwawala niya sa garage kagabi. He was in pajamas, probably preparing to sleep. Baka naistorbo lang ng pag-iyak niya. Napansin niya ngang isa lang ang suot nitong slipper sa sobrang pagmamadali at pag-aalala.

Ayaw na ayaw pa naman niyang nag-aalala ito sa kaniya. Hindi niya rin gusto na makita nitong pinanghihinaan siya ng loob. Hindi niya gustong kaaawaan siya ng kapatid. Ayaw niyang magmukhang kawawa at mahina sa harap nito, dahil never siyang nagpaawa sa kahit na sino.

Mula noong mga bata pa sila, siya ang palaging inuuna ng magulang nila. Its because of her heart condition. 'Yong tipong kahit talented si Caleb, hindi naging ganoon ka-interesado ang mga ito. Yes, everyone is proud and happy na isa itong genius pianist, ngunit iba pa rin ang atensyong nakukuha niya noon.

Nagi-guilty siya sa tuwing walang pumupunta sa mga recital nito, lalo na kapag naka-confine siya sa ospital. Caleb was always left out. Alam niyang sumama ang loob ng kakambal, pero hindi ito kailanman nagreklamo. Naalala niya, sa sobrang lungkot niya, hiniling niya na sana, kung hindi na siya pagagalingin, kunin na lang siya, para hindi na mag-isa si Caleb. Para hindi na malungkot ang mga magulang nila.

But luckily, naoperahan siya at milagrong gumaling. Kaya nga, ipinangako niya sa sarili na hindi magiging mahina. Hinding-hindi siya magpapaawa, lalo na sa harap ng kapatid.

Pero heto siya, higit isang taon na sigurong 'mahina' sa paningin nito at ng ibang tao.

"Miss Enriquez, naririnig mo pa ba ako?" Kinatok ng babaeng nakaupo sa harap niya ang mesa nito. Pormal itong ngumiti at agad lumitaw ang dimples sa kuwadradong pisngi nito. Yes, she's not pretty, but she looks kind.

But still, hindi niya alam kung dapat niya ba itong pagkatiwalaan.

"Yes, of course," sagot niya kasabay ang pilit na ngiti.

Narito siya sa clinic na ni-recommend ni Lianne. Ayaw kasi niyang magpakunsulta sa dati niyang psychologist. For sure, kung ano man ang magiging panibagong findings, makakarating agad sa dad niya. Hindi niya nga rin binanggit kay Caleb na ito ang balak niya. Nagpaalam lang siya na gustong makipag-bonding ni Lianne sa bahay nito at pumayag naman ang kapatid. Halos mapunit nga ang ngiti sa mukha nito sa sobrang tuwa. Siguro dahil akala nito, sinusunod niya ang payo nito na kilalanin nang husto ang babaeng iyon.

Anyway, after ng session niya kay Dra. Guevarra, dumiretso na sila sa bahay ni Lianne. Unfortunately, kasama niya si Kuya Peter dahil iyon ang ipinakiusap ni Caleb. Sinabihan na lang niya ang babae na 'wag magbabanggit ng kahit ano tungkol sa pupuntahan nila, para hindi ito makatunog.

Habang nasa room ni Lianne, hindi niya maiwasang humanga sa iba't ibang laki ng paintings at portraits na nakasabit sa bawat sulok ng pader. Halos magmukha na nga itong museum. Kaya siguro, may kalakihan ang kuwarto nito. Obviously, suportado ng mom nito ang talent ng anak.

Napalingon si Cassy nang mapansing palapit na si Lianne bitbit ang tray ng meryenda nila. Matamis itong ngumiti. Gumanti lang siya ng simpleng pagngiti. Ibinaba nito sa center table ang dala at inaya na siyang kumain. Blueberry pancake lang naman iyon at orange juice.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon