Dalawampu't Pitong Panaginip(Ikalawang Bahagi)

27 7 0
                                    




***

Kinabukasan, pagkabangon ni Cassy, agad siyang napasapo sa ulo. Kaunti lang ang ininom niya kagabi pero bakit parang may bumibiyak sa kaniyang sintido? Nang mapaduwal, patakbo na siyang nagtungo sa kaniyang banyo. Doon sa tapat ng bowl ay napaluhod siya at itinuloy ang pagsusuka.

Pagkatapos ng halos pagbaliktad ng kaniyang sikmura, nagmumog na siya sa may lavatory. Hindi talaga siya sanay uminom. Tumayo na siya nang diretso at napasuklay sa magulo niyang buhok. Agad siyang napatingin sa kaniyang repleksyon sa salamin. Hindi siya gaanong umasa na paggising siya, awtomatiko na siyang babalik sa tunay niyang mundo, ngunit medyo nadismaya pa rin siya. Ilang araw na siyang nandito. 'Di niya alam kung hanggang kailan pa siya mananatili rito, o kung makababalik pa ba siya sa tunay niyang mundo.

Ang nakapagtataka, hindi niya maalala kung may napanaginipan ba siya ngayon o kahit kagabi?

Napalingon siya nang may marinig na pagkatok sa pinto.

"Anak, ready na ang breakfast," pagtawag ng propesora mula sa labas.

Inis siyang napabuga ng hangin at hindi ito tinugon. Pinili niyang maghilamos ng mukha, ngunit maya-maya lang, naririnig na niyang may pilit na nagbubukas ng doorknob gamit ang susi. Mabilisan siyang kumuha ng tuwalya at agad ipinampunas sa mukha. Lumabas na rin siya sa bathroom hawak ang towel.

Bigla namang bumukas ang pinto at sumalubong ang aligagang mukha nito.

"Anak, akala ko, umalis ka na naman?" Mabilis itong naglakad palapit para yumakap.

How I wish I could...

Mistula siyang naging bato sa kinatatayuan at hinayaan itong yumakap.

Nang bumitiw ito, matamis na ngiti na ang nakapaskil sa mukha ng ginang. "Maligo ka na at magbihis. Hindi magandang ma-late sa first day mo."

Tinitigan niya ito gamit ang blankong ekspresyon, kung maaari lang, ayaw na niyang mag-react pa sa pinagsasabi nito. Walang silbing makipag-usap sa babaeng baliw gaya nito.

Matapos pisilin ang kamay niya, humakbang na ito palabas ng pinto.

Wala siyang choice kundi sundin ito. Isa pa, kailangan niya ring pumunta sa university para makausap si She. Wala ito kagabi. Mukhang hindi umuwi. Baka nga doon 'yon natulog sa room na pina-occupy nito sa kaniya noong isang gabi. Hindi niya alam kung anong problema nito sa kaniya, pero sure siyang may kakaiba itong nakita noong huling pag-uusap nila.

Why did she call me Faye? Namalikmata ba siya?

Isinantabi niya muna 'yon at kumilos na siya para masimulan ang araw na ito.

Matapos makaligo, agad na siyang nagbihis ng isa sa mga bagong outfit sa wardrobe ni Faye. Alam niyang bago 'yon dahil ipinamili nga siya ni Professor Aguirre. Pinili niya ang combination ng emerald color loose longsleeve at black pencil skirt na above the knee. Ipinares niya 'yon sa stilleto na mukhang galing sa high-end brand.

Pagkalagay niya ng light make-up, agad na rin siyang bumaba.

The interior of this house is really similar to her house. Ang naiiba lang talaga ay ang kulay nito at ang mga naka-display sa paligid. Mostly white ang mga furnitures at kulay beige ang malalaking kurtina na maayos na nakatali sa gilid. Surely, iba talaga ang taste ng professor pagdating sa painting dahil puro 'yon abstract.

Napahinto siya nang makita ang malaking portrait sa gilid ng hagdan. Picture 'yon nina Faye at ng ina nito. 'Di niya 'yon gaanong inintindi kagabi dahil sa mga kasama niya. But now that she's looking at it, nakapagtatakang wala roon ang dad nito na 'di niya alam kung sino.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon