Tatlumpu't Isang Panaginip

25 7 0
                                    


Si Kevin na ang narito, nakatingin pabalik suot ang unexpected nitong style ngayon. Naka-racing suit ito na kulay puti na may logo ng malaking phoenix. Hawak nito ang puting helmet habang nakalingon sa kaniya gamit ang salubong na kilay. Lumampas ang paningin niya sa bandang likuran nito para makasiguro.

Nang makumpirma niyang isang malaking pagkakamali nga ang nakita niya, dismayado na siyang tumalikod.

"Sandali," pahabol ng lalaki, "Kung kasama mo si Mila, 'wag mong sabihin sa kaniya na nandito ako."

Hindi niya ito tinugon. Ni hindi na rin niya ito nilingon. Bakit pa niya pag-aaksayahan ng oras ang taong 'di naman nakikinig sa kaniya? Humakbang na siya pabalik sa viewing deck at 'di na ito inintindi pa.

"Sino ba siya sa inaakala niya?" asik niya sa sarili.

Pagbalik niya roon, kasama na ng tatlo si Mila at nakatanaw na rin ang mga ito sa mga racer. Kahit may mga hilera ng upuan, karamihan ay nasa may tabi ng bintana o 'di naman kaya ay nasa tapat ng naglalakihang monitor kung saan live na nakukuhanan ang lahat. Hindi na sana siya lalapit dahil ayaw niyang makipagsiksikan pero lumingon pa si Lily na agad siyang nilapitan at hinila patungo sa puwesto ng mga ito. May ilan nga itong nasiko na mukhang supporter mula sa ibang university, pero wala namang reaksyon sa bagay na iyon dahil patuloy pa rin ang mga ito sa paghihiyawan.

"Hayan na siya!" bulalas ni Adele na halata ang excitement sa pagningning ng mata.

"Siya ba 'yong anak ng owner nitong racetrack?" tanong ni Gwen na mariin ang pagtitig sa ibaba kung saan kaniya-kaniya na ang puwesto ng mga racer, na nakasakay na sa kanilang mga motor.

Pagtingin ni Cassy, agad niyang napansin ang naka-puting racing suit na takip na takip ang mukha suot ang helmet.

"Sino diyan?" interesadong tanong ni Lily na tinalasan din ang mata.

"'Yong nakaputi." Itinuro pa ni Adele ang tinutukoy.

Umalma naman si Cassy, "No. That's Kevin."

Pare-pareho tuloy napalingon ang mga ito.

Tumingin siya pabalik at bahagyang nagsisi. Dapat ba, hindi na lang niya sinabi?

Tinawanan lang siya ni Mila. "That's imposible. Marunong siyang mag-motor pero never siyang nagkainteres sa mga ganito."

Napaangat si Cassy ng balikat. "Okay. Hindi mo naman kailangang maniwala sa akin."

Ibabalik niya sana ang pansin sa labas, pero mariin nang nakatitig sa kaniya si Mila.

"You're just kidding, right?" tila paniniguro pa nito habang nakaismid.

Hindi nito hinintay ang sagot niya at agad naglakad palapit sa lalaking nasa dulo na mukhang isa sa staff.

"Patigilin n'yo itong race, ngayon din!" bulyaw ni Mila na ikinalingon ng karamihan.

Napakurap 'yong lalaki na mukhang ilang taon lang ang tanda sa kanila. Napalingon din silang lahat nang marinig nila ang pagdagundong ng putok ng baril, senyales ng pagsisimula ng race.

"Mahirap na yatang gawin 'yan, Miss." Tumuro pa ang lalaki sa labas. "Hayun na sila, oh."

Mas lalo pang lumakas ang pagkulog at pagkidlat ngayong pare-pareho nang umaarangkada ang mga motorsiklo sa delikadong racetrack. Habang naririnig nila nang malinaw sa monitor ang ingay ng mga ito, palingon-lingon naman si Cassy kay Mila na mababakas sa buong mukha ang pagkatakot. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagkakaganito.

Seriously? Nandoon ang boyfriend niya at isa rin sa mga racer, pero bakit kay Kevin lang siya nag-aalala? She said, marunong naman 'yong mag-motor? So, anong problema?

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon