Ikalabing-Walong Panaginip

27 8 0
                                    


***

After so many minutes that feels like forever, kinausap na sila ng doktor ng ina sa mismong office nito. Parang ayaw tanggapin ni Cassy ang mga narinig. Napayakap na lang siya sa katabing si Caleb kasunod ng agarang pagdaloy ng kaniyang luha. Parang libo-libong karayom ang tumusok sa kaniyang dibdib nang sabihin ng doktor that 'they should prepare for the worst'.

"Everything will be okay," pag-alo ni Caleb habang hinahaplos ang likod niya.

This is impossible! This is not what she expected.

Kung papipiliin siya, mas tatanggapin na niya na makipaghiwalay ito sa dad nila, kaysa naman mawala ito.

Nang bumalik sila sa room ng mom nila, nakatulog na ito matapos mabigyan ng gamot ng mga doktor. Walang ibang magawa si Cassy kundi tahimik na mapaiyak sa tabi nito. Hindi niya alam kung sino ang dapat niyang sisihin. 'Di na niya yata kaya kakayanin kung may iba pang taong mawawala sa buhay niya. Pakiramdam niya, patuloy pa rin sa pagguho ang mundo niya. Siguro, isang malaking consolation ang paglalakbay niya sa iba't ibang mundo sa pamamagitan ng panaginip. 'Pahinga' lang ito dahil mayroon pang balak bawiin sa kaniya.

Inabutan siya ng panyo ni Caleb, pero bago niya punasan ang pisngi, napansin niya na may bagong dating.

"D-divina..."

Mistulang may nabasag sa tinig ng dad nila. This is the first time she's seeing him this way. Sa ilang linggo lang na pagkawala nito, parang mas lalong dumami ang puti sa buhok nito, nangingitim ang gilid ng mata, mukhang kulang sa tulog at mababakas ang matinding pag-aalala.

Ngunit sa kabila na ganito ang hitsura nito, 'di maiwasan ni Cassy na bumulusok sa kaniya ang sama ng loob. "How could you do this, Dad?" wika niya gamit ang mahinang tinig para 'di maistorbo ang ina. "Kung gagawa ka ng ganoon, sana hindi ka nagpahuli. Eh, 'di sana, magaling na si Mom!"

"Cassy," pagsaway ng kapatid niya.

Her dad teary eyes is filled with guilt as he looks down.

Bahagyang umiling si Cassy saka siya naglakad para lumabas ng silid. Ipinagpatuloy na niya ang pagpupunas ng luha habang nasa hallway. Naninikip pa rin ang dibdib niya dahil sa sama ng loob. Now that everything in her life continues to crumble, gusto niyang magwala. Everything doesn't make sense.

Habang patuloy pa rin ang paglandas ng luha niya, natigilan siya sa paghakbang nang may mapansin sa floor. Pamilyar ang keychain na naroon--isang musical note na sa kaniyang pagkakaalala, si Mira ang nagregalo kay Caleb. Kasama nga siya nitong pumili noon. Yumuko siya para damputin 'yon. Baka nailaglag ito ng kapatid habang tumatakbo sila patungo sa room ng mom nila. Isinara niya ito sa kaniyang palad.

Matalim ang pagkakatitig niya sa dinaraanan habang naglalakad patungo sa elevator. Ngayon ay nakapagdesisyon na siya.

Bumaba siya patungo sa parking lot kung saan marahil ay nakapark ang kotseng ginamit ni Caleb papunta rito. Paglabas niya, inilibot niya ang paningin sa paligid. May kalakihan din ito kaya't hile-hilera ng mga kotse ang makikita. It is perfectly design with nature kaya't mga mga puno sa mga center aisle, at sa mga gilid, kapansin-pansin ang mala-pader na halamanan.

Pinindot niya ang car remote keys, baka sakaling marinig niya ito. As she hears its cheerful chirp, lumingon siya sa bandang kanan and she immediately saw the car lights of a gray Fortuner, seemingly signaling for her to come.

Lumapit si Cassy at agad binuksan ang pinto. Saglit siyang pumikit bago tuluyang naupo sa drivers seat. Ang puso niyang kanina pa nahihirapan sa paghinga, mas lalong nag-malfunction dahil ngayon dumadagundong na ito nang malakas. Ipinikit niya ulit ang mga mata. She hears it again. Those deafening screeching sounds. Her and Mira's crying and shouting. At ang malakas na impact sa kaniyang katawan.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon