Apatnapu't Tatlong Panaginip

31 6 0
                                    



Pinagbigyan na kitang magkaroon ng magandang panaginip pero sinayang mo!

Kaagad umalingawngaw sa pandinig ni Cassy ang tinig ng nilalang. Parang nag-black out siya kanina at nang magising, bumungad sa kaniya ang 'di pamilyar na lugar. Para lang silang nakalutang sa kung saan. Madilim ang paligid maliban sa kanilang kinaroroonan at sa malaking salaming pabilog na nasa bandang harapan.

At sa isang iglap, mistulang tumalon sila papasok sa salamin. Ramdam niya ang mabilis nilang pagbulusok patungo sa mga gusali, hanggang sa may mapasukan silang isang silid. Isang babaeng nakasuot ng damit pampasyente ang nakahiga roon at walang malay, ngunit agad umagaw sa atensyon ni Cassy ang kakaibang liwanag na nagmumula sa katawan nito.

Nang mas makalapit sila, napasinghap siya nang mapagtanto kung sino ang babaeng iyon. At napagtagpi-tagpi niya sa kaniyang isipan ang mga bagay na nakita na rin niya noon sa kaniyang mga panaginip.

That is Peya! She was trap...just like me?

Ang kaibahan lang nila, na-trap siya sa ibang mundo...habang ang babaeng 'yon ay nakulong sa katawan niya noong isang taon.

Agad nangilabot ang kalamnan niya nang mapansin ang mga kakaibang nilalang na mistulang umaaligid sa buong silid. May ibang tila anino lang na nakalutang, habang ang iba ay mayroong kahindik-hindik na hitsurang tila makikita lamang niya sa isang bangungot, tulad nito.

Nag-umpisa na ang nilalaman ng propesiya...

Umalulong sa kaniyang pandinig ang tinig ng nilalang.

Pinag-iinteresan na ng iba't ibang uri ng nilalang ang kapangyarihang taglay ng ligaw na kaluluwa. Wala pang nakakaalam na nakakubli rin dito ang nahihimbing na Kathairomang magigising lamang sa oras na matapos ang lahat ng ito.

Sa isang kumpas ng kapangyarihan ni Haliah, mistulang may hangin na agad umikot sa paligid. Napaatras at tila nahintakutan ang mga nilalang na unti-unti na ring nagsipaglaho.

Paano nangyari ito?

Parte ito ng walang kuwentang propesiya na hindi ko mabago-bago. Kahit nga paulit-ulit kong patayin ang bersyon mo, paulit-ulit ka lang ding nabubuhay na parang walang naganap.

Mahina ngunit may bahid ng pagkagalit ang tinig nitong mas lalong nagpaalon ng kaba kay Cassy.

Hindi ko akalaing naging kasangkapan din ako para sa katuparan ng propesiya. Ginamit nila ako. Pero wala na akong magawa, pagkat naganap na ang lahat ng ito. Sadyang may mga bagay talagang 'di na mababago gaya ng itinakda ng propesiya.

Nalipat ang atensyon niya sa labas nang marinig ang mahinang pag-iyak ng isang lalaki kausap ang pamilyar na boses ng kaniyang ina.

"I know this is hard for you, Caleb, but we need you. Cassy needs you, now that we know she lost her memory." May bahid din ng lungkot ang pananalita nito at mukhang galing din sa pagluha. At alam na alam niya kung anong dahilan.

Dahil iyon sa pagkawala ni Mira--ang babaeng pinakamamahal ni Caleb.

"Pakiusap? Gusto ko silang makita?" Halos pagmamakaawa ni Cassy.

Ngayon lang.

Sa pagsang-ayon ng nilalang, agad na silang napunta sa labas ng VIP room. Naroon sa may sofa, magkatabing nakaupo ang mom niya habang nakayakap kay Caleb. Hindi maiwasang ikadurog ng puso niya ang nasasaksihang eksena.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon