Dalawampu't Pitong Panaginip

29 6 0
                                    


Bigla namang naningkit ang mata ni Angelo saka humalakhak nang malala. "Ah! That was the time na nagkita tayo! Tama! Sa ladies room?"

"Sa ladies room?" wika ni Mila na agad nagsalubong ang kilay.

"Believe me, it was really a misunderstanding. Okay na kami ngayon ni She." Inilihis na nito ang tingin saka tumungga sa hawak na bote.

"So, that's the reason kaya nagalit sa 'yo si Faye?" Malakas na hinampas ni Mila ang balikat ng boyfriend.

Napaigtad lang ito, saka bahagyang dumistansya. "You really didn't know?" balik-tanong ng lalaki na pinili nang tumayo.

Sinundan naman ito ni Mila at patuloy na pinalo-palo. "Akala ko, dahil lang 'yon sa pakikipag-fling mo kay Lia!"

"Hindi pa naman tayo n'on? Bakit ka ba nagagalit?" Habang sinasalag ni Angelo ang mga kamay nito, panay naman ang pag-atras ng paa nito palayo.

"So, tama ako na naging kayo nga!?"

"Hayan ka na naman. Matagal na 'yon!" tugon ni Angelo na tumatakbo na patungo sa pinto.

Hinabol naman ito palabas ni Mila. "Saan ka pupunta!?"

Nang padabog na sumara ang pinto sanhin ng hangin, napailing-iling si Gwen saka ngumiwi. "Who would have thought na under pala ang lalaking 'yon?"

"Its really odd, right?" bulong ni Adele sa kaniya saka nakipag-cheers sa hawak nilang glass ni Lily.

As their glasses clink, she couldn't help but nod. It was really an odd sight. Kahit siya, hindi maiisip na sa ibang parte ng universe, mayroong abusive relationship ang version nina Mira at ni Caleb dito. 'Di niya talaga masabi kung dapat ba siyang maawa kay Angelo o ano. But maybe, paminsan-minsan, deserving din itong masaktan, physically.






***

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ni Cassy kahit pa hindi naman ganoon karami ang ininom niya. Laking pasasalamat niya nga at nagsipag-uwi na rin ang mga ito. Lampas alas dose na rin kasi. Wala pa nga ang propesora na nasa ospital pa rin dahil sa isa sa mga surgery nito. Iyon ang sinabi nito nang tumawag kanina. Wala naman siyang gaanong pakialam.

Nahiga na lang siya sa kama matapos na saglit na makapag-shower. Napatingin siya sa kabuuan ng silid. Sa pagkakaalam niya, bagong bili ang ilan sa mga kagamitan dito katulad nitong mga unan at ito mismong queen size bed. Ayon kasi sa propesora, pinaghandaan talaga nito ang pagdating niya. Pero, ang weird lang na kahit alam niyang room ito ng babaeng kamukha niya na higit isang taon ng patay, wala siyang nararamdang pagkatakot.

Pag-aalala lang siguro para sa sitwasyon niya.

Sinubukan na niyang ipikit ang mga mata. Dahil siguro sa pagkapagod, halos 'di na niya namalayan ang paghimbing niya. Unti-unti na siyang napunta sa madilim, ngunit mapayapang isipan niya.

Maya-maya pa, ang malakas na pagkaluskos ang muling nagpamulat sa buong kamalayan ni Cassy. Halos mapasinghap siya sa kakaibang tanawin sa kaniyang harapan. Napatingala siya at agad nangunot ang noo. Para siyang nasa gitna ng kagubatan na naliliwanagan ng bilog na buwan. Kamangha-mangha rin kung gaano kaliwanag at kakislap ang mga bituin sa langit. Parang napakalapit at anomang oras ay maaari nang mahulog sa kaniya.

Hindi niya malaman kung nasa probinsiya ba siya sa kasalukuyang napapanaginipan. Napakaraming matatayog na puno ang isinasayaw ng malamig na hangin ng gabi. Napayakap siya sa sarili nang malakas itong umihip patungo sa kaniyang direksyon. Bahagya rin siyang kinalabutan nang marinig ang pag-alulong ng kung anong hayop mula sa malayo. Bukod sa mga huni ng kuliglig, 'yon lamang ang tanging maririnig sa tahimik na lugar.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon