Nalipat ang pansin ni Cassy sa mga picture frame na nakapatong sa cabinet, sa bandang likod ng lalaki. Mga larawan iyon ni Sherryl at Tita Sabel. At isa sa mga iyon ang umagaw ng kaniyang buong atensyon. May buhat doong sanggol ang ginang at...
Ang mukhang iyon...
Bakit hindi ko agad nakilala?
Si Tita Sabel noong bata pa ito...
Kamukha ito ng kinilalang kapatid noon ni Haliah...
Si Terah!?
"Mama? Sino 'yan?" Pupungas-pungas na lumapit si Sherryl na gulo-gulo ang buhok. "Bakit siya nakasuot ng parang basahan?" pahabol pa nito.
Agad namang hinampas ni Tita Sabel ang likuran nito kaya ito napaigtad. "Ano ka ba? Pinsan mo ito. Anak ng Tita Sandra mo. Bumati ka."
"Pinsan?" Napangiwi na ito kasabay ang pagtaas ng isang kilay. "May pinsan pala akong probinsiyano?" Awtomatiko na ang naging pagtakbo nito bago pa ulit ito naabutan ng nakaambang kamay ng ina.
"Manahimik ka nga," saway ni Tita Sabel sa anak saka bumaling sa lalaki. "Pasensya ka na. Nakakahiya man, pero anak ko 'yan, si Sherryl."
"Mama, what!?" Napataas ang tono ng babaeng natigilan sa pinto ng kusina. "Ikinahihiya mo ako?"
Hindi na ito inintindi ni Tita Sabel at muling bumaling sa lalaking nagpakilalang Jacob. "Dumito ka na lang. Ako na ang bahala sa lahat ng kailangan mo. Ano pa bang kulang mo?"
Hindi ito sumagot at muling lumingon sa gawi niya na tila naghihintay ng pahintulot.
"Titira siya kasama natin? Ma, seryoso ka ba!?" bulyaw ni Sherryl na muli ng lumapit.
Naririndi na ako sa boses niya!
Bigla na lang napaubo si Sherryl at tila nahirapan sa pagsasalita. Sumenyas na lang tuloy ito ng kung ano saka nagmadali papunta sa kusina.
***
Matapos mapakain ng tanghalian, naiwan na ang lalaki sa bakanteng silid na tinutukoy ni Tita Sabel. Nasa unang palapag lamang iyon sa likod mismo ng hagdan. Maluwang naman ito at kumpleto sa kagamitan. Simpleng kama, mesa at mga kabinet. Mayroon ding mga bintana na saglit binuksan ng lalaki para makapasok ang sariwang hangin.
Doon napansin ni Cassy na may dala pala itong lumang backpack.
"Parang wala naman siyang dala kanina?" tanong niya sa sarili.
Maghanda ka sa pagdating ng mga Tagabantay. Marami silang itatanong tungkol sa 'yong pinagmulan, at sa babaeng nagngangalang Sandra. Kailangan mo silang mapaniwala.
Tinig iyon ng nilalang na marahil, naririnig din ng lalaki.
Napalingon ito sa direksyon ng kama kung saan may lumitaw na ilang papeles. Kaagad nasilip ni Cassy ang pamilyar na personal information ng Jacob na nakilala niya. Nakasulat doon na anak nga ito Sandra Sto. Domingo.
Hindi naman ito totoo, 'di ba?
Imposible ito...
Paano mangyayaring si Kevin...
...
...
BINABASA MO ANG
In Another Dream: The Other Side of the Parallel
ParanormalAng buong akala ko, tapos na ang kuwento na ito... pero, nagkamali ako... Hindi kasi inaasahan, muli na namang lumikot ang aking imahinasyon. Biglang may ipinasilip ang aking balintataw. Mistulang may ibinulong ang aking isipan. Isang malaking pala...