Ikadalawampung Panaginip

32 8 0
                                    


Mira?

Hindi maiwasan ni Cassy na mapasapo sa bibig dahil sa nakikita.

Of course, she's here...

Pero, katulad ng iba niyang mga panaginip, nagugulat pa rin siya at namamangha sa tuwing nakikita ang ibang bersyon nito. Maliban sa gray highlights nito, wala itong ipinag-iba sa matalik niyang kaibigan.

Nang maglakad ang babaeng iyon, agad na sumunod si Angelo.

"Bakit, isusumbong mo ba ako?" Mapanuyang ngiti ang sumilay sa labi nito. "Kahit gawin ko ito?" Bigla na lang nitong kinabig ang baywang ng babaeng iyon at mariin itong hinalikan sa labi.

Hindi naman tumanggi si Mira, or rather kamukha ni Mira at ipinulupot pa nga nito ang mga kamay sa leeg ng lalaki.

Habang nagpapakasasa ang dalawang 'yon sa labi ng isa't isa, biglang naalarma si Cassy nang may tumagos sa kaniya. Saka naman bumungad sa harap niya ang likod ng babaeng may maikling buhok. Tumatawa ito nang paghiwalayin ang dalawa.

"That's enough, Mila. Kapag nakita kayo ng kuya mo, Im sure, pareho kayong bubugbugin n'on."

Nang dumistansya na sa isa't isa, hinila ni Faye ang babae patungo sa kung saan. Naiwan si Angelo na nangingiti habang pinupunasan ang labi. Sumabay si Cassy sa paglalakad ng mga ito, habang nakatitig sa babaeng kamukha ni Mira. In a way, she's contented na dito sa mundong ito, masaya at magkaibigan din ang dalawa.

"Gusto mo pala talaga si Angelo, tumatanggi ka pa?" Mapanuksong ngiti ang sumilip sa labi ni Faye nang ligunin ito.

"I dont like him," pagtanggi ni Mila na seryoso ang mukha. "Im just attracted dahil guwapo siya."

"Lalo na kapag nagigitara siya, ano?" muling pang-aasar ni Faye. "Ayieee! Dalaga na siya!"

Sinundot nito ang tagiliran ni Mila, kaya ito napaiwas, kasunod ang pagtawa nito.

"Faye, ano ba? Im not into bad boys," pagkakaila ni Mila sa kabila ng malawak na pagngiti.

"Huwag ako, Mila. I know, marupok ka!" paghalakhak ni Faye.

Patuloy pa rin ang pag-aasaran ng mga ito hanggang sa makapasok ang mga ito sa isa sa mga building.

"Tara sa ladies room," pagyaya ni Faye nang huminto ang mga ito sa isa sa mga comfort room.

Sumang-ayon si Mila na agad sumunod kay Faye nang mauna ito papasok. Cassy is still following them like a crazy stalker, ni hindi niya nga maialis ang tingin niya sa kamukha ni Mira. She's curious kung anong buhay nito rito. Sinabi ni Faye na may kuya ito, pero sino naman kaya?

Pumasok sa isa sa mga cubicle si Faye, habang naiwan si Mila sa harap ng salamin at nagpapakaabala na mag-touch up sa make up nito. Naglalagay na ito ng lip balm nang mapalingon sa bandang kanan.

Lumingon din si Cassy at napansing nandoon pala si She at abala sa pagmo-mop. Ngayon lang niya napansing napakahaba pala talaga ng buhok nito. Naka-braid lang ito sa gilid para siguro hindi maging sagabal sa ginagawa nito.

Paglabas ni Faye sa cubicle, dire-diretso na itong naglakad palapit sa lavatory para maghugas ng kamay.

Inginuso naman ni Mila ang babaeng naglilinis. Ngumiting aso lang si Faye at ipinagpatuloy ang ginagawa. Pero pinapanood nito si She sa pamamagitan ng salamin.

"Nandiyan na naman 'yong babaeng may sapi."

Napatingin ang dalawa sa bandang kaliwa, kung saan galing ang komentong iyon. May dalawa pang babae ang naroon at abala rin sa pag-touch up sa mukha. Huminto lang ang mga ito para pag-usapan si She, at nang mapansin sila, agad ngumiti at bumati ang dalawa. Ngunit ang mga ito, 'di man lang tumugon. Ibinalik lang ni Mila ang pansin sa pagli-lipbalm, habang si Faye, matalim na palang tinitigan ang dalawa.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon