Special Chapter

60 6 0
                                    



😅😅😅

Sabi ko last ko na sa Paranormal, eh. Kaya nga, limitado na lang ang horror nito, eh.

Ewan ko ba kay Cassy, pumasok na naman sa utak ko. Nanahimik lang ako at tulala sa isang tabi, eh, tapos bigla na lang siyang nangulit. Bigla na lang may lumitaw na scenes. Ang unfair daw kasi. Story ng ibang girl ang isinulat ko, hindi tungkol sa kaniya. Hayan tuloy.

Pero, salamat sa nakaabot dito.

At good luck sa mga nag-skim reading. Haha! Wala kayong maiintindihan. Akala n'yo, 'yong nabasa n'yo, iyon na iyon? Nagkakamali kayo! Bwahahaha!!!

Anyway, kung may napansin kayong kakaiba, like plot hole('wag naman sana, pero parang mayroon, eh?). Feel free to comment na lang. Wala naman yatang bayad mag-comment dito.

Iyon lang po.

Paalam!































































































































































































But wait...there's more...





































Bonus Chapter

Makailang-ulit na kumurap si Cassy bago tuluyang idinilat ang mga mata. Bumungad sa kaniya ang isang pamilyar na mukha, pero medyo naguguluhan pa siya kung anong mayroon at kasama niya ito ngayon.

"What happened to you? Alalang-alala kami sa 'yo. Muntik nang bumuo ng search party si Caleb dahil magmula kaninang umaga, ni isa sa mga class mo, wala kang in-attend-an!" pagbubunganga nito.

"Lia?" tanong ni Cassy halos hindi pa rin maintindihan kung anong nangyayari at kung bakit siya nandito at nakahiga sa clinic. Bumangon siya kasunod ang pagsapo sa gilid ng ulo. Pakiramdam niya ay nanggaling siya sa mahabang paglalakbay, ang problema hindi niya maalala kung saan.

"Lianne ang name ko, ano ka ba?" pagtatama ng babaeng napanguso. "Lagot ka talaga kay Caleb dahil kahit ako, hindi mo tinawagan. Well, paano mo ako tatawagan kung nakatulog ka sa tagong room ng library. Kung hindi ka lang nakita ng isang transferee, naku, who knows kung anong nangyari sa 'yo."

"Hinimatay ako...sa library?" Nangunot ang noo niya sa pagtataka.

"Oo. Puyat ka ba? Sabi ng doktor, wala naman daw problema sa 'yo at natutulog ka lang daw. Mas healthy ka pa nga raw kaysa sa akin!" sagot pa nitong napaikot ang mata.

"Cassy!"

Pareho silang napalingon sa kadarating lang na si Caleb na agad tumakbo palapit at binigyan siya nang mahigpit na yakap. "Saan ka ba galing? Kaninang umaga ka pa namin hinahanap?"

Kaninang umaga?

Wala siyang maisagot kaya napatingin na lang siya sa wall clock at napamaang nang mapansing mag-a-alas kuwatro na nang hapon. Saka naman siya biglang may naalala.

"Si Mom? Kumusta si Mom?" Nagmadali na niyang isinuot ang sapatos na nasa gilid ng kama. "Kailangan na nating bumalik sa ospital."

"Bakit? Anong gagawin natin sa ospital?" balik-tanong ng kapatid na nagsalubong pa ang makapal na kilay.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon