Dalawampu't Dalawang Panaginip

29 8 0
                                    


Nang tumayo si Mila, saka pa lang napalingon sa kanila ang tatlo pang kasama nito.

"Oh my gosh!" sabi ng ilan sa mga ito na napahawak pa sa bibig.

Gusto rin niyang magulat, dahil ang lahat ng babaeng narito, kilala niya sa kabilang mundo--si Daisy, si Lily, at kahit ang isa pang babaeng may red layered hairstyle, make-up at nakasuot ng mga branded clothes.

Bakit nandito si Aida?

But of course, that's not Aida. Sa ayos nito ngayon, imposibleng maging si Aida 'yon.

"You said, para makapasok ako sa group n'yo, kailangan kong magdala ng special sacrifice," wika ni Lia na nasa unahan niya. "Here she is."

Mukhang hindi nagulat ang mga ito sa sinabi ni Lia. Mas nakakabigla pa rin siguro na makita ang mukha niya. Nakatitig pa rin kasi ang mga ito nang hindi kumukurap. Dalawa pa nga sa babaeng narito, nakaawang pa rin ang bibig.

"Siya 'yong nandito sa kumakalat sa GC's," bulalas ng kamukha ni Lily na hawak pa rin ang phone.

"Who are you?" tanong ni Mila na lumapit. "Sa pagkakaalam ko, walang kakambal si Faye."

Lumapit ang kamukha ni Daisy na umikot sa kaniya at inamoy-amoy pa ang buhok niya. Anong ginagawa nito?

"That's her!" bulalas nito na napaturo pa sa kaniya. "...'yong sinasabi ko sa inyo dati! 'Yong kamukhang-kamukha ni Faye na nakita ko, a month bago sila maaksidente! That's her exact hairstyle and perfume!" patuloy pa nito.

'Di maalala ni Cassy kung animated kumilos si Daisy dati. Pero parang hindi?

"Ang doppelganger ni Faye?" tanong ng Lily na nahihintakutang tumingin sa kaniya, saka napabulong, "'Yong sinasabi mong possible reason kaya siya namatay?"

"That's nonsense," matalim na pahayag ni Mila na nilingon ito.

"That happened a year ago. It doesn't really make sense," wika ng bersyon ni Aida na salubong din ang kilay.

A year ago? Magkasabay ba ang naging aksidente namin?

Hinawakan ni Mila ang braso niya at pinandilatan siya ng mata. "I dont believe in those things. Sumagot ka sa tanong ko. Sino ka?"

"Distant cousin ni Faye," sagot ni Cassy saka siya marahang nagpumiglas. Its so weird for her na matitigan ni Mira sa ganoong paraan.

That cold gaze directing towards her, her brusque attitude and her scowl face seem to bore a hole in her heart.

No. That's not Mira. She's different. I know it.

"Cousin?" Nagsalubong ang kilay ni Mila na agad nalipat ang tingin kay Lia.

"Yeah. 'Yan ang sabi niya." Ngumuso si Lia sa kaniya. "Bakit pa tayo magdududa? Look at her face--"

"Enough." Tumalikod na si Mila at hindi pinatapos ang sinasabi ni Lia. "Let the initiation start." Naglakad na rin ito pabalik doon sa bahay-kubo.

Bahagyang napaatras si Cassy nang lapitan sila ng tatlong babae. "Initiation?"

"Yes. Kaya siya nandito dahil gusto niyang maging bagong member," sagot ng kamukha ni Daisy na plastic na ngumiti.

"What about you? Isn't that your reason for coming here?" tila mapanuyang tanong ng kamukha ni Lily na ngumiti rin. This is the first time she sees this face, smiling confidently. Unlike the Lily that she knows.

Pumunta ang tatlo sa likod nila at marahan silang itinulak patungo sa kinaroroonan ni Mila. Palingon-lingon si Cassy sa kamukha ni Aida na kinakalikot ang buhok niya. Nasisira ang poise nito dahil bumabakas na ngayon sa mukha nito ang pagkainggit.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon