Ikalabing-Siyam na Panaginip

27 8 0
                                    


Paglabas ni Cassy sa parking lot, ang tanging naabutan na lang niya ay ang kotse niya habang tino-tow palayo. Napasabunot siya sa buhok. Hindi niya alam kung may na-damage ba roon, pero its possible na pina-tow 'yon ng dad niya dahil ayaw pa rin nitong mag-drive sila. Medyo na-guilty siya na dahil sa kaniya, kahit ang kapatid ay hindi magamit ang kotseng 'yon. She was actually the one being unfair towards Caleb.

Dahil wala na ang kotse, sinubukan na lang niyang tingnan ang paligid kung saan siya bumangga. Tumakbo siya palapit at agad bumungad ang kaniyang nagawa. Kitang-kita sa mala-pader na mamahaling halamanan, ang malaking butas na nalikha ng sinasakyan niya kanina. Pasalamat siya sa maliliit na sanga nito na mahigpit ang kapit sa isa't isa, hindi siya napuruhan at tuluyang bumangga sa pader ng building ng ospital.

Pero, medyo nakakapagtaka pa rin iyon? Hindi ba dapat, kahit papaano ay nagalusan din siya?

Tiningnan niya ang mga braso at binti. Wala siyang nakita kahit gasgas man lang. Wala rin siyang nararamdamang ano mang sakit. Nakapunta na ba siya roon, bago pa siya bumangga?

What is happening?

Muli niyang iniikot ang paningin sa buong paligid, pero mas lalo lang siyang naguguluhan sa sarili.

***

After seeing her mom again, mas lalo pang naging disidido si Cassy sa balak. Nakausap naman niya ito nang maayos sa kabila ng panghihina nito. Pinipilit nitong ngumiti sa harap nila para ma-assure sila na ayos lang ito. Luckily, gumagana pa ang mga gamot dito. Pero, walang makapagsasabi kung hanggang kailan. Kaya nga, gusto na niyang gumawa nang paraan, as soon as possible.

Hindi niya masiguro kung nagkausap na ng masinsinan ang mga magulang niya, pero kasama nila ang dad niya na asikasong-asikaso ang mom nila. She's not sure kung nagkukunwari lang ang mga ito at ayaw ipakita sa kanila na mayroon pa rin silang misunderstanding. But she's hoping na tuluyan na ngang magkaayos ang mga ito.

Nagpaalam siya sa ina na lalabas para mag-coffee, but actually, nagpunta lang siya sa dulo ng floor para kontakin si Marky, hoping na may makuha siyang impormasyon dito. Sa pagkakaalam niya, mayroon itong paranormal club before, kaya malaki ang posibilidad na naging interesado rin ito pagdating sa mga bagay na hindi basta-basta naipapaliwanag. Nag-aalala man siyang baka isumbong siya nito kay Caleb, saka na lang niya ito poproblemahin.

When she told him her concern, he snapped at her.

"It was banned and I still hate you." Matalim ang pagkakasabi ni Marky mula sa kabilang linya. Halatang may galit pa rin.

"Please, Marky..." Mariin nang napapikit si Cassy. "I know iniisip n'yong baliw ako, but I dont care. I need your help."

"I never thought of that," tugon nito. Huminto ito sa pagsasalita at huminga nang malalim. "Noong sinabi niya na hindi siya ang kakambal ni Caleb, part of me believed that."

"What did you say?" tanong niya sa kabilang linya. "Sabi nino?"

"'Yong babaeng kamukha mo, pero ibang-iba sa 'yo. Medyo bratty siya, but she never looked down on us."

"Sinabi niya iyon?"

"I dont know who she is, but my guess is maybe, galing siya sa ibang mundo at na-trap lang dito."

"I actually dreamt about her," pag-amin ni Cassy. "Her name is Peya, pero hindi ko alam kung paano at bakit siya na-trap sa katawan ko for a year. May alam ka ba?"

"I know something happened back then doon sa ospital, but then, it became a dream. And I checked with Lianne, our memory is messed up, because may naalala kami pareho na sure akong hindi nangyari."

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon