Tatlumpu't Siyam na Panaginip

30 7 0
                                    


"Marky, anong ginagawa mo rito?" Bahagyang napaatras si Cassy para bigyan ito ng espasyo.

Isinara naman nito nang maigi ang pinto. "I have to ask you something."

"Tungkol saan?"

"Kagabi...I witness something that I can't really comprehend." Napailing-iling ito saka tumingin sa kaniya nang may pagbabanta. "Anong ginawa mo kay Kevin?"

"Nakita mo kami kagabi?" usisa niya na nabuhayan ng loob. "Anong nakita mo?"

"I really dont know." Muli ay marahan itong umiling. "Now, Im not really sure kung panaginip ba ang nakita ko, kasi hindi mo naman iyon magagawa, 'di ba?"

"Anong ginawa ko?" Kumunot ang kaniyang noo.

"I saw you last night with Kevin, sa park ng hospital," may diing pahayag nito. "Sinugatan mo ang binti niya at may ibinuhos kang kung ano. Its bright and shining red....Kevin looks like he is in great pain." Tumingin na ito sa malayo at napuno ng pagkalito ang mga mata. "But then, I dont know what happened...kasi nagising na ako sa room ni Mom."

"Ha?" Mas lalo pa siyang naguluhan sa huling sinabi nito. "Your mom?"

"Naka-confine din siya sa ospital na ito," tugon nito na napasapo na sa ulo. "Its a dream, right? Kasi, I remember... flight niya kahapon papuntang US," tila unti-unti namang nawala ang focus sa mata nito.

"Flight nino?" laking pagtataka niya.

Saglit itong natahimik at natulala saka nito binuksan ang pinto. "I have to go. Baka hinahanap na ako ni Mom."

Paglabas nito, agad din siyang humabol. "Sandali lang, Marky!?"

Pero hindi na ito lumingon at tuloy-tuloy na naglakad. Saka naman niya napansin si Angelo na kinawayan si Marky, ngunit hindi rin ito inintindi ng lalaking iyon.

"What happened to him?" tanong ni Angelo.

Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy ang paglalakad. Kailangan niyang mahanap si Kevin ngayon. Kailangan niya itong makausap.

"Woah. Sandali." Pagpigil ni Angelo sa kaniyang braso. "Saan ka pupunta?"

"I have to go." Agad niyang inialis ang kamay nito. "Bakit ka ba nandito!?" 'Di niya sinasadyang pagtaasan ito ng tono kaya medyo na-guilty siya at huminto muna.

"I dont know." Umangat ang parehong balikat nito. "Sabi ni Mila, mauna na muna ako rito kasi bibili pa sila ng coffee. Eh, ikaw?"

Saglit siyang napaiwas ng tingin na nag-isip pa ng maidadahilan. "Ah, magbi-breakfast sana ako. Sa--sa cafeteria."

Napangiwi ang lalaki. "Ewww. Ang pangit kaya ng pagkain sa ospital. Hintayin mo na lang sina Mila. Im sure, may dala ang mga iyon."

Hindi naman siya nagpatinag. "May kailangan kasi akong kunin. Saglit lang ako."

"Sandali!" pahabol nito na muli siyang hinawakan sa braso. "Pinagbilin ka sa amin ni Prof, that's why, I have no choice but to protect you. You're like my twin sis, right?"

Ngumiti ito at halos umabot sa mata kaya hindi na masiguro ni Cassy kung seryoso ba ito o nagbibiro lang.

"What?" Tumaas pa ang isang kilay niya.

Napabulanghit naman ito ng tawa at binitiwan na siya. "Joke lang naman! Ikaw, Faye, 'di ka na mabiro."

Agad tumambol ang puso ni Cassy dahil sa pangalang narinig. "Anong...tinawag mo sa akin?"

Patuloy pa rin ito sa pagtawa. "Hindi. Kasi, I promised Kevin na bantay-sarado na kita mula ngayon."

"Anong tinawag mo sa akin, Angelo!?" mariing pag-uulit niya habang nagsisimula nang mangilid ang luha.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon