Tatlumpu't Tatlong Panaginip

31 7 0
                                    


Matapos maihatid si Cassy sa mesa, magalang na nagpaalam si Mr. Francisco na may kailangan pa raw tapusin. Nakangiti nang magpasalamat dito si Professor Aguirre at Mrs. Enriquez. Nang sumulyap si Cassy habang papaupo siya sa katapat na si Mila, mahahalatang iritable ito base sa pasimpleng pag-irap nito. Sa kabila n'on, nagpilit pa rin ito ng pagngiti sa kaniya, kaya nagtanong na lang siya kung paano ito nakarating agad. Inihatid daw ito ni Angelo na saglit umalis sa bar after ng first set ng pagtugtog nito.

"Kasama mo pala siya? Why didn't you invite him?" tanong ng ina nito.

"Kailangan niyang bumalik agad para sa next set nila," tugon ni Mila na dinampot ang wine glass sa harap nito. "If I'd known na papunta rin dito si Cassy, hindi ko na sana siya inistorbo."

"I'm sorry. Nawala kasi sa isip ko ang tungkol sa dinner na ito," paliwanag niya

Ngunit plastic na pagngiti lang ang ibinigay nito. "You dont need to worry about it."

Sa gitna ng dinner, kinumusta siya ni Mrs. Enriquez patungkol sa buhay niya sa states. Isinagot lang niya ang mga bagay na sinabi ni Professor Aguirre nitong mga nakaraang araw, na anak siya ng pinsan nitong isang single mother at nandito siya sa bansa to take care of her mental health. Kaya nga raw, pareho nilang kailangan ang isa't isa para makapag-cope up sila.

Which is bullsh*t. Bakit dinamay pa niya ako sa kabaliwan niya?

Pero siyempre, hindi niya puwedeng sabihin ang bagay na 'yon. Wala siyang choice kung di ang sumakay sa mga trip nito.

Paminsan-minsan ay kinakausap din siya ni Mila pero ramdam niyang walang sincerity 'yon at napipilitan lang ito para sa mga adult na kasama nila. Medyo nadismaya siya sa inaasal nito, kaso, wala naman siyang magagawa. Kung nandoon lang siguro siya sa tunay niyang mundo, hindi niya hahayaang itrato siya nang ganito ni Mila. Baka nga nasampal pa niya ito. Ngunit hindi niya 'yon puwedeng gawin ngayon. Kailangan niyang magtiis at makibagay hanggang nandirito siya.

Sa kabila nito, hindi niya maiwasang mapatitig sa babaeng kamukha ng ina. Mas lalo tuloy niya itong nami-miss. Ngayon, mas lalong tumitindi ang pag-aalala niya sa kalagayan nito. Gusto na niyang alamin kung ano na kayang nangyari sa ina magmula noong umalis siya. Kung nasa maayos na ba itong kalagayan. Pero hindi naman maaari. Pinigilan na lang niya ang pangingilid ng luha sa pamamagitan ng saglit na pagtingala.

Kasalanan niya ang lahat. Hindi sana siya maliligaw rito kung hindi niya hinangad ang masamang balak. Umpisa pa lang, dapat na-realize na niya ang posibleng mangyari sa kaniya. 'Di tamang nagtiwala siya at natuwa na nagagawa niyang makapaglakbay sa pamamagitan ng mga panaginip.

Habang umiinom sila ng wine na kasi-serve lang ng waiter, nabanggit ni Mrs. Enriquez si Kevin. Nagpipilit man ito ng ngiti, 'di pa rin maikakaila ang lungkot sa mga mata nito. Halatang nasasaktan ito sa ginagawang paglayo ng anak. Nakakalungkot daw na marami itong natutulungan, pero sa sarili nitong anak, wala itong magawa.

"I wish I could do anything for him," pahayag nito habang pinapaikot na ang alak sa hawak nitong wine glass. "Kung puwede ko lang ipalit ang buhay ko kay Faye, gagawin ko."

"Mom, Stop it!" pagsuway ni Mila na tumaas ang tono. Pasimple rin itong sumulyap sa kaniya at kay Professor Aguirre, at mahahalatang bahagya naman itong nagsisisi sa inasta.

"Im sorry. I shouldn't have said that," sabi nito sa kanilang lahat.

"Naiintindihan ko naman kayo, Chairwoman. Lahat naman tayo, kayang gawin ang kahit na ano para sa ating mga anak," tugon ni Professor Aguirre saka lumingon sa kaniya. "Hindi mo kailangang mag-alala."

Nang matapos ang dinner, isinabay na sila nito pauwi dahil sa sa iisang subdivision lang naman sila nakatira. Sa maluwag na luxury van, kahilera niyang nakaupo si Mrs. Enriquez, habang si Mila, katabi nito sa dulo, nakapikit na at nakapaling ang ulo sa bintana. Nasa front passenger seat naman ang ina ni Faye katabi ang driver, na abala sa hawak nitong phone.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon