***
Pagkahinto ng kotse sa tapat ng gate ng bahay ni Professor Aguirre, nagmadali na siya sa pagbaba. Ni hindi na niya isinara ang pinto dahil gusto niyang agad makalayo kay Marky. Eksaktong pagtayo niya sa labas ng gate, may nag-beep mula sa bag niya at kusa na itong bumukas, kaya't tumakbo na siya papasok sa loob nang hindi lumilingon sa pinanggalingan.
Kahit basang-basa na siya ng ulan, wala na siyang pakialam. Laking pasasalamat niya at walang traffic at nakarating siya agad sa bahay. Pagpunta niya sa tapat ng pinto, muling may tumunog, kasunod ang pagbubukas nito. Binuksan niya tuloy ang bag para alamin kung anong mayroon. Pagtingin niya, naka-open ang screen ng AI phone sa app na mukhang connected sa security doors ng bahay.
Wow.
At this point, hindi niya malaman kung dapat ba siyang magpasalamat kay Kya o ano. Naka-mute pa rin ito kaya 'di niya marinig ang modulated at may pagka-conyo nitong boses, na parang kolehiyalang Gen-Z.
But whatever it is, she's just thankful na nakalayo siya sa version ni Marky sa mundong ito. Actually, pinagmukha niya nga itong baliw sa harap ng papa ni Lia. Paulit-ulit siyang tumanggi sa pinagsasabi nito. Nagpilit pa siya ng pagtawa para mas makatotohanan ang akting niya. Pero ang sabi ng lalaki, babantayan daw nito ang bawat kilos niya.
The heck I care!
Okay, he's just another person na dapat niyang taguan at layuan.
Saglit niyang pinagpagan ang sarili pero wala namang nangyayari dahil basa pa rin naman siya, kaya napagdesisyunan niyang umakyat na sa second floor, sa room ni Faye na kasalukuyan niyang ginagamit. Pagdating niya sa itaas, natigilan siya sa nadaanang pinto. Kuwarto 'yon ni She.
Kailangan ko na talagang makagawa ng paraan para makabalik sa amin.
Biglang nagliwanag ang mata niya nang magkaroon siya ng 'wild idea'.
What if...hanapin ko 'yong libro na binabasa niya last time?
Saglit niyang inilapag ang bag sa gilid, saka niya hinawakan ang doorknob at ipipihit na sana 'yon nang may maalala.
That's a diffrent language, paano ko 'yon mababasa?
Then she remembers Kya.
Right, I can translate it!
Napangiti si Cassy habang nananabik na buksan ang pinto. Hindi niya alam kung bakit hindi 'to naka-lock, pero hindi na niya problema 'yon. Pumasok na siya sa loob at agad dumiretso sa simpleng bookshelf nito na gawa sa kahoy na walang pintura. Its really unexpected na puro libro ang makikita sa silid nito, imbes na voodoo dolls. Hindi naman sa hinuhusgahan niya si She, pero 'yon ang vibe na ibinibigay nito.
Sinimulan na niyang maghanap sa hilera ng mga librong halos sakop ang kalahati ng pader. Alam niyang hindi siya dapat mahirapan dahil sa pagkakatanda niya, napakalaki ng libro na 'yon.
Ang kaso, nakakapagtakang wala siyang makitang ni isang malaking libro dito. Puro katamtamang laking textbook o 'di naman kaya ay 'yong mas maliit. Tumingala siya para tingnang maigi sa bandang itaas, o kahit sa dulo. Habang naglalakad nga siya ay pinadausdos niya ang daliri sa spine ng mga libro, na nakasanayan na niyang gawin nitong nakaraan.
Pero wala.
Wala siyang makita.
Muli lang siyang napatungo nang may mapansing nakasisilaw na bagay sa bandang ibaba. Nag-squat siya para alamin kung ano 'yong kumikinang sa pinakaibaba ng shelf. Para siyang malakas na ilaw ng maliit na LED light na naglalabas ng bluish-white color. Sinilip niya kung ano 'yon hanggang sa mapagtanto niya na ang liwanag ay galing mismo sa pinakaloob ng hilera ng mga libro sa ibaba.
BINABASA MO ANG
In Another Dream: The Other Side of the Parallel
ParanormalAng buong akala ko, tapos na ang kuwento na ito... pero, nagkamali ako... Hindi kasi inaasahan, muli na namang lumikot ang aking imahinasyon. Biglang may ipinasilip ang aking balintataw. Mistulang may ibinulong ang aking isipan. Isang malaking pala...