Ikalabing-Limang Panaginip

35 8 0
                                    


Makailang-ulit pumikit at dumilat si Cassy para sanayin ang mga mata, hanggang sa makita na niya kung nasaan siya.

Pero...nandito pa rin naman siya sa university park?

Nakatayo siya sa tapat ng canopy at dinadaan-daanan ng ibang estudyante. Lumingon-lingon pa siya sa paligid. Normal naman ang ingay na sumalubong sa kaniya--ang pagtatawanan, biruan at pakikipagkuwentuhan ng mga kaedaran niya habang nasa free time. Ang kakaiba lang dito, hindi na umuulan. Sigurado siya roon dahil pagtingala niya, kitang-kita niya kung gaano kalakas ang sinag ng araw na naroon sa gitna ng kalangitan.

What is this?

Part two ba ito ng nagawa niya kagabi?

Hindi na siya para magulat pero nakakapagtaka pa rin.

Napagdesisyunan niyang maglakad-lakad dahil kung tama ang hinala niya, baka may ma-meet siyang ibang version ni Mira dito.

Habang naglalakad, hindi niya maiwasang mapatingin sa buong kapaligiran. Halos kamukha pa rin ito ng university nila, medyo may nag-iba lang sa kulay at architectural design ng mga building. Ganoon pa rin naman ang mga pathway. Medyo may kaibahan man, ganoon pa rin ang vibe.

Pero, bukod doon, ano pa kayang naiiba sa 'mundong' ito?

Napuntahan niya na rin kaya ito? Hindi niya masiguro. May mga pagkakataon kasi na nababalikan niya ang ibang mundong napupuntahan niya. Katulad doon sa mature version niya na isang military. Napaka-dramatic n'on at puno ng action, kaso hindi niya gaanong inalala ang ibang nangyari. Hindi naman kasi gaanong kaimportante.

Maybe for them, but not for her.

I dont give a f*ck. Im just glad Im not living their lives. 'Cause that would really suck.

Umikot ang mata niya nang ma-realized kung kaninong mundo ito.

Tsk.

Nandito siya mismo sa mundo ng kinaiinisan niyang couple. Ilang metro pa ang layo niya, pero kilalang-kilala niya ang likod ng mga ito, lalo na 'yong ulo ng lalaking kulay ash brown ang buhok. Ang malakas na pagtawa nito, ang exaggerated na paggalaw ng balikat at mga braso nito habang nagsasabi ng mga korning jokes tungkol sa pagong.

Lalapit sana siya kasi gusto niyang makita kung sino ang baliw na girlfriend nito at baka kilala niya. May hinala siyang baka kamukha rin niya, kaso may mga pagkakataong sa iba'i ibang universe, hindi pa nagkakatagpo ang mga version nila ni Jacob.

Sa kaniyang paghakbang, bigla na lang kumabog ang dibdib niya nang may makasalubong. Napaatras si Cassy at halos mawalan ng hininga nang makilala ito.

"D-daisy?" usal niya habang nanlalaki ang mata.

"Faye, how did you know my nickname noong bata pa ako?" balik-tanong ng babaeng may stylish na pananamit, ibang-iba sa simpleng shirt at pants na madalas nitong isuot noon.

Noong nabubuhay pa ito.

Imposible!

Imposibleng makaharap pa niya si Daisy. Member ito ng volleyball team at isa sa malapit nilang kaibigan ni Mira. At kasama ito sa namatay nang maganap ang tragic bus accident last year.

"Faye, are you okay?" Tinapik nito ang braso niya kaya muli siyang napaatras.

This is just a dream. A product of her mind. Hindi siya dapat mag-panic. Humugot siya nang malalim na paghinga.

"I'm fine," simpleng tugon ni Cassy.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? At ano 'yan? Naka-wig ka ba?" muling tanong ng babae.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon