***
Sa kahabaan ng may kadilimang koridor, mabagal ang paghakbang ni Cassy habang naguguluhan. Palingon-lingon siya sa magkabilang daan, napapaisip kung anong ginagawa niya sa lugar na ito. Pakiramdam niya, parte ito ng unibersidad, pero may kakaiba siyang napapansin sa paligid. Malamig ang atmospera at may kung anong sumusulasok sa kaniyang kalamnan-- hindi lang kaba kung 'di labis na pagtataka.
Maging ang hangin, mistulang may ibinubulong sa kaniya--na hindi siya 'welcome' dito.
Alam niya, isa ito sa mga weird na panaginip niya. Huminto siya sa kalapit na bintana. Sinalat niya ang gilid ng glass panel--makinis at gawa nga sa salamin. Itinuktok pa nga niya ang kaniyang mga daliri. Ang ingay na narinig niya ay tulad sa eni-expect niya, tunog ng salaming babasagin.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon, but still, she couldn't help but wonder, bakit parang totoo ang mga nakikita niya? Nagagawa pa nga niyang hawakan ang mga ito.
At bakit alam niyang nasa loob siya ng isang panaginip?
May narinig siyang yabag sa bandang likuran kaya agad siyang lumingon doon. Isang pamilyar na bulto ng papalayong lalaki ang nakita niya. Base sa haba ng buhok at sa pangangatawan nito, nasisiguro niya kung sino.
"Jacob!" pagtawag niya at awtomatiko na ang kaniyang mga paa sa pagtakbo. Umalingawngaw sa koridor ang ingay na nililikha ng suot niyang itim na heels.
Agad ding nawala ang lalaki sa paningin niya dahil may nilikuan ito. Nagpatuloy lang siya hanggang sa makarating doon. Napatingala siya at napansing isa 'yong men's room. May narinig din siyang sumisigaw sa loob pero hindi siya nagpatinag at nagpatuloy sa pagpasok.
Bumungad sa kaniya ang kakaibang eksena.
"Who do you think you are para makialam!?" bulyaw ng lalaking naka-cap, habang hawak ang buhok ng isang babaeng may napakahaba at maalong buhok. Hindi pa ito nakuntento at kinaladkad ang babae sa pinakamalapit na balde na naglalaman ng maduming tubig--'yong ginagamit sa pang-mop.
Kaagad napasapo sa bibig si Cassy nang mariing ingudngod ng lalaki ang babaeng hawak nito sa nanggigitatang tubig. Umapaw ang laman n'on at nagtalsikan sa lapag. Nang iangat ng walanghiyang lalaki, walang magawa ang naturang babae kung 'di ang mapaubo, at humawak nang mahigpit sa braso ng lalaking nangha-harass dito.
"Angelo, stop it!" pagtili ng isa pang babaeng nasa sulok. Gulo-gulo ang buhok nito, hindi na rin maipinta ang make-up sa mukha. Sa kabila ng mababanaag na takot sa mata nito, pinipilit nitong bumuwelo para siguro matakasan ang nagwawalang lalaki.
Nang inakala nitong nagkaroon ito ng pagkakataon, agad na itong kumilos. Pero doon pa napalingon ang lalaki na binitiwan na 'yong isang babae, para ito naman ang hablutin ang buhok.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!" bulalas ng lalaki na ngayon niya lang napagmasdan nang maigi.
Halos malaglag ang puso ni Cassy nang makilala ito. Bigla ring nanginig ang mga tuhod niya. Napakadilim ng ekspresyon nito na mukhang ano mang oras, handang-handa na itong pumatay ng tao. Ngayon niya lang nakita na magalit ito nang ganito, kaya nasisiguro niyang may mali talaga sa panaginip na ito.
Pamilyar din 'yong dalawang babae, lalo na ang babaeng basang-basa na ang kulot na buhok, pero kataka-takang nakalingon na sa direksyon niya. Ang suot nitong uniporme, gaya rin ng sinusuot ng mga tagalinis sa university nila.
Sa kabila ng komosyon ng pakikipagtalo ng lalaki roon sa isang babae, hindi mapigilan ni Cassy na lumapit sa babaeng nakatingin sa kaniya.
"Nakikita mo ako?" usisa niya.
BINABASA MO ANG
In Another Dream: The Other Side of the Parallel
FantastiqueAng buong akala ko, tapos na ang kuwento na ito... pero, nagkamali ako... Hindi kasi inaasahan, muli na namang lumikot ang aking imahinasyon. Biglang may ipinasilip ang aking balintataw. Mistulang may ibinulong ang aking isipan. Isang malaking pala...