Ikalimang Panaginip

47 8 0
                                    

Pagpapatuloy...

Nalipat ang tingin ni Cassy sa babaeng katapat. "What do you mean, wala?"

"Wala na siya, because she retired early," pahayag ni Caleb na hindi naman nakatingin sa kaniya.

"She retired? Bata pa siya, ah?" laking pagtataka niya.

"Health problems," muling wika ng kapatid na muling kumuha ng toast at eggs sa katapat nitong plato.

"Is she okay?" Bigla naman siyang nag-aalala.

"Of course, she is. Naalagaan siya roon ng pamilya niya. Nothing to worry about," tila paniniguro ng kakambal na ngayon lang siya nilingon. "Bilisan mo ng kumain at baka ma-late tayo."

Hindi naman siya mapalagay sa isinagot nito. Pakiramdam niya, may kung ano itong itinatago. Habang kumakain nga ay nakabaling pa rin siya sa kapatid.

"Pero, Boss Caleb. Saan ang punta ni Miss Cassy?" Narinig niya ang ibinulong ni Kuya Peter. May pagtakip pa ito ng bibig pero nakatingin naman sa kaniya.

"Sa university. Bakit?" ganting bulong din ng kapatid.

"Ah talaga? Akala ko, may photoshoot siya, eh?" pahayag nito na agad ding pumormal sa pagkain nang samaan niya ng tingin.

***

Napapanguso si Cassy habang naglalakad sa hallway ng department nila patungo sa una niyang klase. Naiinis pa rin kasi siya dahil pinaalis ni Caleb ang suot niyang mascara. Pinabawasan nga rin nito ang eyeshadow sa mata niya. Muli niyang kinuha ang salamin sa bag. Napapadyak siya dahil nawala na 'yong 'smokey effect' sa mata niya.

Kung minsan talaga, nakakaasar din ang pag-astang tatay ng kapatid niya. Porket mas matanda ito sa kaniya ng ilang minuto. Bata pa lang, ay ganito na ito sa kaniya. Kaso, nakakapagtaka lang kasi bago sila maghiwalay kanina, parang may gusto itong sabihin, pero hindi nito masabi.

Ano naman kaya?

"Haist!" Inis siyang napabuga sa hangin nang maalala na may kailangan pa pala siyang gawin. Kinuha niya ang phone sa bulsa ng bag at muling kinontak ang number ni Lianne. Mabigat ang naging pagpindot niya sa screen na agad niyang inilagay sa tainga.

Sinabihan kasi siya ni Caleb na kausapin sina Lianne at Marky para makapag-sorry. At bilang masunuring kapatid, kailangan niya itong sundin. Ang kaso, hindi naman sinasagot ng babaeng 'yon ang phone nito. Makailang-ulit lang na nagri-ring sa kabilang linya, pero wala.

Mabilis na siyang humakbang saka lang niya napansin ang ibang estudyanteng napapalingon sa kaniya, tapos biglang magbubulungan sa isa't isa.

Anong problema nila?

Hindi na niya inintindi pa ang mga ito. Wala naman siyang pakialam sa opinyon nila.

Why would she care? Sino ba ang mga iyon sa buhay niya?

"Ibalik mo na kasi sa akin ang phone ko!"

Napalingon si Cassy kina Lianne at Marky na papaakyat sa hagdan at mukhang naghaharutan. Iniaangat ng nakangising lalaki sa ere ang hawak na phone, na pilit namang inaabot ni Lianne.

"Hey!" pagtawag niya kaya agad nalipat ang tingin ng mga ito sa kaniya.

Paglapit ni Cassy, agad nagliwanag ang mukha ni Lianne, habang ang boyfriend nito, biglang sumama ang ekspresyon sa kaniya. Hindi na nakakagulat. Kaya naman pala hindi masagot ng babae ang tawag niya.

"Cassy, totoo ngang bumalik ka na sa university?" tanong ni Lianne.

Bigla namang humarang sa kanila ang boyfriend nito. "Ano na namang pang-iinsulto ang sasabihin mo sa amin?"

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon