Tatlumpu't Anim na Panaginip

25 7 0
                                    


***

Kagat-kagat ang daliri, halos wala sa sarili si Cassy habang naglalakad sa university. Buong umaga na siyang ganito, natutulala at tinatangay sa malayo ang isipan. Kagagaling lang niya sa klase na 'di nga siya sure kung anong subject. Hindi rin siya sigurado kung klase niya ba talaga 'yon. Muli na naman niyang hinanap si She pero dahil hindi niya pa rin ito nakikita, may palagay siyang hindi pa rin ito nakakabalik.

Pero, bakit ba wala pa rin siya? Ilang araw ba siyang mag-i-stay sa probinsyang pinagbo-volunteer-an nila?

Kailangan na talaga niya itong makausap patungkol kay Haliah. Masyado na siyang nag-aalala at pakiramdam niya, bawat araw ay palala nang palala ang sitwasyon niya.

Napatingala siya nang ma-realize na nasa tapat na pala siya ng admin building. Papunta kasi siya ngayon sa gym kung saan malapit din ito. Naroon kasi gaganapin ang badminton tournament ni Adele kung saan may makakalaban ito mula sa ibang university. Hindi man niya gustong pumunta, pero alam niyang kailangan niya ng kahit anong bagay na magdi-distract sa kaniya sa lahat ng nangyayari.

Napasuklay siya sa kaniyang buhok at ipagpapatuloy na sana ang paglalakad nang may mapansin. May pumarada kasing itim na kotse sa tabi at lumabas doon si Dra. Lucille Ocampo. May bumaba rin mula sa driver's seat at nakangiting kumaway sa babae.

"Bye, Babe. Susunduin kita mamaya, okay?" pahayag ng lalaking may buzzcut na hairstyle na biglang napalingon sa kaniya.

Napatingin din tuloy sa kaniya ang doktora. "Faye--ah...I mean, Cassy." Nagpilit pa ito ng pagngiti.

"Hi, Cassy?" alanganin ang pagbati ng lalaking kapatid ng bersyon ng mom niya sa mundong ito, si Dave,

Alanganin din siyang bumati saka bumaling sa doktora. "Kasama n'yo na bang nakabalik si She?"

Marahang nagsalubong ang kilay ni Dra. Ocampo. "Oo. Idinaan namin siya sa dorm--"

Hindi na niya ito pinatapos dahil patakbo na siyang umalis patungo sa likod ng unibersidad. Sumalubong sa kaniya ang malumanay na hangin, at ibang mga estudyanteng napapatingin dahil sa paghangos niya. May kalayuan ang dormitory ng mga scholar, kaya alam niyang ilang minuto pa ang bubunuin niya sa pagtakbo. Posibleng hindi na niya maabutan pa si She. Puwede rin namang, makasalubong niya ito.

Pagdating niya roon, wala ng tao sa maliit na silid na batid niyang inuokupa nito. Inis siyang napasabunot sa buhok dahil sa pagkadismaya sa sarili. Naalarma siya nang mag-vibrate ang phone niya. Agad namang sinabi ni Kya na nag-message sa kaniya si Lily. Malamang hinahanap na siya ng mga ito kaya minabuti na lang niyang bumalik sa gym.

Matapos ang ilang minutong pagkahingal na wala namang kinahinatnan, saglit siyang nagpahinga sa bench na nadaanan malapit sa entrance ng gym. Pawis na pawis na siya pero mas nangibabaw sa kaniya ang pagkauhaw. Mabuti at marami ditong hilera ng mga vendo machine kaya lumapit siya sa isa sa mga iyon para makabili. Mineral water lang ang pinili niya at nang malaglag iyon sa baba, yumuko na siya para kunin iyon. Pagtayo niya, muntik na naman siyang mapatalon dahil sa bultong lumitaw mula sa malabong reflection ng salaming harang ng vendo.

Inis niya itong hinarap nang agad makilala. "Tinakot mo ako!" Muntik na nga niya itong mabato ng hawak niyang bote. "Anong problema mo? Buong araw mo na naman ba akong babantayan?"

"Bakit mo hinahanap si She?" usisa ni Kevin na bumalik na sa pagpupunas sa mga vendo sa gilid.

"Pakialam mo?" pagsusungit ni Cassy.

"Mag-pinsan kayo, pero hindi mo alam kung nasaan siya," tila parinig nito habang abala pa rin sa hawak na basahan.

"Ano ngayon sa 'yo? Hindi naman kami close," pagdadahilan niya na binuksan na ang hawak na bote saka siya lumagok.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon