Dalawampu't Limang Panaginip

31 8 0
                                    


Hindi naman siya nagpatinag at agad binawi ang braso. "Sandali. Bakit ako sasama sa inyo, ni hindi ko nga kayo kilala?"

Muntik na siyang mapatalon nang biglang sumigaw ang dalawa.

"Konnichiwa! Im the loveable Adele, the wind defier!" Pumorma pa ito ng peace sign pagilid.

"Annyeong! Im Lilybeth, Lily na lang for short!" confident na pagpapakilala nito na bigla pang ikinaway ang dalawang kamay.

"Kinausap na kami ni Professor Aguirre about your enrollment, Cassy," dagdag ni Adele.

"Alam n'yo ang pangalan ko?" kunot-noong tanong niya.

"Yes, and sabi niya, i-tour ka raw namin," wika naman ni Lily.

"Hindi na kailangan. Hindi ako para maligaw," pagtanggi ni Cassy. "At paano n'yo naiisip na sasama ako sa inyo, after ng ginawa n'yo kay Lia?" Napalakas ang tinig niya pero wala na siyang pakialam pa.

Nagkatinginan ang dalawa saka biglang bumulanghit ng tawa habang nakahawak sa tiyan.

"Anong nakakatawa?" Napalingon siya dahil may ibang tao mula sa kabila na napapasilip sa kanila.

Sinaway lang ito ni Lily, "Dont mind us. Bumalik kayo sa pag-aaral n'yo, okay?"

Parang bula namang biglang naglaho ang mga ito.

"Hindi ko alam na close ka pala kay Lia?" Nag-iba na ang tono ni Aida na ngayon ay napakibit-balikat. "Seriously? You really trust that pathological liar?"

"Pathological liar?" usal ni Cassy na napakunot-noo.





***

Tatawa-tawa pa rin ang dalawa habang palabas sila sa administration building. Wala siyang tiwala kina Adele at Lily pero sumama pa rin siya nang sabihin ng mga ito na hinihintay siya ni Mila. Sa kabila ng ginawa nito kay Lia, gusto niya pa rin itong makita.

"Dont tell me, umalis ka kahapon kasi akala mo, gagawin namin sa 'yo ang ginawa namin kay Lia?" pang-aasar ni Lily.

"Of course not!" pagtanggi ni Cassy na inilihis ang mata.

"'Wag kang mag-alala, we cant do that sa carbon copy ng leader namin." Tinapik-tapik ni Adele ang balikat niya, pero dumiretso na naman ang kamay nito para paglaruan ang buhok niya.

Bahagya siyang napapaatras dahil sa ginagawa nito. Naiirita na kasi siya sa trip nito.

"We did that, 'cause that's what she deserved. Tinuruan lang namin siya ng leksyon," paliwanag ni Lily.

"Kahit pa anong ginawa niya, wala kayong karapatang saktan siya," pagmamatapang ni Cassy sa kabila ng kasabay niyang maglakad ang dalawa. Nakabantay nga ito sa magkabilang gilid na parang guwardya.

"We just hates her guts because she's a lier, a great manipulator, a seducer, a pretentious socialite," mariing pahayag ni Lily na nawala na ang pagkakangiti.

"Right," pagsang-ayon ni Adele. "Gaya ng palaging sinasabi ni Faye, she's a social climber who doesn't know her place."

Dumagundong ang puso ni Cassy nang maalala ang eksaktong pangungusap na sinabi niya rin tungkol kay Lianne. Medyo naguguluhan siya. Sa mundo bang ito, totoo ang bagay na 'yon tungkol kay Lia?

"Dont trust her angelic face. She's cunning," pagbabala ni Lily na lumingon pa sa kaniya.

Mariin din siyang tinitigan ni Adele kaya napahinto siya sa paghakbang.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon