Pagpapatuloy...
Nasa tapat si Cassy sa salamin ng tokador, pero nakakapagtakang hindi niya makita ang sariling repleksyon. Iginalaw-galaw niya ang kamay, ngunit wala pa rin siyang makita roon.
Kaagad siyang napatakbo sa dulo ng silid nang marinig niyang bumukas ang pinto. Dahil sa takot niya, sinubukan niyang magtago sa gilid ng kabinet.
Pagsilip niya sa bagong dating, naroon ito at naupo sa gilid ng kama. Nakatalikod ito sa kaniya kaya kapansin-pansin ang kulot nitong buhok na nakatali. Ilang sandali itong tumitig sa magkabilang kamay, na para bang may hinihintay itong mangyari doon.
Kaagad napasapo sa bibig si Cassy nang makitang lumagablab ang mga iyon. Pero nakakakilabot na parang hindi man lang ito nasasaktan. Hindi kasi nito ipinagpag ang kamay at patuloy lamang iyong pinagmamasdan.
Baliw ba siya? Anong ginagawa niya?
Pero teka, saan galing ang apoy na iyon?
Labis na rin siyang namangha ng mga oras na 'yon. Nagpa-practice siguro ng magic tricks ang babae. Baka naka-gloves ito na may special feature laban sa init ng apoy. O baka hindi ganoon kainit ang apoy?
But, this is a dream, right? Bakit ba ako nagtago? Looks like, hindi naman niya ako makikita, eh.
Hahakbang na sana si Cassy nang mapansin niyang may tao nang nakatayo sa bukas na pinto. Nakasara iyon kanina, eh. Nakasuot ito ng maluwang na shirt and pants. Typical look of a lesbian.
Who is she? Why does she looks so familiar?
"Weirdo ka talaga? Paano mo nagagawa 'yan?"
Lumingon ang babae sa bagong dating saka nito ipinagpag ang kamay, kaya agad ding nawala 'yong apoy.
"Wala kang nakita," usal pa nito.
"Ha? Anong wala akong nakita?" Biglang nairita ang babaeng umirap pa. "Ang kapal mo rin para hindi makinig sa akin. Hindi ba sinabi ko sa 'yo na 'wag kang lalabas ng kuwarto mo? Hinimatay tuloy si Princess nang makita ka. Akala siguro niya, nakakita siya ng maligno!"
"Pasensiya ka na. Gusto ko lang uminom ng tubig," turan ng babae.
Muling kumabog ang puso ni Cassy dahil ngayon, nakalingon na sa kaniya ang babaeng iritable kanina. May bahid ng pagkatakot ang mata nito habang nakatitig sa direksyon niya.
Nakikita ba siya nito?
Lumingon ang babaeng nasa kama pero wala naman itong ibang reaksyon.
"Patay ka sa akin bukas." Sa kabila ng namumutlang ekspresyon, nakuha pang magbanta ng babaeng nasa pinto, saka ito patakbong lumabas.
Nang muling ibalik ni Cassy ang tingin sa salamin, napansin niya ang kung anong nakalutang na may magkahalong kulay itim at puti. Tumingin siya sa paligid pero ang nakikita niya ay naroon mismo sa kinatatayuan niya.
Anong... ibig sabihin nito?
Sa kabila ng pagtataka, doon pa lang siya nagising.
Nagbalik si Cassy sa kasalukuyan, kung saan narito siya, nakatayo malapit sa malaking bintana. Ipinapatuloy niya ang pag-inom sa mainit na kape habang nakatanaw sa malayo.
Ang weird na napakadetalyado ng mga panaginip niya. But its somehow exciting. Ang maranasan ang tila makatotohanang panaginip katulad n'on, nagbibigay iyon sa kaniya ng kakaibang thrill. Iyon yata ang tinatawag na Lucid Dreaming.
Mula nang magising siya sa coma, ilang beses na siyang nagkakaroon ng mga ganoong klaseng panaginip. Napakalinaw, tumatatak sa isipan niya, at para bang totoo niyang nararanasan. Napakamakatotohanan.
BINABASA MO ANG
In Another Dream: The Other Side of the Parallel
ParanormalAng buong akala ko, tapos na ang kuwento na ito... pero, nagkamali ako... Hindi kasi inaasahan, muli na namang lumikot ang aking imahinasyon. Biglang may ipinasilip ang aking balintataw. Mistulang may ibinulong ang aking isipan. Isang malaking pala...