Ikaanim na Panaginip

62 8 0
                                    

***

Before lunchtime, Cassy decided to visit the gym. Doon kasi sila madalas mag-practice ng volleyball kaya sigurado, nandoon ang mga ka-team niya before.

Ni minsan, hindi nabanggit ni Caleb na binisita siya ng mga iyon pero hindi na siya nagtaka. Most of her so-called teammates were bunch of polymers--mga plastic na kaibigan. Pinakikisamahan niya lang ang mga iyon dahil kay Mira.

Bakit ba, 'yong mga tapat pa niyang kaibigan 'yong namatay roon sa bus accident? Puwede namang sila na lang?

Pagpasok niya, kakaunti lang 'yong tao sa gym. 'Yong iba, busy sa paglalaro ng table tennis, habang 'yong iba, nasa bleachers at naghaharutan. May napansin siyang dalawang babaeng estudyante na nakasuot ng uniform ng team nila, kaya ang mga ito ang nilapitan niya. Nasa bleachers din ang mga ito at abala sa pagkuwentuhan, pero napahinto ang mga ito paglapit niya.

"Excuse me, nakita n'yo ba 'yong team captain ng volleyball team?"

"Hinahanap mo si Ate Julie?" balik-tanong ng isa sa mga babaeng mukhang mas bata sa kaniya.

"Ah, yes," sagot niyang tumango-tango. Siya na pala ang bagong captain? Isa rin 'yon sa plastic sa pinaka-plastic.

"Nasa class pa siguro 'yon. Pero mga 4 PM, pupunta 'yon dito kasi may tryout," sagot naman ng isa na tiningnan pa ang kabuuan niya. "Bakit? Gusto mo ring mag-tryout?"

"Ah...yes," pagsisinungaling niya. "Sige, babalik na lang ako." Tumalikod na siya pero narinig niyang pinag-uusapan siya ng mga ito.

"Ang ganda ng hair niya. Saan kaya siya nagpagawa?" tanong ng isa.

"Pero, pamilyar siya sa akin? Saan ko kaya siya nakita?"

"Baka model siya. Anyway, bumalik na tayo sa ikinuwento sa 'yo ng ate mo. Totoo bang baliw 'yong dating ace player ng volleyball team?"

Natigilan sa paglalakad si Cassy dahil sa narinig. Dating ace player ng volleyball team?

"Oo nga, kasi 'di ba nga, namatay sa accident 'yong anak ng dean last year? Eh, pagbalik daw niya sa university, hayun, sinasabi niya sa buong team na nakikita niya pa rin 'yon, kaya natakot sila."

Kaagad nagpanting ang tainga ni Cassy sa narinig. Anong...sinabi niya?

Nilingon niya ang dalawa at tinitigan nang matalim, pero patuloy pa rin ang mga ito.

"Baka naman, totoong nakikita niya? Malay mo, nagkaroon siya ng third eye or what?"

"Naniniwala ka sa mga ganoon?" Pinagtawanan ng isa ang kausap nito. "Pero, ito pa, ha? May latest tsika si Ate."

"Ano?"

"Nagkaroon ulit ng issue si Ate mong girl bago matapos 'yong last semester. Mantakin mo, stalker pala iyon?" pagkikuwento nito na hinampas pa ang braso ng kaibigan.

"Ha? Paanong stalker?"

"Since first year daw, trip na n'on na sundan-sundan 'yong isa sa janitor ng university."

"Janitor? Hindi na ako naniniwala sa 'yo!" Inirapan na nito ang kausap.

"Huwag ka nga, sabi ni Ate, medyo hot naman daw 'yong janitor. Kaso, ewww pa rin 'di ba?" Umikot pa ang mata ng estudyante.

"So, anong issue niya roon sa janitor?"

"Ah, hindi raw type si ate mong girl kaya sinaksak niya, right in the stomach."

Kaagad nanlaki ang mata ni Cassy dahil sa narinig. "Anong sinabi mo!? I stab Jacob?"

***

Halos maubusan ng kulay sa mukha ang dalawang first year na nakausap ni Cassy sa gym kanina, habang siya kulong-kulo naman ang dugo. Ayaw niyang magkaroon nang mas malaking issue kaya pinilit niyang kausapin ang mga ito sa kalmadong paraan.

In Another Dream: The Other Side of the ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon