PROLOGUE

35.8K 512 10
                                        

This story is work of fiction. The events describe are imaginary, and the characters are fictitious and not intended to represent specific living persons and to the other stories. The events portrayed herein is based on my imagination.

⚠️ Before you read this story, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.

---
PROLOGUE

“Sana matuluyan na iyan,” ani ng isang babaeng paos ang boses.

“Shhh! Baka marinig tayo!” bulong ng kasama niya, nakatitig kay Airleya na wala nang malay at ngayo’y pilit na sinasagip.

“Bakit ba kasi siya lumangoy? Hindi naman siya marunong! Ang tanga talaga!” sigaw ng isa, sabay sabunot sa sariling buhok.

“Mukhang patay na ‘yan,” dagdag ng isa pa.

Walang kahit sino sa paligid ang nagpakita ng awa. Sa halip, lahat ay tila nagdarasal na mawala na si Airleya sa kanilang mundo.

“Airleya, gising ka! Kailangan mong magising!” Isang boses ang umalingawngaw sa dilim.

Hindi… pamilyar ang boses na ‘to. Sino ka? bulong ni Airleya.

“Ako ang tunay na Airleya. Pero mula ngayon, ikaw na ang kikilalanin nilang Airleya Iridessaina Briarlaine, anak ng Count.”

“…Air…leya? Pero hindi ako—”

“Wala nang pero. Ayoko na sa buhay ko. Kaya ibinibigay ko sa’yo ang katawan ko. Mula ngayon, ikaw na si Airleya. Gumising ka na!”

Sa lakas ng tinig, biglang bumalikwas si Airleya mula sa kama na napapalibutan ng makakapal na kurtina. Malalim ang kanyang paghinga. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang sariling dibdib.

“Wait… nasaan ako?!”

Napatitig siya sa kanyang mga kamay, saka sa mahaba at kulot na buhok.

Hindi ito buhok ko… Hindi ito katawan ko!

Agad siyang tumayo at tumakbo sa malaking salamin. Pagharap niya—

“What. The. F*ck.” Nanlaki ang mga mata niya. “Kanino ‘tong katawan?! Bakit nandito ako sa katawan ng napakagandang babaeng ‘to?!”

Napatampal siya sa sarili. Hindi… hindi totoo ‘to… Panaginip lang ba ‘to?

Pero bago pa niya ma-process, bumukas ang pinto. Dalawang babaeng kasing-edad niya ang pumasok, parehong nakataas ang kilay.

Great. May intruders pa.

“Gising na pala ang feeling prinsesa,” ani ng isa, maikli ang buhok.

“Aba’t marunong ka nang tumitig ng matalim,” sabat ng isa, halatang magkapatid sila.

Napairap si Airleya. Fck… Kaya pala iniwan ng tunay na Airleya ang katawan niya. Pero tngina… Ako nga nagpakamatay para matapos na. Ngayon, binigyan pa ako ng bagong buhay?! Seryoso ba ‘to?!

“Hoy, bingi—”

“Shut the hell up.” Malamig ang tono niya.

Nanlaki ang mata ng dalawa.

“W-what—”

“Narinig niyo ako. Don’t act deaf. Get lost.” Kumumpas siya ng kamay, parang reyna na nagpapalayas ng alipin.

Namula ang magkapatid sa inis. Ang kilala nilang Airleya ay mahina at madaling takutin. Pero ang nasa harapan nila ngayon—ibang-iba.

“You—!” pero napatigil sila nang pumasok ang isang lalaki, nasa singkwenta’y singko, may kasama pang isa.

“Dad!” sabay na sigaw ng magkapatid.

“Airleya, mabuti’t gising ka na,” ani ng lalaki, hindi man lang nilingon ang kanyang mga anak na babae.

Airleya… Siya ba ang tatay mo? tanong niya sa isip, umaasang sasagot ang tunay na Airleya. Pero imbes na sagot, kirot sa puso ang naramdaman niya.

Napahawak siya sa dibdib. “I’m fine, Sir,” mahina niyang sagot.

“Air—”

“I said I’m fine,” madiin niyang ulit.

Gulat na gulat ang lahat sa kanyang ipinakita.

“Papunta na ang doctor. Let’s go, Anthony. My daughter is fine,” ani ng Count bago tuluyang umalis.

Pag-alis nila, hinarap niya ang magkapatid. “Oh? Bakit nandito pa kayo? Get. Out.”

Namutla ang dalawa at mabilis na lumabas.

Napahugot siya ng malalim na hininga at napaupo sa sofa.

Argh… mayaman nga kayo, pero ang lungkot ng buhay niyo. Mas miserable pa yata kaysa sa akin.

Habang bumabalik ang mga alaala ng tunay na Airleya, natawa siya.

So… sila pala ang mga stepsisters kong ugly ducklings. At may stepbrother pa ako? Wow. Jackpot.

Huminga siya nang malalim at tumango.

“Fine. I’ll live as Airleya Iridessaina Briarlaine, the Count’s only daughter. Wala nang bawian.”

Sa sandaling iyon, biglang umihip ang malakas na hangin, tinangay ang kurtina ng kanyang bintana. Para sa kanya, iyon ang sagot ng tunay na Airleya.

“I’ll do my best to live as you wish. Thank you… for giving me another life.”

________________________________________

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon