⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.
Chapter XVII
“HINDI SIYA ANG TUNAY NA AIRLEYA! AT ALAM MO YUN RALPHUS!” Sigaw ni lady Aghamora kay Count Ralphus, nasa loob silang lahat ng dining hall. Katatapos lang nilang maghapunan at doon ay hindi pinalagpas ni lady Aghamora na ilabas ang mga salitang gusto niyang ilabas sa Count.
Hindi mapigilan ni Airleya, na hindi kabahan. Lalo pa't kaagad siyang lumingon sa papa niya, na hindi man lang nagawang titigan ang stepmother niya. Na para bang wala itong pakialam.
“Dad! Sobrang laki ng pinagbago ni Airleya.” sulsol pa ng stepsister niya na si Charlestina.
“Hindi ba pwedeng nag-evolved ako? Like from an innocent cub to a wild lion, ganon?” ani Airleya, na pinanatili ang sarili na kalmado. “At saka ginawa ko lang naman ang dapat kong gawin para protektahan ko ang sarili ko. Like duh! Sila na nga ang naging peste ako pa ang gagawing masama.” ang tinutukoy nito ang nangyari kanina sa Imperial Justice.
“Hindi kami naniniwala!” singhal ni Mavietta.
“Bakit sinabi ko ba na maniwala ka?” balik ni Airleya. Lumingon si Airleya sa ama niya, “Kung gusto mong maniwala sa kanila. Hindi ako magagalit. Basta ako malinis ang konsensya ko. Hindi tulad ng iba diyan. Feeling mabait, plastik naman.” dagdag ni Airleya na sinisimulan na naman na paringgan ang apat.
“Huwag—” hindi natapos ni Rune ang sasabihin niya ng magsalita ulit si Airleya.
Nakaturo ngayon ang kamay niya kay Charlestina at Mavietta. “Ang dalawang ito, dalawang beses nila ako tinulak sa hagdan noong 14 years old ako at nong 16 years old ako.” bumaling ang tingin niya kay Rune sabay turo ng kamay niya sa lalaki na nanigas sa kinatatayuan nito. “Ang lalaki namang ito, may pagnanasa ito sa akin. Kamuntikan niya na akong gahasain kung hindi lang dumating ang tagapagligtas ko.” aniya, at sunod na nilingon si lady Aghamora na namumutla sa takot dahil sa akala na baka maniwala ang Count sa anak nito, lalo pa't tunay na anak ito kaysa sa kanila.
Kitang-kita sa mukha ng mga tinuro niya ang gulat at takot sa mga oras na iyon. Pero kahit nakakaramdam na sila ng takot, hindi sila kay Airleya.
“H'wag kang gumawa ng kuwento. Hindi namin yan ginawa sa iyo ang pinaparatang mo! Hindi namin kayang saktan ka! Kapatid ka namin. Dad, h'wag kang maniwala sa kanya. Nasisiraan na siya ng pag-iisip.” ani Charlestina na todo ang pagtatakip sa katotohanan.“Edi wow!” Ngumiti si Airleya sa stepmother niya na titig na titig sa kanya. Mababakas sa ngiti ni Airleya ang galit niya sa babaeng ito. “Ginawa lang niya naman akong katulong ng maraming beses, habang nasa working room ka papa. Ninakaw ang mga gamit na binibigay mo sa akin. At sinampal ng maraming beses at siya lang naman ang tumulak sa akin para malunod ako. Na ngayon ay nag-ra-rant sa harapan dahil nagbago ako. Hah! You're my stepmother you should act as my second mother since that is your job, right father? In-asawa mo ito para maging ina ko? Pero iba ang kinalabasan ng desisyon mo na mag-asawa ulit. Oh! It's already 9, oras na para matulog. Matutulog na ang Disney Princess .” sambit ni Airleya, at iniwan ang lima sa dining hall.
Patuloy sa paglakad si Airleya, hanggang sa makapasok siya ng silid niya.
Hindi niya mapigilang magngalit dahil nanatiling tikom ang bibig ng ama niya. Hindi man lang ito nagsalita.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...