⚠️ Before you read this chapter, please remember that this story is written by a novice author. Although this chapter has been polished, there may still be minor grammatical or typographical errors. Thank you for reading and for your understanding.
CHAPTER XXV
"Sir Exter, Sir Anderson."
Mahigpit ang tono ni Airleya habang nakatingin sa dalawang kabalyero.
"Kung kinakailangan na samahan ninyo ang papa ko sa bawat oras—kahit sa pagtulog o pagpunta niya sa banyo—gawin ninyo. Ang mahalaga, masigurong ligtas siya."
Parehong yumuko ang dalawang knight.
"Yes, My Lady."
Bagama't may maiiwang iba pang mga kabalyero sa Briarlaine, higit ang tiwala ni Airleya kina Sir Exter at Sir Anderson.
Napapikit na lamang si Count Ralphus.
Itinuro pa niya ang sarili na tila hindi makapaniwala.
"Ako ba talaga ang binabantayan ninyo?"
"Pa..."
Binalingan siya ni Airleya.
"Subukan mo lang lumabas ng Briarlaine nang hindi nagpapaalam."
Bahagya siyang ngumiti.
"Lilipad ka talaga pabalik dito."
Napaatras ang Count.
"Ay, grabe ka naman sa ama mo."
Hindi na pinansin ni Airleya ang reklamo nito.
"Aalis na kami."
Isang mabilis na paghila sa renda ang ginawa niya.
Sumulong ang kanyang itim na kabayo, kasunod ang hanay ng mga kabalyero ng Briarlaine.
Habang tinatahak nila ang mga nayon palabas ng kanilang teritoryo, hindi maiwasan ng mga mamamayan ang mapatitig sa kanila.
Nagbubulungan ang mga tao habang pinagmamasdan ang kanilang pag-alis.
"Ngayon ang alis ni Lady Airleya, hindi ba?"
Napatingin si Duke Damian kay Silver habang sabay silang nag-aalmusal.
"Hindi mo ba siya ihahatid?"
Umiling si Silver.
"Nagkita na kami kahapon, Dad."
Ngumiti siya.
"Tatlong taon din ang bibilangin bago kami muling magkakasamang tatlo."
"Sa ngayon, may mga plano pa kami ni Willow rito sa Agracia."
Tumango ang Duke.
"Bago ko makalimutan..."
May inilapag si Lady Selena sa mesa.
"Nakatanggap tayo ng imbitasyon para sa nalalapit na kaarawan ng Second Prince."
Napangiti siya sa bunsong anak.
"Gusto mo bang sumama, Silver?"
"Ito ang magiging una mong pagdalo sa isang malaking pagdiriwang."
"Sure."
Ngumiti si Silver.
"Sasama ako."
Masayang napapalakpak si Lady Selena.
Ngunit agad ding nawala ang kanyang ngiti nang magsalita si Killian.
"Sorry, Mom."
Hindi man lang ito nag-angat ng tingin sa pagkain.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasíaWhen the real Airleya drowned, she surrendered her body to a woman from another world. That woman assumed her place as Airleya, daughter of a Count-a life most could only dream of. Yet what awaits this new Airleya? Will she find joy in this unfamili...
