XXXVIII

3.5K 88 0
                                    

⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Chapter XXXVIII


“MAY MGA KASO na pinapatay at ang mga pinapatay na ito, lahat sila nawawalan ng parte ng katawan nila.” panimula ni Willow, sa pagtitipon nilang lima sa isang lugar kung saan sila lamang lima ang naroon.

“At ang mga parte ng mga katawan na nawawala ay hindi pa nahahanap.” dagdag pa ni Silver.

“Tingin niyo, yung lalaki na hindi natin natalo yung gumawa?” tanong ni Kaan, sa kanila. Ito lang ang iniisip ni Kaan, na kalaban nila na pwedeng gumawa ng karumal-dumal na pagpatay.

“Maybe, pero sa nakikita ko iba ang gumawa. Kahit hindi man siya yung gumawa, kalaban parin siya.” wika ni Prince Teiran, na katabi si Airleya.

“Tama si Ran. Maraming alagad ang fake Emperor. Sa isang tawag lang nito lalabas lahat ng mga alagad niya.  Wala pa siyang balak na ilabas ang tunay niyang pagkatao, kaya ito ginagawa niya, hangga't mahaba ang pasensya niya hangga't nasisiyahan siya sa ginagawa ng alagad niya kahit matalo natin ang alagad niya, wala siyang pakialam kung talo ang alagad niya. After all, gustong gusto niya ang mga pangyayari na may kinalaman sa  kamatayan na hahantong sa  pagkawasak.” mahabang salaysay ni Airleya.

“So, ano ang balak natin? Hahayaan na lang ba natin na maging Emperor siya? Hindi natin kayang pigilan ang mga susunod niyang hakbang. Wala tayong kakayahan na makita ang susunod niyang gagawin. We can't protect the people.” sabad naman ni Silver.

“Kung gagawin natin ang paglabas ng katotohanan tungkol sa fake Emperor. Maniniwala ba ang lahat sa atin, na isa siyang diyos? Na hindi lang lima ang anak ng Theiranmana kundi anim?” sabad ni Willow.

“Ang may kakayahan lang na magpatunay na hindi siya ang tunay na Emperor, walang iba kundi ang tunay na Emperor. Pero sa nakikita ko, malabong mangyari ito. Lahat tayo naghahanap ng impormasyon sa tunay na nangyari, pero walang sagot kung nasaan ang tunay na Emperor. . .Wala man lang clue kung buhay pa ba o hindi siya.” ani Kaan, na magkasalubong na ang kilay.

“Air, may suggestion ka ba?” tanong ni Prince Teiran, sa kanya na kanina pa nag-iisip ng paraan kung paano nila tatapusin ang kalaban.

Huminga ng malalim si Airleya, saka mata sa mata na tinitigan ang mga kasama.

“Kailangan muna nating siyasatin ang pagkatao ng fake Emperor. Alam kong mahirap, dahil wala siyang record sa history, pero subukan natin. At habang ginagawa natin iyon, sakyan na lang natin ang mga ginagawa niya. . . Hindi ako kontento sa sinabi ni Oniev, sa akin. Pakiramdam ko may pinaka importanteng parte na hindi nila sinasabi sa atin, o sadyang wala silang alam, tungkol sa ika-anim nilang kapatid.” nagkatinginan ang apat nang marinig nila ang gustong mangyari ni Airleya.

Bumuka ulit ang bibig ni Airleya, para magpatuloy. “Kung hindi natin kaya basahin ang bawat kilos o makita ang susunod na gagawin niya at wala tayong sapat na kakayahan na protektahan ang mga dapat protektahan sa gagawin niya, ito ang gagawin natin. Gagawin nating mata ang ating mga kapangyarihan para malaman ang nangyayari sa buong Agracia.” nagkatinginan sina Prince Teiran, Kaan, Silver, at Willow, sa isa't -isa bago bumaling kay Airleya.

“Anong ibig mong sabihin na gagawing mata?” tanong ni Silver na hindi maintindihan ang gustong ipahiwatig ni Airleya sa kanila.

“Ang ibig kong sabihin ay, maging isa ang ating kapangyarihan sa elemento na meron ang mundo natin. Kaan, dahil ikaw ang descendants ni Andaru, ang diyos ng araw at apoy, gagawin mong mata ang araw at apoy, at ang init na dala ng araw at apoy rito sa Agracia para malaman ang nangyayari sa buong lupain ng Agracia, ganon din, sa iyo Willow, magiging mata mo ang lahat na sakop ng kapangyarihan mo, lupa, puno, halaman, insekto at hayop sila ang magiging mata mo. Silver, magiging mata mo ang lamig na hatid ng hangin, at ang tubig mo Ran, ang maggiging mata mo, sa lahat ng ilog, sapa, dagat, at sa mga tubig nang Agracia, at ulan. At ang mga mystical creatures na inihandog sa inyo ng mga diyos ang silang magiging katuwang natin sa laban kapag may kalaban sa iba't-ibang bahagi ng Agracia.” paliwanag ni Airleya sa kanila, napatanga ang apat sa ideya na naisip ni Airleya, at hindi nila makakaila na magandang plano iyon habang may iba pa silang pakay gawin.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon