XXXI

4.3K 115 1
                                    


⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Chapter XXXI


"IWAN NIYO na po ako rito!” wika ni Rhodes sa Emperatris, habang pilit na sinasama ng Emperatris ang kaisa-isang kaibigan ng anak niyang si Prince Teiran, sa kanilang pagtakas mula sa lalaki na hindi nila kilala na alam nila ay katulad din ng limang halimaw.

“No, I won't leave you here, Rhodes!” anang Emperatris at inalalayan ang sugatang si Rhodes.

Napakagat ng labi si Rhodes, at hindi napigilang maluha. Mula noon qt hanggang ngayon itinuturing siya na parang anak ng pamilyang Agracia. Lumaki si Rhodes sa Imperial Palace at doon niya naging kaibigan ang second prince. Anak siya ng katulong sa palasyo na namatay sa malubhang sakit at mula noon ang Emperatris na at ang tunay na Emperor ang nag-alaga sa kanya.

“Your Majesty, please leave! Magiging pabigat lang ako sa inyo! Ako na bahala sa kalaban. Pipigilan ko po siya na mahuli kayo ” ani Rhodes at mahinang itinulak ang Emperatris. Humakbang paatras si Rhodes, nang lalapitan siya sana ng Empress Xhenisa.

Imbes sundin ng Emperatris ang gusto ni Rhodes na mangyari, nilapitan parin siya ng buong tapang ng Emperatris at mahinang kinurot sa tagiliran, na parang ina na gustong parusahan ang anak sa mga oras na iyon.

“I should punish you after this. Im the Empress of this Empire and Im the mother of this land. And you are my son. Do you understand, Rhodes?” anang Emperatris at inirapan si Rhodes na nakayuko ang ulo.

Sabay napahinto sina Empress Xhenisa at Rhodes nang makasalubong nila si Iko.

Bago pa man saktan ni Iko ang Empress, at si Rhodes, binalot sila ng malaking tubig na siyang naging harang nila sa itim na kapangyarihan na nasa kamay ni Iko.

Mabilis na bumaling sa buong paligid sina Empress Xhenisa at Rhodes, at doon nila nakita ang dalawang Prinsepi na tumatakbo palapit sa kanilya.

“Tyzon! Teiran!”

Sigaw ng ina nila sa kanilang dalawa na kaagad ay niyakap siya ng mahigpit.

“Kaya pa, Rhodes?” tanong ni Prince Teiran, kay Rhodes ng makita nito ang malaking sugat sa tagiliran, kung saan pinipigilan ni Rhodes ang pagdurugo ng marami.

Tumango ang ulo ni Rhodes, “. . . Im okay.” sagot ni Rhodes.

Tumayo si Prince Teiran, at hinarap si Iko.

“Ako na bahala sa lalaking ito. Dalhin mo ang Empress at si Rhodes sa silid ko, Kuya.” utos ni Prince Teiran kay Prince Tyzon, na kaagad inalalayan si Rhodes.

“Mag-iingat ka.” paalala ng ina ni Prince Teiran sa kanya, bago tuluyan  umalis ang tatlo.

“A-ayoko na! Ayoko pang mamatay!”

“Ayoko pang mamatay!”

Sigaw ng mga kabalyero ng Briarlaine na takot na takot sa tatlong halimaw na hindi man lang nila magawang madaplisan ng kanilang sandata. Kahit ni lumapit ay hindi nila magawa, dahil sa sobrang lakas na meron ang kalaban nila, na wala naman ding pinagkaiba sa kanila dahil anyong tao din ito maliban lamang sa hindi maipaliwanag na kapangyarihan ng mga ito.

Hinihingal ba napahawak ang kaliwang kamay ng Count sa tuhod niya habang ang kanang kamay naman ay nakahawak sa espada. Lumingon ang Count kay Lord Ronan, na tulad din niya ay pagod na rin sa pag-atake sa mga halimaw na hindi nilang mapantayan ang lakas ng nga ito.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon