XXXIII

3.9K 105 0
                                    

⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Chapter XXXIII


WALANG PAKIALAM ang fake Emperor kung natalo man ang kanyang mga alagad na milyong taon na siyang pinagsisilbihan. At mahalaga ay nakagawa ng malaking gulo ang mga ito dahilan masiyahan siya. Sa tuwing nakakagawa siya ng plano na kayang wasakin ang mga bagay o tao na minamahal ng mga kapatid niya at ng kanilang ama kahit pa'y may mga taong tulad din niya ay nakakagawa din ng kasalanan, ay kaya paring mahalin ng mga kapatid at ama niya ang mga ito na hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ng mga ito sa lahat.

Dahil seguro ay siya ang diyos ng pagkawasak? Kaya sa tuwing nakakagawa siya ng gulo ay hindi niya mapigilang maging sumaya. Pero iyon nga ba talaga, ang dahilan?

Habang nakangalumbaba ang Emperor sa harapan ng lamesa, na maraming kailangang basahin na report tungkul sa nangyaring gulo at iba pang mga trabaho bilang isang Emperor, hindi maiwasan ng Emperor na hindi ngumisi, dahil sa naisip niyang plano. Dahilan para tawagin niya ang mga pangalan na ilang milyong taon niya ng hindi binibigkas simula magpanggap siya bilang tao sa maraming taon na iyon hanggang sa maisipan niya nang simulan wasakin ang mundong ginawa ng ama niya at minahal ng kanyang mga kapatid.

“Ilang linggo nang ganyan siya.” malungkot na wika ni Willow kay Silver na dumalaw sa mansion ng Briarlaine para kumustahin ang kaibigan nilang si Airleya, na hindi parin naka-move on sa pagkawala ni sir Ceasar.

Tahimik na pinanuod nina Willow at Silver si Airleya, nasa ilalim ng puno na  inaabala ang sarili sa pag-drawing pero kahit anong guhit nito ay humahantong lang sa pagpunit ng papel.

“Pati ang Count, nababahala na sa pagiging malungkutin ni Leya.” dagdag pa ni Willow, na alalang-alala na sa kaibigan niya na ayaw pang makipag-usap sa kanila. Mas gusto nito na magpag-isa at gumuhit.

“Anong gagawin natin?” tanong ni Willow, sa kaibigan, na kanina pang walang imik.

“. . .Una, kailangan natin tawagin si Kaan, at ang second prince. Let's do something na kayang pagaanin ang pakiramdam ni Leya.” sagot ni Silver.

Nagkatinginan ang dalawa bago tumango sa isa't -isa saka umalis, para puntahan si Kaan.

Kahit anong pag-guhit ni Airleya ng mga damit, o nang mga mukha ng tao na galing sa imahinasyon niya ay hindi niya magawang, burahin sa isipan niya ang mga nawasak na bahay at mga dugo na dumanak sa nilusob ng mga halimaw, lalo na ang mga katawan ng mga tao na parating ginugulo ang isipan ni Airleya.

“Kung maaga lang sana ako nakarating. . . Kung inagahan ko sana ng alis, sana hindi ito nangyari!” galit na wika ng isipan ni Airleya sa sarili, na sinisisi ang sarili dahil sa nangyari.

Walang emosyon na napatitig si Airleya, sa sketch pad niya. Sa sobrang titig niya, hindi niya namalayan na nakatulala siya ng ilang minuto roon.

Huminga ng malalim si Airleya, balisa siya, halata sa mukha nito.

“Lady Airleya. . .” napaangat ng tingin si Airleya, nang marinig niya si sir Exter na tinawag ang kanyang pangalan, hindi niya naramdaman na lumapit ito sa kanya.

“Oh, sir Exter.” tumayo si Airleya, sa damuhan. “May kailangan po ba kayo? May problema po ba? Kumusta si Estella, at ang mga tauhan sa Summerbelle?” sunod-sunod na tanong ni Airleya kay sir Exter, na hindi napigilang mapakagat ng labi sabay yuko ng ulo.

Bubuka sa sana ang bibig ni sir Exter, ng bigla na lamang siya napa-angat ng mukha ng marunuon ng malakas na ihip nang hangin. Dahilan para, liparin ang mahabang buhok ni Airleya, na kaagad hinawakan ni Airleya, para hindi magulo, nakalugay kasi ang medyo kulot niyang buhok.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon