⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.
Chapter VI
“NA MISS KO KAYO.” yun ang bungad ni Airleya, ng mayakap niya isa-isa ang Baron at Baroness.Hindi napigilan ng Baroness na maluha dahil sa maraming taon na lumipas, nakita niya ulit sa wakas ang nag-iisang apo sa kanilang nag-iisang anak na si Summerbelle.
“I'm happy to see you too, our Airleya.” anang lola Sol, niya sa kanya.
Nanatili namang kalmado at parang wala lang sa Baron ang biglaang pagbisita ng nag-iisa nilang apo sa kanilang tirahan. Pero masaya ang Baron sa muling pagkikita nila ng apo nila na akala niya'y hindi niya na ito muling makikita pa. Binigyan naman sila ng karapatan ng kanilang son-in-law na makita ang apo nila. Pero sila mismo ang dumistansya.
“Lolo Bozi, hindi niyo po ba ako na miss?” tanong ni Airleya, na namiss niyang marinig ang mga katagang iyon sa apo niya.
Wala paring emosyon ang makikita sa mukha ng Baron. At alam ni Airleya na kahit hindi niya makita ang emosyon sa mukha ng lolo niya, alam niya naman na namiss din siya nito.
“Madaming taon ang nakalipas, ng huli ka namin makita. At ngayon. . . Dalagita kana. May sadya ba ang apo namin, kaya niya kami dinalaw makalipas ang maraming taon?” saad ng Baron, na hindi ikina-imik ni Airleya pero ngumiti ito saka umupo sa kaharap na sofa ng inuupuan ng lolo't lola niya.
“Dalawa ang pakay ko kaya ako nandito sa harapan niyo Lolo, lola. Una, siyempre ang makita ko kayo at kumustahin at mag-bonding narin kahit sa maikling oras lang at ang pangalawa, kailangan ko ang pangalan mo Lolo para papasukin ang kilala ko sa Imperial Academy upang mag-aral.” walang patumpik-tumpik na sambit ni Airleya sa lolo niya.
Tumaas ang kilay ng Baron. “Gusto mong gawin kong scholar ang kilala mo?”
Tumango ng ulo si Airleya. “Yes, lolo. Alam kong kayang-kaya niyo siyang gawing scholar niyo.”
“Why me? Bakit hindi ka lumapit sa Papa mo?”
“Dahil marami na siyang trabaho na inaasikaso. Ayokong dagdagan pa ang trabaho niya. So na isip ko kayo lolo. Ang Baron ang pinaka-mamabang uri ng maharlika sa emperyo pero ikaw lolo ang mas makapangyarihan dinaig mo pa ang Marquess.” ani Airleya na hindi makaka-ila na mas may nagawa pa na malaking ambag ang lolo niya sa emperyo kaysa sa Marquess. Ang tatlong maharlikang tao sa emperyo ang Duke, Count, at Baron sila ang may malaking ambag sa emperyo at sa loob ng maraming taon nagawa ng mga ito ang tungkulin nila.
“Ano ang mga patunay mo na dapat ko siyang paaralin Airleya? Hindi ako kukuha ng scholar na nagpapanggap lang na matalino. Ayokong wasakin ang pangalan na iniingatan ko.” deretsahang sambit ng Baron. Na inaasahan na ni Airleya na maririnig niya iyon sa kanyang lolo.
“Here. Wala 'yang halo ng pandaraya, nang sagutin niya ang mga hinanda kong katanungan sa kanya. Matapos niyang basahin ang limang libro sa loob lamang ng kalahating araw.” sambit ni Airleya na may pagmamayabang sa boses nito.
Kinuha ng Baron ang papel na mga nasa labinlimang papiraso. Tinitigan na man ng Baroness ang ibinigay ng apo sa asawa niya at iniisa-isa iyong tinitingnan.
“Are you sure, na hindi siya nag-cheat Airleya? Limang libro? Kaya niyang basahin iyon sa loob lamang ng kalahating araw?” hindi makapaniwalang tanong ng lola niya sa kanya ng makita na walang mali sa bawat sagot ng taong gustong irekomenda niya sa kanyang lolo.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...