XI

8.2K 242 7
                                    

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.

Chapter XI

“EXCITED NA AKO PARA BUKAS!” hindi mapigilang sambit ni Charlestina, na sayang-saya. Nasa hapag-kainan silang lahat.

Pansin naman ni Airleya ang kakaibang titig sa kanya ng Papa niya, na nginitian niya lang at nginitian din siya nito pabalik.

“Airleya, ano pala ang susuotin mo? Nabanggit sa akin ni Lady Fela, na hindi ka nagpagawa sa kanya ng susuotin mo.” anang madrasta niya, na kunwari ay nag-aalala sa kanya.

“May susuotin na ako para bukas. Ayoko sa gawa niya, mukhang patay ang susuot.” aniya, dahilan para maibuga ni Rune ang iniinom nitong wine.

“Oh Papa, malapit na rin pala ang kaarawan ko. Pwede ko bang makuha ng maaga ang gift mo sa akin?” tanong ni Airleya sa ama na uminom muna ito ng tubig saka nagsalita.

“Ano ba gusto mong regalo?”

“Hmmm. . .Gusto ko ng espada, yung hindi mawawasak ng kahit ano. At cute na puppy yung mabalahibo.” wika ni Airleya na may ngiti sa labi.

Napakurap ng ilang beses si Count Ralphus dahil sa gusto ni Airleya na iregalo niya dito.

“Espada?” hindi napigilang usisa ni Mavietta.

“Aanhin mo ang espada?” tanong naman ni Charlestina.

“Pamputol ko sa ulo niyo.” pabalang na sagot ni Airleya, pero mababakas sa boses ni Airleya na warning na iyon para sa kanila. Mabilis na ngumiti si Airleya, ng makitang namutla ang dalawa niyang stepsisters “Joke lang, ito naman oh.”

Napilitang tumawa ang dalawa, samantala maingat naman nilunok ni Lady Aghamora ang karne ng baka dahil sa sinabi ni Airleya.

“You're a woman Airleya, pangit tingnan na humahawak ang isang tulad mo ng espada.” sabad naman ni Rune.

Lumingon si Airleya kay Rune. “Anong pangit don, Kuya? Ang astig kaya. Kapag may nangahas na bastusin ako, seseguraduhin kong mapuputol ang ari niya.” ani Airleya, na pinariringgan si Rune na kumunot ang noo sa sinabi.

“May nang bastos ba sa iyo?” tanong ni Rune, na kunwari ay inosente at naiinis sa kung sino man ang nangahas na bumastos kay Airleya.

“Meron.” walang takot na sagot ni Airleya.

“Sino?”

“Ikaw...hahaha jooooke! Joke lang. Baka ma-offend ka.” ani Airleya na tumawa ng malakas, halata sa mukha ni Airleya na siyang-saya siya sa ginagawa nito.

“Hindi yan nakakatuwa Airleya.” panunuway ng Madrasta niya.

Tumikhim naman ang ama niya para kunin ang atensiyon ni Airleya.

“Sege, pumapayag akong regaluhan ka ng espada at puppy na gusto mo. Pero kailangan mo munang matutong humawak ng espada.” anang ama niya sa kanya.

Ngumiti si Airleya. “Paano kung marunong na ako?”

Kumunot ang noo ng Count “Tinuruan ka ba nina sir Exter at Ceasar?”

Tumango ng ulo si Airleya.

“Kung ganon ay, magkakaroon ng labanan.”

Kumunot ang noo ni Airleya, sa sinabi ng ama.“Labanan?”

“One on one match. Between the two of us.”

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon