XXIV

10.2K 243 6
                                        

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is the work of a novice writer. Although this chapter has been polished, there may still be minor grammatical or typographical errors. Thank you for reading and for your understanding.

CHAPTER XXIV

NAKANGALUMBABA si Airleya habang matamang nakatitig kay Ossian, isa sa kambal na anak nina Lady Aurora at Lord Ronan.

Dahil sa walang tigil niyang pagtitig, napansin siya ng binata. Napalingon ito sa direksiyon nila ni Silver at nagtama ang kanilang mga mata.

Ngumiti si Airleya bago itinuro si Silver.

"Crush ka raw ni Silver."

Sapat na ang lakas ng kanyang boses upang marinig iyon ni Ossian, na ilang metro ang layo at abala sa pagpuputol ng mga sanga ng mga halamang lumago nang husto matapos pabayaan ng mga katulong na kasabwat ni Lady Aghamora.

Napanganga si Silver.

Halos lumabas ang mga mata nito sa gulat habang nakatitig kay Airleya.

Samantala, napatingin naman si Ossian kay Silver.

"H-Hindi! Hindi kita crush! Niloloko ka lang ni Airleya!" agad na paglilinaw ni Silver.

Ngunit hindi pa rin tumigil si Airleya.

"Crush ka talaga niya, Ossian. Tingnan mo nga, namumula na siya."

Malakas na sinampal ni Silver ang braso ni Airleya.

Napangiwi si Airleya sa lakas ng sampal bago tuluyang matawa.

"Huwag kang maniwala. Gaga lang 'yan!"

"Ang sakit mo namang magsalita."

"Ano? Tatawagin ba kitang bobo? Hindi naman bagay."

Bahagyang ngumisi si Silver.

"Pero gaga ka."

"Gaga ka rin."

"Kaya nga naging best friends tayo."

"Sama-sama tayong mga gaga."

Sabay silang nagtawanan.

Maya-maya'y napalingon sila nang marinig ang boses ni Willow.

"Anong pinag-uusapan ninyo?"

Mabilis na ngumisi si Airleya.

"Willow..."

Itinuro niya ang likuran ng dalaga.

"Nandoon si Kaan."

Agad namang napalingon si Willow.

Ngunit nang wala siyang makita ay narinig niya ang malakas na halakhakan nina Airleya at Silver.

Doon niya napagtantong muli na naman siyang naloko.

Dahan-dahan siyang humarap sa dalawa.

Matalim ang titig niya.

"Humanda kayong dalawa."

Nagkatinginan sina Airleya at Silver.

Tahimik silang tumayo mula sa kinauupuan nilang bench.

Unti-unti silang umatras.

Parang isang leon na handang lumapa ng biktima si Willow habang papalapit sa kanila.

"Ano ba? Joke lang naman!" natatawang sabi ni Airleya.

Biglang itinataas ni Willow ang lupa.

Sa isang iglap ay umangat ang malalaking tipak ng bato na tila mga gusaling sumibol mula sa ilalim ng lupa.

AIRLEYAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon