XXIII

6.1K 184 4
                                    

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Chapter XXIII


HINDI MAIPINTA ang mukha ni Gelal ang panganay na anak ng Duke at ng Duchess, ng sapilitan itong pinasakay ng ama niya sa karwahe kasama ang mga kapatid niya na sina Killian at Silver, na pupuntahan ang nayon kung saan nakatira si lady Aurora.

“Wala pa tayo sa destinasyon natin, ubos na ang energy ko.” wika ni Gelal na kanina pa panay ang reklamo. Minsan ay nagmamaktol ito na parang bata sa loob ng karwahe.

Napailing na lamang nang ulo si Silver,
Samantala si Killian naman inirapan ang kuya niya na walang ganang lumabas ng mansion nila, dahil daw tamad ito at nanghihina sa tuwing maraming tao ang nakapalibot.

“Maraming beses mo nang sinabi yan kuya.” sambit ni Silver.

“Kailangan mo ring lumabas minsan, Gel. Ikaw ang magiging Duke ng Silverio, dapat may ideya ka sa kung anong nangyayari sa Agracia.” dagdag pa ni Killian.

Inirapan ni Gelal, ang kapatid niyang si Killian. “Anong Gel? Ipapaalala ko lang sa'yo na apat na taon ang agwat ko sa iyo, Killian. Hindi ko gusto ang pagtawag mo sa akin na Gel, Gel ha!” pagalit ma sambit ni Gelal kay Killian na hindi napigilang mapataas ng balikat dahil sa tono ng boses ng kuya niya, ramdam niya na nainis ito sa kanya.

“Pardon me, kuya.” paghihingi ng tawad ni Killian kay Gelal, na hindi inalis ng mas nakakatanda ang matalim na titig nito kay Killian.

“Pardon, pardon. Maraming beses mo nang sinasabi yan sa akin. Kung may galit ka sa akin, sabihin mo. Hindi yung ginaganyan mo ako.” inis na sumbat ni Gelal sa kapatid na hindi napigilang napakuyom ng kamao.

Nanatiling tahimik si Killian, hindi ito gumawa ng kahit anong ingay. Si Silver naman ay napatitig sa mga kuya niya na halatang may hindi pagkakaunawaan lalo na sa kuya Killian niya.

Hanggang sa makarating sila sa destinasyon nila. Naroon parin ang tensiyon sa dalawang kapatid ni Silver, habang kinakausap ni Silver ang anak ni lady Aurora na si Willow pang-apat sa limang anak nina lady Aurora at lord Ronan. Lima ang mga anak nito ang panganay na kambal na sina Obssian at Ossian na bentesingko anyos, sunod si Koen na labing siyam na taong gulang at si Willow na labing anim na taong gulang at ang bunso na si Aeveny na sampung taong gulang.

Panay ang tanong ni Silver kay Willow na tanging anak nina lady Aurora at lord Ronan na nagmana sa kakayahan ni lady Aurora. Samantala ang dalawang kapatid naman ni Silver ay malamig pa sa yelo ang hindi pagkakaunawaan na kahit mismo si Silver ay hindi din alam kung ano ang problema ng kuya Killian niya. Kilala niya ang kuya Gelal niya na kaagad tinatama ang mali nito kapag nakakagawa na hindi tama.

Nasa kalagitnaan nang pag-uusap ang sina Silver at ang  pamilyang Rotacio, ng bigla na lamang may mga assassins na umatake sa kanila. Mabilis pa sa alas-kwatro na prinotektahan ni Silver ang pamilyang Rotacio.

Ilang beses napakurap ng mata ang pamilyang Rotacio havang nakatitig sa bahay nilang winasak ng mga gustong pumatay sa kanila na ilang beses nang pinagbantaan ang buhay nila kung hindi lang ordinaryong tao ang mag-asawang Rotacio.

“Sumama na lang po kayo sa amin patungo sa Briarlaine. Doon po ay ligtas kayo, sinabihan ako ni Leya na dalhin ko kayo doon dahil alam niya po na may nagbabanta sa buhay niyo.” saad ni Silver sa mag-asawa dahilan para mapalingon ang pamilya sa kanya.

At walang nagawa ang pamilya kundi tanggapin ang alok ni Silver na sumama sa pagpunta sa Briarlaine.

“Kuya Kill, aalis na tayo.” pagkukuha pansin ni Silver sa kuya niya nang makita niya na nasa labas pa ito.

“Mauna na kayo. May pupuntahan pa ako.” aniya, at hindi na hinintay pa ang sasabihin ng kapatid nito. Basta-basta na lamang itong tumakbo palayo sa kanila.

“May problema ba ang mga kapatid mo? Kanina ko pa napapansin na may problema sa kanila.” sabad ng asawa ni lady Aurora na si Ronan.

“Lumabas ka diyan!” inis na tawag ni Killian sa sumusunod sa kanya. Agad din ay lumabas ang lalaking nakasuot ng puting cape.

“Aghh. Papaano mo nalaman—”

“Bakit ba ang kulit mo, Crown Prince Tyzon? Maraming beses ko ng sinasabi to sa yo, bawal maging tayo! Bakit nagpapakita ka pa sa akin?!” galit na sumbat ni Killian, sa kaharap. Nasa kalagitnaan sila ngayon ng gubat kung saan sinadya ni Killian na doon dalhin ang sumusunod sa kanya.

“Hindi ako susu—”

“Bawal maging tayo, kahit parehas tayo ng nararamdaman! Crown prince ka, at alam mo ang ibig sabihin ko. Hindi kita mabibigyan ng pamilya, at ayokong madumihan ang pangalan ng pamilya ko nang dahil sa pagiging abnormal ko. . . ” anito, at umiwas sa first prince. “Stop following me from now on, please, Your highness, the crown prince.” dagdag pa ni Killian, at iniwan ang unang prince na hindi naka-imik sa sinabi ni Killian.

“Hindi ako susuko! Tandaan mo 'to Killian Serio Silverio, akin ka at wala kang kawala sa akin. I just want you to know this, you're worth it Kill. Gagawin ko lahat para maging akin ka.” malakas na pagkasabi ni Prince Tyzon, at kaagad nawala.

Napakuyom ng kamao si Killian, dahil sa sinabi ni Prince Tyzon. At mariing napapikit ng mga mata bago nagpatuloy sa paglalakad palabas ng gubat.

“Pa, sabi ko sa iyo magpahinga ka muna. Ako na bahala sa mga ito.” wika ni Airleya sa kanyang ama na kakagising lang sa tulong ni lady Selena.

“Hayaan mong—”

“Pa! Isa, tatamaan ka talaga sa'kin.” pagbabanta ni Airleya na ayaw patrabahuin ang ama niya.

Walang nagawa ang Count kundi ang huminga ng malalim, at bumalik sa higaan nito. Nadoon parin sa kwarta ni Airleya nagpapahinga si Count Ralphus, dahil ayaw ni Airleya na iwan ang ama niya.

“May tanong ako pa.” biglang wika  ni Airleya na abala sa binabasa nito.

“Ano yun?”

“Balak mo bang iwan ako pa?” taning ni Airleya, dahilan para hindi maka-imik ang Count sa tanong ni Airleya sa kanya.

Hindi tinapunan ng tingin ni Airleya ang ama, patuloy parin ito sa ginagawa niya.

“. . . What do you mean, Leya?”

Tumigil si Airleya sa pagbabasa, bago nilingon ang ama niya. “Hinayaan mo lang ba si Aghamora na gawin ang binabalak niya, noong gabing iyon? Kilala kita pa, kaya hindi ako nakikialam sa mga plano mo dahil alam kung may binabalak ka. Pero ang kontrolin ka nila, nakapagtataka na hinayaan mo ang sarili mong mahulog sa mga kamay niya. Kilala kita bilang handa sa paligid mo. At alam mo ang mga pinaggagawa ni Aghamora na maaari niyang gawin sa iyo. Ano ang rason bakit ininom mo iyon? Balak mo ba akong iwan?”

Hindi nakapagsalita si Count Ralphus, na alam agad ni Airleya ang sagot.

“Pa, I am here. Kung kailangan mo nang makakausap nandito ako. You can tell me everything, na nasa isip mo. Hindi mo kailangan i-sarili. Hindi mo kailangan maging matapang para sabihing okay ka. Kung pagod ka, pahinga ka. Ako gagawa ng mga ito.” ani Airleya, at itinuro ang mga papel na nasa lamesa.

“. . . Sorry.”

“Yeah. Sorry too, pa. Kung parati akong wala dito.” paghihingi dij ng tawad ni Airleya, at lumapit ito sa ama niya at niyakap niya ito ng mahigpit bago may kumatok sa pinto, at sinabing dumating na ang hinihintay niyang bisita.

Nagpaalam si Airleya sa ama niya na harapin niya muna ang mga bisita na nasa manor house sa likod ng kanilang mansion na ilang metro lang ang layo sa mansion nila.

Pagkarating niya roon bumungad sa kanya ang pamilyang Ratocio.

“Uuwi na kami ni kuya. See you tomorrow.” sambit ni Silver sa kanya bago niyakap at tuluyan na ngang umalis kasama ang kapatid nito na si Gelal.

Humarap si Airleya sa pamilyang Rotacio at ipinakita ang tunay nitong ngiti ya mga taong karapat-dapat na pakitaan ng tunay niyang kabaitan.

“Greetings lady Aurora Aviola Rotacio, and to your family. Welcome to Briarlaine's territory.” bati niya, bago napunta ang tingin niya kay Willow.

“Nice to meet you Willow, Ariety's descendants.”

_____________________________________

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon