XIV

7.6K 225 1
                                    

⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.

Chapter XIV


MAKALIPAS ANG kalahating oras, narating ni Airleya ang mansion ng Whitlock. Malayo palang ay nakikita niya na ang kaguluhan sa loob ng mansion. May mga hindi kilalang knights na naroon na gumagawa ng gulo sa mansion ng grandparents niya.

Nang makababa sa karwahe, ay kaagad kinuha ni Airleya ang espada sa kaluban saka iwinasiwas ito sa isang knight na hindi alam kong saan ito nanggaling. Nakahawak ang kanang kamay niya ng kaluban na ginawa niyang proteksiyon sa kanya.

“Sino nag utos sa inyo na lusubin ang Whitlock?” mahinahong tanong ni Airleya, pero mababakas sa boses nito ang galit. Nag-aalala siya sa kalagayan ng lolo't lola niya. Baka mapano pa ito dahil sa nangyayari.

Bumaling si Airleya, sa likuran niya at bumungad sa kanya ang lalaki na parang apat na taon yata ang agwat nito sa kanya. May hawak itong espada may mga dugo ang damit nito at tilamsik ng dugo sa mukha.

Bumaling si Airleya kay sir Exter. “Puntahan mo ang Baron. Alamin mo kung ligtas sila at wala kang ititirang buhay kapag may nangahas na saktan ang lolo't lola ko.” ani Airleya, na kaagad umalis si sir Exter at tanging naiwan sa kanya ay si sir Ceasar.

“At sino ka naman?” tanong ni Airleya, na binalingan ang kaharap niyang lalaki.

“Wala siya sa alaala ng tunay na Airleya.” saad ng isipan ng bagong Airleya sa sarili niya na nanatiling kalmado.

Ngumiti ang lalaki na may hanggang balikat ang buhok. Napaka-kintab ng brown nitong buhok na halatang nanggaling sa mayamang pamilya ang kaharap ni Airleya. Halata iyon sa suot nitong damit na nabahiran ng dugo.

“Alduz Whitlock, anak ng kapatid ni Baron Johaness Bozi Whitlock na si Jykll Ziore Whitlock.” pagpapakilala ng lalaki sa kanya. Tumaas ang kilay ni Airleya.

“Ah, pinsan mo ang mama ko? Pang-ilan kang anak sa maraming babae ng Papa mo? Anak ka ng pang-anim niyang asawa, tama?” ani Airleya, na ikinadilim ng mukha bi Alduz dahil sa sinabi ni Airleya.

“Ano sabi mo?”

“Hindi ka naman seguro bingi diba? Narinig mo. Ikaw ang tinutukoy ni lolo na anak ng kapatid niya na ulyanin, na interesado rin sa titulo bilang Baron.” aniya, na mula hanggang ulo at hanggang paa ang pagtitig ni Airleya kay Alduz.

Kumuyom ang kamao ni Alduz, dahil sa uri ng pagtitig sa kanya ni Airleya, na para bang hinuhusgahan ang pagkatao niya.

Tumawa si Alduz, para inisin si Airleya, pero hindi naapektuhan si Airleya na tinitigan lang siya, saka tumawa din tulad ni Alduz dahilan para mapatigil sa pagtawa si Alduz.

“Hahahaha, ano? Ba't ka tumigil? Sheesh, buti nga ay sinasamahan kitang tumawa. Kung hindi, magmumukha kang baliw rito ngayon.” ani Airleya, sa mapang-asar na boses. At mabilis na umiwas ng kumilos si Alduz, para siya ay saktan.

“Wala kang karapatn para insultuhin ako!” sigaw ni Alduz, na nanggagalaiti sa galit kay Airleya, na walang ginawa kundi salagin ang bawat atake ni Alduz sa kanya. Hinahayaan niya lang ito. Hanggang sa siya naman ang kumiloy, dahilan para maputol niya ang kanang braso ni Alduz na may hawak ng espada.

“Ahhh!!!” sigaw ni Alduz, sa sobrang sakit dahil sa pagputol ng kang braso nito.

“Ahhh? May sinasabi ka?” panggagaya ni Airleya sa sigaw ni Alduz, na hanggang ngayon ay hindi pa tapos asarin ito.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon